Four

20 1 0
                                    

CHAPTER 2

HEART'S POV

Good morning world. Second day na ng pasukan! Sana wala ng mangyaring hindi maganda today *cross fingers* hahaha! Hindi kasi maganda pasok ng unang araw ng pasukan sakin kahapon eh. Ang daming kamalasang dumating. Nakaencounter kasi ako ng alien. Alien na walang modo, bastos, pilosopo! Arrrrgh. Ayaw ko ng maalala ang mga kaganapan kahapon, masyado lang akong nabuburaot! Yesterday was just a history nalang hahaha! Kung hindi naging maganda ang araw ko kahapon, for sure ngayon maganda na. Nafefeel ko yon, feeler ako eh! Hahaha.

Well, naglalakad ako papunta ng room namin ngayon. Kahit 7:30 am pa ang start ng klase, 6:27 am palang nandito na agad ako sa campus. Sinadya ko talagang agahan ang pagpasok para naman hindi ako maabutan ng traffic. Kapag kasi ganitong mga araw, malimit magkaroon ng traffic. Nagtaka pa nga si Mang Felipe kasi bakit daw ang aga aga kong pumasok today, samantalang dati daw nung third year high school palang ako halos 9:15 am na daw ako kung pumasok. Ganon naman talaga kapag fourth year high school na, right? Kailangan pumasok ng maaga para hindi nalelate. Mahirap kasi magkaroon ng maraming records ng late, lalong lalo na kung graduating. Baka hindi makagraduate. Hahaha! Medyo malayo layo pa naman ang distansya ng bahay namin dito sa school so kailangan ko talaga mag adjust ng oras para hindi ako malate sa pagpasok.

I'm here na sa room namin, actually kapapasok ko pa lang. Omg! 6 palang yung mga classmates ko na nandito. Masyado talaga akong napaaga sa pagpasok hahaha. Ano ba yan? Ganito pala ang feeling pag super aga kang pumasok noh? Nakakaboring tsk tsk! Wala pa si bestfriend Thea. Panigurado past 7:30 am pa papasok yung babaeng yon. Yun pa? Nako, never pa yung pumasok ng maaga, always late. Wala pa tuloy akong makadaldalan. Hay nako!

Alam ko na. Maglilibot libot nalang muna ako dito sa buong campus habang wala pa si Thea. I'm sure maboboring lang ako ng sobra kapag nag stay ako dito sa room.

Binaba ko na agad yung bag ko sa upuan kung saan ako nakaupo. Then, dali dali akong lumabas ng room.

*lakaaaaad*

*lakaaaaad*

*lakaaaaad*

Nandito na ako ngayon sa basketball area ng campus. Ang bilis noh? Hahaha, kabayo ako maglakad eh, joke. Hindi ko alam pero dito ako dinala ng mga mahiwagang paa ko. Hahaha! Wala pa masyadong katao tao. Hay nako, baket ba ako naparito? Ito kasing mga paa ko, pasaway masyado. Nagsayang lang ako ng lakad, wala naman akong magandang nakita sa basketball area! Wala pang mga naglalaro eh. Malamang, napakaaga pa masyado!

Lumabas na ako ng basketball field, maglalakad nalang ako ng maglalakad. Bahala na kung saan ako madala ng mga paa ko.

*lakaaaaad*

*lakaaaaad*

*lakaaaaad*

Nandito naman ako ngayon sa garden ng school. Tumambad sakin ang mga nagkukumpulang bulaklak. Wow ang gaganda. May roses, gumamela, orchids at marami pang iba.

I really do love flowers talaga! Naaalala ko si mommy kapag nakakakita ako ng mga bulaklak. Flower lover kasi si mom eh. Natatandaan ko pa nga nung nasa elementary days palang ako, laging umuuwi si dad ng may dalang 3 pink tulip flowers para kay mom. Nasabi kasi sakin dati ni dad na favorite daw talaga ni mom ang mga tulips.

Hindi ko pa nabibigyan si mommy ng tulips, kahit na minsan gustong gusto ko talaga syang bigyan. Nagtanong kasi ako one time sa isang flowershop and I was so shocked about the price of their tulips, masyadong mahal. Hahaha! Can afford ko namang bumili pero hello? Di ako magsasayang ng pera para lang sa bulaklak. Malalanta lang din naman eh. Pero syempre, para kay mom? Bibili ako, i want to surprise her kahit na sa simpleng paraan lang.

Hurting Once AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon