Six

11 0 0
                                    

*Recess Time*

Nandito kami ngayon ni Thea sa canteen. Actually katatapos lang namin umorder, naghahanap kami ngayon ng mauupuan. Wala yatang available. Ano to? Kakain kami ng nakatayo?

"Wala namang available na table eh. Sa room nalang tayo kumain." reklamo kong sabi kay Thea.

"Dito na tayo kumain, nandito na rin naman tayo eh. May mahahanap din tayong available na table, wag kang mag alala." sabi nya ng nalinga linga, waring naghahanap ng lamesang pwede naming maupuan.

"Ayun doon sa dulo may table na available. Tara, baka maunahan pa tayo." turo ko kay Thea sa table na nakita ko. Kailangan naming magmadali pumunta doon at baka maunahan kami ng kung sino hahaha.

"Leggo." sabi nya.

Tinungo na namin yung lugar kung nasan yung available table na nakita ko. Buti na lang walang nakauna samin dito, kung meron? Nako, pektus isa hahaha joke.

So ayon, umupo na kami.

"Heart nga pala may ipapakilala ako sayong guy mamaya. Nakilala ko lang sya sa fb kagabi, bigla kasi akong chinat. So ayun, inentertain ko naman. Dito din nag aaral yung guy, and alam mo ba? Tiningnan ko yung mga profile pictures nya kagabe, ang gwapo hahaha. Famous ata, ang daming likers eh." sabi nya habang hinahalo halo yung spaghetti na inorder nya.

"Ayan ka na naman. Puro ka na naman kalandian! Make sure na gwapo yang ipapakilala mo sakin ha, dahil kung hindi wag mo na lang ipakilala." sabi ko sabay kagat sa eggpie na binili ko.

"May ipinakilala na ba ako sayong hindi gwapo?" tanong ni Thea.

"Mayron na hahaha. Last year? Remember?" agad kong sagot. I dont want to remember that moment hahaha! Natatawa lang ako kapag naaalala ko yun. May pinakilala kasi sakin si Thea last year, gwapo daw. Base daw kasi don sa profile picture nung guy kamukha daw ni Zac Efron ng High School Musical. Eh langya nung ipinakilala na nya sakin, masasabi ko nalang talaga na mas pogi pa si Betong Sumaya hahaha. Realtalk! Laking dismayado ni Thea nung nakita nya yung lalaking yon, kasi ba naman gwapo daw sa picture sa personal daw hindi. Edi ayun after nyang imeet at after nyang ipakilala sakin, binlock na nya agad yung guy. Ang sama noh? Hahaha! Porket chaka, kailangan iblock agad sa fb? Hahaha.

"Ewwww, ewww, ewwww! Hindi ko naman kasi alam na ganon pala itsura non sa personal, dahil kung alam ko lang hindi na sana ako nakipagmeet don. Hay nako, wag mo na nga ipaalala sakin yung kaganapan na yon! Nakakadire!" sabi nya ng pairap irap hahaha.

"Hahahahahaha. Ang sama mo." sabi ko.

"Hi." bati ng taong hindi namin kilala na nakatayo sa harapan namin ni Thea ngayon. Ay wait, namumukhaan ko to ah. Saan ko ba nakita itong lalaking to? Parang nakita ko na kasi to eh, hindi ko lang matandaan kung saan.

"H-h-hi." balik na bati ni Thea.

"Ikaw si Thea Geronimo, right?" tanong nung guy sa bestfriend ko.

"Y-yeah. A-a-ako nga." mautal utal na sagot ni Thea.

"Ahh. I'm Matthew Ramirez. Yung kachat mo kagabe, remember?" nakangiting sabi nung Matthew habang nakalahad yung palad nya para makipag shakehands. Eto yata yung guy na sinasabi ni Thea na ipapakilala nya sakin eh hahaha. Infairnes, gwapo nga.

"A-ahh. Hehe! Kumusta? N-nga pala, si Heart, bestfriend ko." pagpapakilala ni Thea sakin don sa guy after nilang magshakehands.

"Oh hi." kaway kong bati don sa lalaki.

"Hello. Natatandaan kita, ikaw yung girl na hindi sinasadyang matabig ni pareng Cloud kahapon don sa may counter, hindi ba?" tanong sakin nung guy. Sabi na eh, kaya pala parang familiar tong taong to sakin! Nakita ko na pala siya kahapon, siya yung isa sa tatlong kaibigan nung lalaking kinaiinisan ko!

Hurting Once AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon