"Uy,SG! May inutos sa atin si Ma'am Wena."
I looked at my friend, Akia. I closed the book I was holding and stood up.
"Mauna ka na sa labas, Kia. Aayusin ko lang gamit ko." I said with a smile. Tumango naman siya at nauna na.
Lalapit palang ako sa bag ko, nang iabot sa akin ng isa kong kaklase ang isang folder. Tinignan ko iyon.
Students' Profile
4-Class A"SG, sabi ni Ma'am pakicheck daw kung tama. Heto 'yung list ng lahat ng information na sinulat natin d'yan." She said and handed me a few pieces of paper.
"Sige, pakisabi kay Ma'am iuuwi ko. Ipapasa ko bukas. Salamat." Inabot ko ang folder at ang papel. Nginitian ko siya at nilagay ko na iyon sa aking bag.
After putting my things in my bag, lumabas na ako.
"Tagal mo naman,SG. Tara na." Sabi niya sabay hatak sa braso ko.
Kinawit ko na ang braso ko sa braso niya para hindi na ako mahirapan.
"Ano ba inutos ni Ma'am Wena?" I reached for the candy in my skirt's pocket using my other hand.
"Kunin daw natin 'yung format na pinasuyo niya kay Ma'am Rosalie. May inaasikaso kasi siya sa PO." Tumango tango nalang ako at nginuya ang candy sa bibig.
"Sige, basta ikaw magsasabi ah. Sasamahan lang kita." Pangunguna ko. Alam kong ipipilit niya na ako ang magsalita kaya inunahan ko na siya.
Ganon na yata talaga ang pagiging estudyante. Hindi masaya ang school kapag hindi mo naranasan makipagpilitan na ikaw lang ang kasama at siya ang magsasabi.
"Uto ka ba. Ako kakatok. Ikaw magsasabi." Nakakahiya naman talaga magsabi sa mga teachers. Baka magkamali.
Nag-isip ako saglit. "Ganito nalang. Magjackempoy tayo. Isang bagsak." I suggested.
She agreed and we stopped walking. Nagjackempoy kami. Naggunting siya at bato naman ako.
"See? Ikaw talaga e." Nauna na akong naglakad and we reached the faculty 2. I knocked and opened the door.
"Good morning po." I greeted and smiled at the teachers.
Hinatak ko mula sa labas si Akia.
"Go na. May gagawin pa ako, Kia." Bulong ko pa sa kaniya.
She said what Ma'am Wena told her. I went outside and just waited for Kia. Nilabas ko muna ang phone ko at airpods. I searched for barbie movies.
"Hmm. What to watch?" I haven't done this for like years. Ngayon lang ako ulit nagkaroon ng chance na manood ng mga ganito.
Medyo dumadami na ang dumadaan dahil breaktime. Gumilid naman ako, takot na makasagi ng iba.
Bakit ang tagal naman yata ni Akia?
Instead of making myself bored, pinindot ko na ang unang movie na nakita ko. Hindi ko nga alam kung anong title.
I just actually let it play. Hindi ko pinanood dahil wala ako sa mood. I was about to make a step forward when a ball flew and shit. My head was freakin' hit by the ball.
Kinuha ko ang bola at tinignan kung sino ang maghahanap. Two boys approached me, maybe they were the one playing it. Pagkalapit nila sa akin ay inabot ko agad ang bola.
"Ah,miss. Sorry ah. Ito kasing kaibigan ko," sabay turo sa katabi niya, "hindi nag-iingat. Pasensya na talaga. Gusto mo ba dalhin ka namin sa clinic?" An average heighted guy said. He looks good naman.