Chapter 4

28 2 0
                                    

"Are we there yet?"

"Wala pa." Kanina pa siya tanong nang tanong kung nandoon na ba kami kahit siya ang nagmamaneho.

Nginingitian ko lang siya tuwing magtatanong siya sa akin.

"Liko ka d'yan." Turo ko sa left side ng daan. "Tapos liko ka ulit sa left." Turo ko ulit.

"Malayo pa ba?" He asked. Wow. Nagtatagalog pala siya.

"Medyo." I shortly said and opened my bag. Kinuha ko ang isang bundle ng rebisco strawberry na hindi ko pa nabubuksan.

Ten packs ang laman ng isang bundle. Kumuha ako ng isa at binalik ko sa bag 'yung iba. Habang binubuksan ko 'yung rebisco nakatingin siya sa akin.

Nilapit ko sa kaniya ang tinapay. "Gusto mo?"

Umiling naman siya kaagad at tumingin na ulit sa daan.

"Diretso lang tapos kapag may nakita kang likuan na right, liko ka do'n..." I said and started eating.

He was silent the whole time kaya ang awkward.

"Gusto mo ba ng rebisco?" Pagtatanong ko kahit tumanggi na siya kanina.

"Ayoko..." he shortly answered.

"Sa akin ayaw mo? Mas masarap sa feeling ko. Grrrr." Banat ko sa kaniya. "Just kidding. Hahahahaha!" I added.

Baka isipin niya na may gusto ako sa kaniya. Wala naman e. Kahit hinalikan niya ako sa forehead ko, wala lang 'yon.

Hindi naman siya nagreact at diretso lang ang tingin sa daan. He turned right when he saw it.

"Diretso nalang." I told him.

Nagdire-diretso nga kami at ilang metro lang ay, "stop! We're here!" I excitedly said.

Naubos ko na 'yung rebisco at siniksik ang pinagbalatan sa gilid ng bag ko. Iiwan ko ang bag ko, pero kinuha ko ang wallet ko.

He parked the car sa may parking ng pasta house. May malaking parking lot sa tabi mismo ng pasta house. Sikat na sikat ang Pasta House na ito dito. Masarap kasi ang pagkain at affordable.

"Akin na 'yung phone ko." Sabi ko kay Rai. Naalala ko na nasa kaniya pa pala 'yung phone ko.

May kinuha siya sa bulsa niya at nilahad sa akin. "Here."

Inabot ko iyon at nagpasalamat. Bumaba na ako sa kotse niya at hinintay siyang makababa. He locked his car and we walked papunta sa Pasta House.

Pagkapasok namin ay naamoy ko na kaagad ang mababangong pasta na inooffer nila rito. Mygod. I'm craving for this!

Luminga-linga ako para mahanap sila at nakita ko si Kia na kumakaway sa akin. Agad akong lumapit sa kaniya at nakasunod lang naman sa akin si Raizen.

'Yung couch ang pinili nila na table for four. Sa may bandang dulo ang pwesto namin. Magkatabi sila ni Drich at naupo naman ako sa tapat ni Kia. Sa dulo siya na dead end. Naupo naman sa tabi ko si Raizen. Syempre, wala naman ibang uupuan. Sa tapat naman niya si Drich.

"Nag-order na ba kayo?" I asked. Umiling naman si Aki.

"Hinihintay namin kayo." She said and looked at Raizen.

"Umorder muna tayo..." tumawag si Drich ng waiter at humingi ng menu.

Tinignan ko ang menu, kahit alam ko na ang gusto kong kainin.

"Baked spaghetti sa akin. Water nalang na inumin, 'yung bottled ah." I said.

Favorite ko ang spaghetti. No'ng natikman ko ang baked spaghetti nila ay mas lalo ko itong naging paborito. Tubig ang inumin ko dahil pupunta pa kami sa MysTEAque.

Grace of a HurricaneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon