Chapter 3

35 3 0
                                    

"We're expecting a hundred percent of attendance from the higher years, especially the fourth year students. Any questions?"

I looked around to see if he's here. Our school dean, Ms. Reese Villarama, is the sister of Raizen. Siya 'yung nag-announce ngayon dahil wala ang president, si Madame Diana Villarama, mother of Raizen and Ms. Reese.

He mentioned that he goes here to help Ms. Reese. Bakit hindi ko siya makita ngayon?

I didn't seem to care to whatever party they are going to house. Wala naman akong balak umattend e.

"SG, sino ba hinahanap mo?" Lumilinga linga rin si Akia dito sa auditorium ng school.

"Ah, wala. Ang dami palang tao." Palusot ko. Hehe.

"Whatever, SG." She stick her tongue out. "Are you going to attend the party? Because I'm in if you are!" She said happily.

Too bad I'm not going to attend.

"Lods, ikaw ba aattend?" Tanong ko kay Aldrich. Magkakatabi kasi kaming tatlo at ako ang nasa gitna.

"Oo naman, lods. Syempre hahanap ako ng chicababes!" He said.

Wala pa man din ay nagpaplano na siyang humanap ng lalandiin ah? Napailing nalang ako sa kaharutan ng isang 'to.

"Ikaw ba, lods?" He asked me.

Umiling ako. "Not interested."

"Edi hindi na rin ako aattend." Kia stated.

"That's good. Huwag ka na umattend. Nakakatamad naman e." Mahinang sabi ko. Nagbubulong-bulungan kami dito dahil baka marinig kami.

Ayaw naman namin mapahiya dito pa.

"Recess tayo pagkalabas dito." Bulong sa akin ni Aldrich.

"Ililibre ba ulit kita?" Pagtatanong ko. Umiiling-iling naman siya. "Mabuti naman at hindi ka magpapalibre. May bayarin ako ngayon." Mahinang sabi ko.

May inorder kasi akong pabango para kay mommy. 'Yung natitira sa allowance ko, iniipon ko. Hindi naman basta-bastang pabango ang bibilhin ko. Kung para sa akin ay bench lang naman ang gagamitin ko.

"Libre kita, syempre. Success kasi 'yung MysTEAque ni Mama. She gave me extra money for today." Pagkukwento niya.

Hindi pa ako nakakapunta sa bubble tea shop nila Aldrich. Last month lang siya nag-open pero hindi naman ako gaanong naggagagala.

"Kia, punta tayo mamaya sa MysTEAque." Aya ko kay Akia.

"Sige, girl." Medyo excited na sabi niya. Nag-usap pa sila ni Aldrich na hindi ko maintindihan.

Nakinig nalang muna ako sa announcements. Tatlong linggo pa naman bago ang Arctic Nights.

"Vacant ba mamaya?" Tanong ko kay Kia.

"Oo,sis. May meeting daw para mafinalize na 'yung details." She answered.

Hindi na ako sumagot at nakitang nagbobotohan pa ang faculty members kasama si Ms. Reese.

LGA is known for its phenomenal events. Annually, we celebrate four extraordinary parties namely Arctic Nights, X Navy, Lumières Aveuglantes D'azur, and Denim Revolution.

The concept came from the founder of this school, the late Rafael Villarama. And later on, improved the original concepts by his son, Mr. Robin Villarama. Hindi naman totally binago, he just made it more fun since as time passes by, people change and how they describe fun.

Grace of a HurricaneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon