Chapter 9

16 1 0
                                        

It's been a month...

Narito ako sa classroom at naghihintay ng results ng exams namin for this quarter. Pagkabigay ay dumiretso kami sa cafè.

Pagkatapos nito ay isang linggong preparasyon para sa X Navy.

X Navy is a celebration every October to commemorate the late General Rafael Villarama, the founder of this school. Ama siya ni Mr. Robin Villarama, na isa ring former member ng navy. Madalas ay ginaganap ito sa yate o resort na pagmamay—ari mismo ng mga Villarama.

The Villaramas are known for their riches. Kilala ang mga pamilya bilang mga inhinyero o kaya ay mga negosyante. Good looking din.

I shrugged the thoughts and drank the shake I bought. Magkasama kami ni Akia at Drich na nag-aaway sa gagawin naming pagbili ng susuotin mamaya.

"Edi huwag kang sumama kung ayaw mo na magtagal kami!" Inis na sigaw ni Akia.

Tinitignan ko lang sila the whole time.

"Bahala kang mamasahe." Pagbabanta ni Drich.

"I'll call my driver!"

Hindi na siya pinansin ni Drich at hinarap ako. Magkatabi kasi sila ng upuan dito sa pang-apatan na lamesa. Nasa tapat ko si Drich at si Akia ay katapat ng upuan kung saan nakalagay ang gamit ko.

I looked at my phone to see if he replied. Wala pa kaya sa tingin ko nasa klase pa siya.

He started texting me simula noong pumasok siya sa classroom namin.

"Save your number here." Si Raizen noon habang inaabot sa akin ang kaniyang cellphone.

I was hesitant at giving him my number but I still did. He dialled my number.

"Save my number..." he whispered gently.

I did save his number and he text me when he's not busy. Paminsan minsan ay tumatawag din siya para lang tanungin kung pa'no tumakbo ang naging araw ko.

Akia is staring at me like I did something wrong.

"Do you guys still talk?" She asked.

After what happened, naging usap-usapan sa school ang pagsunod sa amin ni Raizen. Some thought that he's my boyfriend. Others think I'm stupid to believe that he'll be serious about me and I did not bother to clarify things. Hindi naman nila kailangan ng explanation ko dahil hindi naman sila malaking parte ng buhay ko.

"Sometimes. He's busy with his studies, I think..." mahinahon kong sagot.

She scrolled through her phone and showed me a photo of Raizen with some familiar people in a high class bar. I saw Emmett Gray and some other personalities from the elite families here. Si Emmett Gray lang ang kilala ko dahil boyfriend iyon ni Ate Mara. Well, we all know about Emmett's cheating issues. Hindi nga lang namin alam kung rumor lang o totoo talaga. He's freaking rich to control everything.

"What about that?" I asked, not making it a big deal.

"This happened last night." She said, as if it's the most important thing to know. "Nasabi ba niya?"

"Oo. He's with his classmates daw and a few friends."

She sighed. Parang problemado siya kahit wala namang dapat problemahin sa sitwasyon.

"My cousin said that she saw Raizen kissing a woman." Medyo may galit na sabi niya.

"Ano naman?"

She screamed out of irritation. "You don't care at all?!"

Maraming nakatingin sa amin pero walang gustong umawat kay Akia. Her family is rich too.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling na-update: Aug 20, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Grace of a HurricaneMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon