Chapter 6 A Night of Sweet Independence

4 0 0
                                    


The next morning, I had to leave early as possible. The good thing is Saturday's still sleeping when I left the unit.

Because who the hell would go to school at 6:30 when class starts at 8 am?

Matapos ang nangyari kagabi ay agad akong naglock sa kwarto ko. Wala namang ibang kakaibang nangyari ngunit iba ang hiya na naramdaman ko. Hindi ko alam kung anong mukha ang ihaharap ko kay Saturday.

Like the usual, I left him a sterilized milk with a note on it. Pero hindi katulad kahapon, hindi ako nagdrawing sa note.

':)'

Simpleng smiley lang ang inilagay ko. Baka mamaya, ilagay na naman ni Sat sa story niya at pagkaguluhan ng mga followers niya (lalo na si Fien).

Almost 7:30 na ako natapos mag-almusal. Kung minamalas nga naman, nakasabay ko si Eunice sa palabas sa cafeteria. I would never put much attention to her but there's one thing that caught my eye.

Ang hawak-hawak niyang sterilized milk. Exactly like mine.

Sure, sige, go lang. 

Hindi ko naman masasabi kung kay Sat niya ibibigay 'yon, baka for stunts lang. Pero hindi ko alam kung bakit sumikip ang dibdib ko nang makita ko siya. Parang kumulo ang mga dugo ko at ang init ng pakiramdam ko.

"Ano ba Ary, para kang tanga," bulong ko sa sarili ko. I need to calm myself before taking the exam.

10 minutes before 8 am, patakbong dumating si Fien na parang kagagaling lang sa giyera. Ang buhok niya ay gulong-gulo at puro pawis ang mukha niya, hinihingal-hingal pa.

"Paaaaaaam!! May chika ako!" sigaw niya at lumapit kay Pam na katabi ko.

Hindi ko naman talaga seatmate si Pam at Fien ngunit nagpumilit sila sa proctor namin. Pwede na maging football player ang mga kaibigan ko, sa lakas ba naman ng sipa nila sa upuan ko sa tuwing hindi nila alam ang sagot.

Hays.

Tumigil si Pam sa pagbabasa at tumingin kay Fien, "Ano?" tanong niya.

"Sinetch itey na may hawak na milk ngunit ignored ng kaniyang crush?" natawa ako sa boses ni Fien, pwede na siya mag-DJ sa mga blind items.

Napaisip si Pam, "Uhmm—ikaw?"

Fien frowned at her, "BOBA! Si Eunice!" madiin niyang bulong sa amin.

Napangiti ako, "So confirmed na hindi si Eunice ang sender?" tanong ni Pam. Napailing na lang ako, simpleng sterilized milk ay pinagkakaguluhan nila.

Speaking of sterilized milk, inilabas ko na mula sa bag ko ang baon kong gatas at inenjoy ito, not minding Fien and Pam.

"Oo sis, kung si Eunice 'yon, dapat tinanggap ni Sat yung ibibigay niya," sabi naman ni Fien. Hay susko, hindi talaga matatahimik ang dalawang 'to.

"Masarap ba talaga yung sterilized milk? Kahit si Ary, adik na adik eh," tanong ni Pam.

Napatingin sa akin ang dalawa, "Stalker yan si Ary, kung alam mo lang, crush niya rin si Sat," biglang sabi ni Fien.

Halos mabuga ko sa kanila ang iniinom ko, "Tanga! Anong crush?!" gulat kong sigaw kay Fien. Grabe, nasamid ako don.

Ako? May crush kay Sat? Hah, noooooooope.

Nagpameywang si Fien sa harap namin, "Che! Akala mo papalampasin ko yung nangyari nung linggo—at tsaka hoy! May hindi ka pa sinasabi sa amin!"

Oh shit.

Akala ko ay makakalimutan na niya ang ganap nung weekend, hindi naman niya 'yon nabanggit kahapon. "Sino yung lalaking kasama mo sa condo nung sabado?" bulong ni Fien. Nagtaka si Pam ngunit pinili niya nalang makinig sa amin.

This Could Mess UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon