Chapter 5 At the Sofa

7 0 0
                                    


This is so new.

I woke up exactly at 6 am. Dapat na akong magpafiesta!

Maagap akong natapos sa pagrereview kagabi at tinamaan agad ako ng antok. I even woke up so gracefully, hindi labag sa kalooban ko ang pagbangon.

Probably because I am excited for the exams. Pagkatapos kasi ng linggong ito ay diretso sembreak na kami. Even though I have no plans for the break, excited pa rin ako. I am finally having a week-long rest and me-time!

I left the unit earlier than I expected, para makapagrecall ako ng mga nireview ko sa laboratory. Hindi pa lumalabas ng kwarto si Sat kaya nag-iwan nalang ako ng note kasama ang walang-kamatayang sterilized milk.

Grabe, tumagal ako ng ilang minuto para lang sa note na 'yon. I even drew his face on it.

'To: Sabadon't frown

Goodluck on your exams.

From: kakain ng almusal'

Syempre, I had to be polite. Baka maya-maya ay palayasin ako ni Saturday dahil napakawalang-kwenta kong condo-mate. All I ever did was to make him pay for my food, which is shameful because I think I owe him.

Kahit hindi ako nakatanggap ng 'thanks' ngayon ay ipagpapatuloy ko pa rin ang oplan-gatas ko. I really plan to make Saturday a devotee of sterilized milk, like me. Si Fien kasi, ayaw niya ng gatas. She's a juice person na kahit umaga ay naka-juice agad siya.

We're eating lunch at the cafeteria, again. Ewan ko ba dito kay Pam at Fien, ang lakas ng tama nila sa mga estudyante ng STEM.

I even waited for them to finish their exams for this morning. Ako kasi ang kaunahang natapos (not to brag) at nagrequest ang dalawa na sabay kaming kumain. For all I know, kailangan lang nila ng isang control variable para sa kanilang stalking session ng mga stem.

"Pam, nakita ko na ang bebeloves mo. Kaso hindi ko nakita yung akin," sabi ni Fien na nag-360 na naman. Nakatingin siya sa direksyon ng mga nagkukumpulang STEM sa isang stall.

Napataas ang kilay ko, "Sinong crush ni Pam? STEM?"

Tumango si Fien, "Varsity, yung Adrian ng STEM12A," sagot niya.

Napataas muli ang kilay ko, kaklase ni Sat? Konti nalang masasabi kong tirador ng STEM 'tong mga kaibigan ko.

"Kaibigan nung nanalong Mr. SportFest last year," dagdag ni Pam. "Kaibigan din ni Sat."

Napailing na lang ako sa kanila. Dahil sa tagal nilang kumain ay nagawa ko pang magreview para sa susunod na exam, which is our last exam for today. Actually, we only have 2 exams for each day. May ibang exam na oral, yung iba performance pa, and luckily, wala kaming ganon. Kadalasan ay STEM, HUMSS, at Arts and Design ang nakakaranas ng performance exam.

"Bibigyan ko rin ng good luck charm si Sat! Para may exposure ako sa story niya!"

Halos mawalan ako ng dugo sa mukha dahil sa sinabi ni Fien. May tinitingnan sila ngayon ni Pam sa phone niya. Naramdaman ko ang panlalamig ng mga kamay ko, hindi ko alam kung bakit ako nakakaramdam ng kaba.

Nagawa ko pang magtanong sa dalawa, "Anong meron?"

Sumagot si Fien, "May story si Sat sa IG, may nagbigay sa kaniya ng gatas. Yung paborito mo," sagot niya.

Umabot na ang lamig hanggang sa mga paa ko, he posted it on his story? Oh gods.

Maybe it wasn't from me, pero—ako lang ang nagbibigay ng sterilized milk sa kaniya. Wow, self-proclaimed.

This Could Mess UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon