Chapter 3 A Glimpse of Being A Yamming

13 0 0
                                    


"Sat, I am warning you. Don't give Ary a hard time," pagpapaalala ni Tito Arthur bago sila tuluyang umalis kasama si Daddy.

"Bye, Ary. The two of you should behave, okay?" Tita Daisy kissed my cheek.

"Yes po Tita Daisy."

Daddy just gave me a quick peck on the cheek and a reassuring smile before leaving.

Now, I am all alone with this Sat Mendoza; the smartest kid in the university and also known for his good looks na hindi ko alam kung totoo ba siya o hindi (he look so fucking unrealistic, para siyang character sa isang online game).

Nagkatinginan kami ni Sat habang nakaupo sa magkabilang dulo ng sofa. Now this is getting awkward. Parang isang estatwa si Sat na kahit bagyo ay hindi siya mapapagalaw. Hindi ko alam kung mahiyain ba siya o ayaw niya lang talaga akong kausap.

I finally decided to speak first after 5 minutes, "So... do you have rules here?" tanong ko habang nakatingin sa table sa harap namin.

"I hate noise, I hate mess, dirt, and leaving food packs everywhere. I hate seeing mess in the sink, tables, and stink in the refrigerator. I am disgusted by disorganization, misplacements, and seeing shoes anywhere but in the rack," dire-diretso niyang sabi, like he was ranting. "I don't like my privacy being invaded," dagdag pa niya.

Napangiti ako dahil parehas lamang kami, "Then you'll have no problem with me."

Well, except for the noise. Ayaw ko ng tahimik, gusto ko ng maingay. Lumaki kasi ako sa probinsya, kasama ang ingay ng mga kasambahay namin at ni Daddy. They felt like home.

But this isn't home anymore, wala akong karapatang magreklamo.

Kahit nagdadalawang-isip ako ay pinili ko pa rin magtanong, "Ano oras klase mo?" napatingin ako sa kaniya na siya namang nakatitig sa harap niya. (He looked like a robot for fuck's sake)

Again, as if he was talking to no one, "8 am sharp."

"Ano oras uwi mo?"

This time, napatingin na siya sa akin. He looked at me, na para bang may mali akong sinabi. "Aren't we on the same grade?" antipatiko niyang tanong, hindi inaalis ang titig sa akin.

Akala ata nito ay hindi ako aatras sa pakikipagtitigan niya. He looks so scary tho, it felt like he was looking through my soul.

Hindi ko alam pero muli akong napangiti (kahit sa sobrang inis, nakangiti pa rin ako), "Yes Mr. Mendoza, but different strands," ako na ang pumutol sa tinginan namin, "Mag-aayos lang ako ng gamit."

Shit, hindi ko na kinakaya ang atmosphere. Sumasakit na ang likod ko kakabuhat sa usapan namin.

Tumayo na ako at pumunta sa kwarto ko para mag-ayos ng gamit. Katabi lamang iyon ng kwarto ni Sat. Halos magpafiesta na ako nang malaman kong may sarili akong banyo sa kwarto.

Maliit ang kwarto ko pero tama lang 'yon para makapag-aral ako nang maayos. Para akong nasa hotel dahil sa ganda ng ayos nito. Pero sa tingin ko ay mas maganda ang kay Sat dahil nasa may dulo siya, probably kita sa kaniya ang view sa buong city.

Kita naman ito mula sa living room, pero iba pa rin kapag gigising ka sa umaga at makikita mo agad ang cityview.

Halos 9 pm na nang matapos akong magset-up at mag-ayos ng mga gamit ko. Kung hindi tumunog ang tiyan ko ay hindi ko marerealize na hindi pa ako nagdidinner.

Pagkalabas ko ng kwarto ko ay laking gulat ko na lamang na makitang kumakain si Sat sa may kitchen. He was firmly leaning on the refrigerator while eating. Napaisip tuloy ako kung ano ba ang role ng dining table dito sa unit.

This Could Mess UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon