Chapter 7 FRIENDS

6 0 0
                                    


Fuck.

Bakit si Saturday pa ang inutusan ni Ma'am Flora?

Agad kong ibinalik ang tingin sa papel, "W-wait, patapos na ako," I informed him. I don't know where my fear came from. I always feel it whenever Saturday's around.

Ngayon niya nalang ulit ako kinausap, isang araw kaming hindi nagkita (well void yung kahapon kasi tinawanan niya lang ako).

Biglang umalis si Saturday nang walang pasabi, hindi ata makapaghintay. Shit, may ginawa ba akong mali? Nalaman ba niya na iniwan ko ang unit? Malamang. Malalaman niya 'yon kapag narinig niya ang usapan namin kanina ni Ma'am Flora. Hay susko, baka palayasin na niya ako.

Saktong patapos na ang pagsasagot ko nang nagbukas na naman ang pinto ng classroom namin. Akala ko si Sat ang pumasok ngunit mga kaklase ko pala. Di na ata babalik 'yon. Masaya sila at halatang busog na busog, sana all.

Kwentuhan sila ng kwentuhan, nagawa pa nila akong batiin kahit nagsasagot pa rin ako ng exam. Hindi ko alam kung nananadya ba sila o ano, pinag-uusapan kasi nila yung mga pagkain sa cafeteria. Punyeta, mas lalo akong nagutom.

Kaso nagtaka ako nang bigla silang natahimik. Narinig ko ang mga bulungan nila na ipinagtaka ko. Anong nangyayari?

'Anong ginagawa niya dito?'

'Liligawan na niya ata ako.'

'Baka mali ng classroom, ayaw lang aminin.'

'Wala si Fien, sayang.'

Kahit nasa papel ang tingin ko ay hindi ko pa rin maiwasang mapakunot ng noo. Ibubulong pa nila, rinig pa rin naman. Sino ba 'yon?

"Eat."

Tinakbuhan ata ako ng kaluluwa ko at hindi ko maigalaw ang katawan ko. Hindi ko magawang tumingin sa kaniya dahil sa kaba. Ano ba 'to, ang abnormal ko na.

Amoy na amoy ko ang steak—kaya agad akong napatingin kay Saturday. Seryoso siyang nakatingin sa akin.

"January," tawag niya nang nanatili akong nakatitig sa kaniya. Why is he shining? Pakiramdam ko ay isa siyang anghel na bumaba para sa akin.

Natauhan ako kaya kinuha ko na ang hawak niyang paper bag. I handed my test paper to him, "Tapos na ako," at tumingin ako sa sahig.

Bakit ba ako nahihiya? Dragona ako, hindi ako ganito.

"Eat your lunch," sabi nito bago tuluyang mawala sa classroom namin. Nakahinga ako nang maluwag nang umalis siya, he created a scene in front of my classmates.

I was dumbfounded for seconds, pero unti-unti akong mapangiti nang marealize kong may pagkain na ako.

Mabilis pa sa alas kwatro kung makasagap ng tsismis ang mga kaklase ko. May lahing Fien ata sila. Lumapit sila sa pwesto ko at nagtanong ng kung ano-ano.

"Ary! Close kayo ni Sat?!" tanong ng isa.

"Jowa mo ba 'yon?" tanong naman nung isa.

"Anong ginawa niya dito?" tanong ng isa pa.

"Binigyan ka niya ng pagkain?" dagdag nung isa.

And the others were like that too. Grabe, feeling ko artista ako na pinalilibutan ng paparazzi.

Hindi sila tumitigil kaya sinagot ko na sila, gutom na ako. "Inutusan lang siya ni Ma'am Flora na kunin yung test paper ko. Nagpabili ako ng lunch sa kaniya kasi gutom na ako?" palusot ko sa kanila.

This Could Mess UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon