Chapter 9 Sembreak Madness

6 0 0
                                    


"I'll carry your luggage," sabi ni Sat nang makalabas kami sa unit.

I'm ready to go home. Grandpa's already waiting for me downstairs. Isang malaking travelling bag ang dala ko, I just brought my new dresses with me. Saturday's also leaving today, and guess what? He's bringing nothing except for his gadgets. Kung hindi ko pa siya tatanungin kung paano siya makakauwi, hindi ko malalaman na meron pala siyang sariling sasakyan. He said he rarely use it, sobrang lapit lang kasi ng uni sa condo.

What a secretive-smart-ass-hot-lookin-guy.

Tumango nalang ako sa kaniya, my bag's kind of heavy too. "Sure ka? Grandpa will see you," tanong ko sa kaniya.

It isn't a bad thing for me, you know, Grandpa meeting Saturday. Ang iniisip ko lamang ay ang magiging reaksyon ni Saturday sa reaksyon ni Grandpa sa kaniya. Grandpa's kinda—like Daddy.

Sat shrugged his shoulders, "I see nothing wrong with it," he answered and started to walk carrying my, baggage. These past few days, nagiging close na kami ni Saturday. Not like our first meeting, hindi na siya antipatiko (well there still are times that he'll just block me with his 'then—' phrase).

"January! Nini!"

"Grandpaaaa!" Napangiti ako nang malawak nang makita ko si Grandpa na naghihintay sa labas ng sasakyan. Mabilis akong tumakbo papalapit sa pwesto niya at nag-bless, naiwan ko si Saturday na maingat na naglalakad.

"Namamayat ka yata nini, kumakain ka ba?" tanong ni Grandpa habang nakatitig sa mukha ko.

Tumango ako sa kaniya, "Opo Pa, apat na beses sa isang araw."

Napatigil si Grandpa nang makita niya ang paglapit ni Saturday sa pwesto namin. "Good morning po, Governor," bati niya kay Grandpa.

Napakunot ako ng noo, alam niya?

Kahit nagulat ay nagawa siyang sagutin ni Grandpa. "Aba'y magandang umaga rin saiyo, iho. Nakakatuwa't kilala mo ako!" masiglang bati sa kaniya ni Grandpa. He even tapped Saturday's shoulders!

Napanganga ako nang makita ko ang pag-ngiti sa kaniya ni Saturday, fuck that was so wide!

"Opo, naikwento po kayo ni Tito Sebastian," magalang na sagot ni Saturday sa aking Grandpa.

Pakiramdam ko'y mawawalan ako ng balanse sa mga nakikita ko ngayon. I've never seen him—like this.

Napatingin sa akin si Grandpa, nakataas ang kilay nito at may ngisi sa kaniyang labi. "Ikaw ba ay boyfriend ng apo ko?" natutuwang tanong ni Grandpa.

It was my time to enter the scene, "Grandpa hindi! Kaibigan ko lang po siya!" I said while shaking Grandpa's arm.

Saturday shook his head, "Kasama po niya ako sa condo. Sa akin po siya inihabilin ni Tito Sebastian," depensa niya.

Napatigil si Grandpa. Akala ko'y magagalit siya sa sinabi nito ngunit mas lalo pang lumawak ang ngiti niya. "Kung sa gayon, ikaw ang tinutukoy ni Sebastian na nagbabantay kay January?"

Tumango si Saturday, "Opo, Gov. Rest-assured that I won't do any harm to January," sagot pa niya. Sa loob ko'y napataas ang aking kilay, hindi pa ba harm yung ginawa niya sa akin sa sofa? HMP.

Nakangiting tinapik ni Grandpa ang balikat ni Sat, "Tatay Julio nalang, masyado na yata akong matanda para sa Gov. Anong pangalan mo iho?"

"Sat Mendoza po," sagot ni Saturday.

"Sat?" paninigurado ni Grandpa.

Ako na ang sumagot, "Opo Grandpa, short for Saturday," niyugyog ko si Grandpa. "Pa, may byahe rin po si Sat," paalam ko dito.

This Could Mess UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon