Chapter 11 Birthday Chaos

2 0 0
                                    



I woke up with a dizzy head—and heaviness on my body.

Kung hindi ko pa maririnig ang yabag sa kwarto ko ay hindi pa ako magigising.

"Ar—shit?" napatigil si Fien nang makita niya ang pwesto ko—namin. "Gaga ka sis, ang bilis mo boba ka?" tanong nito habang nakatingin sa katabi ko.

Mahimbing na natutulog si Saturday habang nakapatong ang kaliwa nitong braso sa tiyan ko. I can feel his skin touching mine, and shit, it's making me feel something weird.

Ang mukha nito ay nakasiksik sa tagiliran ko, ewan ko kung nakakahinga pa 'to. I can't move any bit of my body, pakiramdam ko'y magigising ko siya. I am in the middle of being comfortable and uncomfortable situation.

And fuck, I kissed him! Sino ba namang tanga ang magtatake-advantage sa isang lasing? That was my first kiss, and I am the one who initiated it. Shit, I am shameless, dapat akong maparusahan.

Shit talaga.

Pikit na lamang ang isinagot ko kay Fien, "Kukuhanin ko lang phone namin," at kinuha nito ang bag ko. "Jusbels! Nakakaloka kayo ni Pam," sabi nito habang bumababa sa hagdanan.

Mahina akong napatawa nang marinig ko ang boses ni Fien at Lean sa ibaba. Nagbubulungan ang mga ito ngunit dinig pa rin sa buong cabin.

"Lean, nakakaloka! Nakayakap ang boss sa mayora!"

"Really? Titingnan ko!"

"Wag! Lumalayag na ang bangka natin!"

Napatingin ako sa tulog na mukha ni Saturday. He's still dazzling, ang balat nito'y tamang-tama para sa umaga. Nakakatakot siyang gisingin, ang mala-anghel nitong mukha ay tiyak na magiging tigre sa galit.


I fell asleep and woke up at 1 pm. Pagkagising ko'y wala na si Saturday sa higaan, ngunit may kumot nang nakabalot sa akin. Napangiti ako nang wala sa oras. Nyeta.

"Ary! Buti gising ka na! Umalis na si birthday boy para maligo!" bungad sa akin ni Fien nang makababa ako. Sakto lang ang paggising ko dahil kumakain na silang apat. Ang dalawang si Adi at Pam ay umaakto na parang walang nangyari kagabi.

Tumabi ako sa kanila at kinuha ang isang food box na hindi pa bukas, "Anong plano natin ngayong araw? Tumunganga?" tanong ko sa kanila.

"Boss invited us for dinner," sagot ni Adi habang kumakain. "Seriously guys, anong nangyari kagabi?" tanong nito sa amin. He's really drunk last night? Oh shit.

Automatic akong napatingin kay Pam, but she didn't act suspicious. Maging siya ay walang alam sa nangyari. "Bro, I am dead as fuck last night. Hindi ko nga alam kung paano ako nakauwi!" sagot sa kaniya ni Lean habang nakaturo ang drumstick niya kay Adi.

"So who stayed sane?" nagtatakang tanong ni Adi.

"Malabong si Sat. Hilo pa siya kanina," Pam answered. "Fien?" dagdag pa niya at tumingin kay Fien.

"As if! Cardi B pa lang lumalangit na ako!" Umiling si Fien, "Si Ary yata? Well trained yan eh," sabi nito.

Gulat na napatingin sa akin ang dalawang lalaki, "Woah, really? No joke?" paninigurado ni Adi.

Hindi ako sumagot sa kanila. Nyeta, gutom na gutom ako. "Bro, let's wear pants tonight. Baka hindi tayo malasing," Lean joked.

Napatingin ako sa kanila, "Ano? Iinom na naman tayo mamaya? Balak niyo bang mamatay?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 17, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

This Could Mess UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon