PARIS I

703 17 5
                                    

Pangarap ko to,pangarap ko to.." pagpipigil irita kong inayos nanaman ang sinulid ng makina. "girl,sayo ako tumatagal ha!"

Halos tatlong oras na ata akong naka upo dito at nag pa practice na mag tahi sa japeyk na makinang meron ako.

Sa Lola ko raw to eh, kaya naman talaga hindi ko nalang talaga masisi.

"What the freaking tape ka,umayos ka naman oh!" muling pagkausap ko don dahil mag aalas kuwatro na at pauwi ni si Haru,ang pinsan ko chinita na anak ni Tita sa Hapon.

Napaka bihira kong ma tyempuhan ang tamang timpla non gaya ng nanay nya dahil laging naka irap sakin.

Tusukin ko siya ng karayom dyan,para lumaki naman ng konti ang mata nya. Charot.

Nang hindi parin talaga naging okay ang makina,iniwan ko nalang ulit yon sa kuwarto at nag simula ng magluto.

Maasim na sinigang na parang si Haru pag galing School at kanin na perfect ang luto gaya ng kagandahan ko. Perfect!

" Pink Ano ulam?" narinig ko ang papalapit na lakad ni Haru singkit atittodang palakang cousin ko.

"Sinigang lods.Maasim na maasim. Kaamoy mo." pabiro kong sabi tsaka nilapag ang basahan ng lamesa sa lababo.

"Anong sabi mo bakla!?" ang attitoda talaga,akala mo maganda.

"Kaamoy mo,mabango ang aroma kako. Eatwell pinsan." pagkatapos non ay umalis na ako para pag practisan nanaman ang lintek na makina.

Iniisip kong mamaya nalang ako kakain pagka uwi ni Tita Terri,ang aking smol but terribol atittodang tita,pero dahil ginugutom ako sa inis dahil makina kumain nalang muna ako.

Hindi nga rin katagalan ay nakauwi na si Tita,galing yon sa pag ma manicure at pedicure na syang pinag kakakitaan at pantustos nya sa amin.

Actually echos ko lang naman na terrible sya, mabait parin sya sakin kahit na hindi nya ako anak. Talagang minsan harsh sya dahil yun din,dahil hindi nya ako anak.

"Pink kumain naba si Haru?"

Tumango naman ako. "Opo ta,tapos na. Sandali at iinitin ko po ang ulam."

Sya naman ang tumango sakin. Pagod syang nag paypay gamit ang kamay nya. "Ikaw ba?Kumain kana?"

Automatikong napa ngiti ako doon. Sa simpleng tanong lang ni tita ng ganon ay talagang natutuwa na ang puso ko. Palibhasa wala akong kinalakihang magulang.

"Tapos na Tita hihi!" pinalo ko sya ng pabiro sa balikat at humagikhik nang ilagay ko ang ininit kong ulam,inayos ko pa ng konti ang lapag ng plato sa harap nya. "Aral muna ako ta ha. Pahinga ka."

Lutang pa akong nag lakad papuntang kwarto iniisip kung papano ko haharapin ang sakit sa ulo.

Hindi naman ako makapag inarte dahil halos si tita ang gumastos sa pag papa aral sakin. May part time job ako pero sye pero di ko naman keri lahat ng kailangan ko.

Pasalamat nalang talaga kay tita eh. Medyo hadlang sya sa pag te take ko ng Fashion Designing ngayong college pero pinilit ko talaga dahil ito ang gusto ko! At kaya ngayon nahihirapan ako.

Eight thirty ng gabi ako napagod kaka pakiusap sa may toyo kong makina. Um okay naman na at napag ta tyagaan uli.

I need to sleep ng maaga dahil tomorrow is Saturday at Lola Amelia's Mirienda is waiving. Yup,yun ang part time ko,waitress ako sa food stall nayon sa may food park.

Saturday bukas at maraming tao kahit na maaga palang. Usually kasi ay pang gabi ang oras ko don pero ngayon maghapon. Wala si Cutie Moby doon,ang isa pang waiter na papabols namin na pang umaga. Ako muna ang palit sakanya.

Paris and You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon