YOU X

179 13 0
                                    

◦•●◉✿✿◉●•◦

"So you are telling me that-" I cut her off.

"Yes Crizette! Look, I am very sorry," maamo ko syang tinignan samantalang sya mukhang dragon na kaya akong bugahan ng apoy anytime. "..wala ako sa huwisyo non, naka inom tayo parehas. I didn't even remember what happened so let's just forget it please-" pinahinahon ko lang ang boses ko.

Masyadong magulo ang utak ko ngayon. Kung sasabayan ko pa ang galit nya nako goodbye poise na.

"No!" Nag sisigaw nanaman sya. She is holding the blanket tight. Nasa higaan parin kami and we're talking,uh yes we're not talking, we're shouting "Don't tell me that it's nothing you? Please Kalen,no.."

I dont know kung kanino ako maawa. Sakanya ba o saakin. Naaawa ako sakanya kasi hindi nya deserve ito. Hindi nya deserve ang kagaya ko. I don't think I can handle 'that' thing that just happened. I don't think I can assure her of me being responsible even though I'm pretty sure na hindi na sya birhen kagabi.

Virginity will never be the base kung pa'no mo dapat tratuhin ang isang babae pagkatapos ng lahat,but what will I do?

I can't think straight right now. "No! I'll tell Daddy about this and you'll be responsible with this."

Wth? Pakiramdam ko ay naiipit ako sa dalawang bato at pinipilit akong durugin.

"Please babe.. let's talk calmly please. We can settle this down. Don't call Tito,we can talk ng tayo lang. Stop that."

Pilit kong inagaw ang cellphone nya na inabot nya galing sa bedside table.

Wala parin pala kaming soot. We are still naked under the blanket.

Humihikbi lang sya habang nilalayo iyon sakin, naiirita na ako sa nangyayari at hindi na nakontrol ang bibig ko, "You're not virgin last night so don't act like that!"

She stopped for a while, na para bang nanghihina.

"Im sorry," biglang bawi ko at tumungo muna.

I'm not ready with everything! Family stuffs, kahit nga pag boboyfriend hindi ko kaya mag girlfriend pa kaya! Im not ready for kids..

I dont know.

"I love you Kalen." Inangat ko ang ulo ko at tinignan sya.

"I know, but I don't feel the same way you wanted it." Sa tinagal tagal ng panahon na magkasama kami ni Crizette, hindi ko na nga ata halos mabilang kung ilang beses ko nang naipamukha sakanya ang bagay nayon.

I don't deserve her love. I feel bad.

Tanaw na tanaw ko ang sakit sa mata nya. Hindi ko man gustong iyon ang maramdaman nya pero hindi ko na alam ang sasabihin.

Siguro kung iba ito sobrang matutuwa sila.

It's Crizette Pillarmo. Isang tinitingalang modelo, a perfect example of beauty and brain, came from a well known family, she may act like a bitch on others but not on me,since day one, no..

I can't afford to hurt her. She's my gem. My bestfriend since high school. The girl I can probably spend my life with, not as my wife but as my lifetime buddy.

"Hanggang dito lang ba talaga? Kasi.." she speaked up. Hinarap ko sya, walang tigil lang syang nag pupunas ng mga luhang ako ang may gawa. I'm hurting seeing her like that. Wala akong ginusto sa nangyayari pero may kasalanan parin. "Ang tagal kong inintay to eh, I never thought na magiging ganto ako kadesperada sayo Kalen.."

Wala akong ibang ginawa kung hindi ang panoorin syang umiyak sa harap ko. Gusto kong batuhin sya ng panyo at punasan ang sipon nya gaya ng ginagawa ko pag umiiyak sya pero hindi,mali.

"You always take everything as a joke. Akala ko," medyo nanginig pa ng boses nya at mas lumakas ang hikbi. "..akala ko pag may nangyari sa atin at ako ang una mong nakita sa pag gising mo maiintindihan..miintindihan mong lalaki kana at ako talaga ang para saiyo..that is how funny and crazy I am when..it is you."

Parang sinaksak ang puso ko sa sinabi nya.

Humarap sya sakin. Mugto ang mata pero tuyo na ang mga luha.Halatang pinipilit nyang ipakitang okay na sya dahil nagawa nya pang ngumiti. Medyo napatagal pa nga ang titig ko.

"Alam ng sarili ko kung gaano ko kagusto na ikaw nalang sana Crizette..pero hindi ko talaga kaya." Medyo napasinghot ako. Nagtutubig ang mga mata ko. "I appreciate every letter you made,every I love you's and every single attention pero hindi talaga eh," hinarap ko sya, "..hindi kita magawang tignan sa paraang gusto mo kahit na anong subok ko.."


Since that day, medyo hindi na naging maganda ang communication namin ni Crizette. I knew from the first place that this will happen when we talk about our feelings with each other. I don't like this, I miss her, I want to go back to the Philippines to talk to her but I'm not that shit to give her some false hopes,maybe I'll give her some time.

Umuwi sya ng Pilipinas ng araw na yon and well..me, here, trying my best to sketch up some designs ignoring my guilt.

It's been two weeks.

"Hi baks," amoy palang alam ko na kung sino 'to. That's kinda weird right? Pero yon ang totoo.

Kinunotan ko si Dewei ng noo. How dare her called me that jeje endearment.

"Stop calling me baks, we're not close." Maarte kong pinilantik ang daliri ko na parang pinapaalis sya.

Nandito ako sa baba ng building ng cozy apartment namin. Malilim at presko ang hangin dahil sa mga halaman sa labas. May iilang bench at swings pa nga.

"Ikaw lang kakilala ko rito, ang arte mo naman."

Inis na ibinaba ko ang sketch book ko. Hindi ko pinansin ang magandang pair ng Beige nyang high waist shorts at spaghetti strap at ang fountain pony nya. Duh! "Ako maarte? Eh hindi naman talaga kita close, atsaka bakit ka napadpad sa Paris kung wala ka naman palang kakilala? Ano nagkamali ka ng eroplanong nasakyan ha? Ako tigil tigilan mo."

Mahina sya napatawa at binatukan ako. Muntik na ata akong matulala sa pagtawa nya buti..

Pumikit ako at bumilang ng tatlo para medyo mawala ang irita. Ang aga aga! "Napatol ako sa gaya kong babae girl,lalo na pag hindi ko gusto ang aura."

Binalik ko ang sarili ko sa pag ssketch. Sya naman ay maarteng umupo sa tabi ko. May pa spray spray pa muna nang alcohol bago umupo.

"Nasaan na ang girlfriend mo? Binisita ka lang?"

Sinamaan ko sya ng tingin, I am pretty sure na si Crizette nanaman yon. Hay Crizette, kailan mo ba patatahimikin ang buhay ko.

"Wala akong girlfriend at hindi ko sya girlfriend..At bakit ang chismosa mo?" Parang wala lang syang narinig sa halip ay sinubukan nyang silipin ang ginagawa ko.

Inagaw nya rin sakin ng di maglaon. Tinitignan ko lang ang kakapalan ng mukha nya.

"Woah, ang ganda nito..if ever saiyo nalang ako mag papadesign ha- oh? Ano yung naabutan ko last time, friends with benefits kayo?"

Inagaw ko ang sketches ko sakanya. "Naiirita ako makipag usap sayo,dyaan kana."

Ewan ko ba pero parang ang init talaga ng dugo ko sakanya.

Paris and You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon