Kakatapos lamang ng concert ng aking mga kuya kaya ay agad kaming umuwi sa bahay at nag palit ng damit bago dumeretso sa kusina sina kuya Josh at Kuya Stell. 1 hour na lamang ang kailangan naming inatayin para sa new year. Sobrang daming fruits ang nakadisplay sa lamesa and super excited na akong kumain!
"Skyyy, come here may ipapakilala ako sayo" sabi kuya Justin sa akin lumapit ako sa kaniya at Binuhat niya ako para makaupo sa kaniyang Lap.
"Kuya, si Zoe siya yung aming little sister na inampon sa orphaned!" masayang sabi ni Kuya Justin.
"Ang cute! Hi Zoe! Ako si Julian De Dios kapatid ako ni Kuya Justin mo!" sabi ni Kuya Julian.
"Hi po kuya Julian! Ako po si Zoe!"sabi ko sa kaniya.
"Ang cutee! Dalhin mo siya dito Jah! Sama mo siya sa birthday ni Mama!" sabi ni Kuya Julian.
"Okay sasama ko siya, I'm sure na magugustuhan siya ni Mama" sabi ni Kuya Jah.
"Hindi lang magugustuhan! Baka angkinin pa nga eh!" tawa ni Kuya Julian.
"No way!! Hindi namin ipamimigay si Sky" sabi ni Kuya Jah at niyakap ako.
"Hindi din po ako sasama sa kanila" sabi ko at niyakap si kuya Jah.
"See kahit si Sky ayaw din sumama" sabi ni Kuya Jah.
"HAHAHA osige na bye bye!" sabi ni Kuya Julian.
"Bye po/Bye kuya" sabay na sabi namin ni Kuya Jah.
Pagkatapos namin kausapin si Kuya Julian ay nag usap lang kami ni Kuya Jah about sa mga ibat ibang bagay na nakakatawa more on sa mga clumsiness ng lahat ng kuya ko, tapos nag jojoke din si kuya Jah kaya lalo akong napapatawa.
"Juicccyyy, tara sa terrace! Duon tayo mag seselebrate ng New year!" sabi ni Kuya Sejun sa akin, kaya napatawa ako sa kaniyang inasta kasi sobrang excited siya at patalon talon effects pa kaya tumungo ako at naglakad kasama si Kuya Justin.
"We still have 40 minutes, bago mag new year, lets play a game guys!" sabi ni Kuya Stell.
"Laruin natin yung laro sa Korea, yung Yaja Time?" sabi ni Kuya Justin.
"Yaja Time? Di ba po yun yung laro kung saan baligtad yung age? Uhm yung uutusan po ng youngest yung mga oldest?" tanong ko
"Langga grabe naman sa oldest, pero oo ganoon na nga langga" sabi ni Kuya Ken.
"At since ikaw ang pinaka youngest namin dito berry ikaw ang mag uutos sa amin" sabi ni Kuya Stell sa akin.
"Hmm, pero ayaw ko po kayo papagudin kuya, kasi kakagaling nyo lang po sa work kanina tapos nag prepared pa kayo ngayon ng mga foods for this new year po, kaya po ayaw ko pong mapagod kayo" sabi ko.
"Aww ang sweet naman ng aming langga" sabi ni Kuya Ken.
"Its okay Berry, kaya namin ito diba guys?" sabi ni Kuya stell at ngumiti.
"Oo naman!" sabi nila. Kaya napangiti ako at nag simula nang utusan sila.
"Hmm, Josh isulat mo name mo using your butt sa harapan ni Justin" sabi ko kaya nag tawanan yung tatlo.
"Ehhhhhhh, seryoso ka Mahal?" sabi niya tumungo ako kaya wala na siyang magawa kundi ang gawin ang pinaguutos ko. Natawa kami sa naging reaksyon ni Kuya Jah, halatang ineenjoy niya titigan si kuya Josh.
"Manyakol si Jah!" tawang sabi ni Kuya Ken.
"Oy hindi ahh!" depensa ni Kuya Jah.
"Ken, gusto ko na ikiss mo si kuya Josh sa pisngi " sabi ko kaya napatigil siya sa pagtawa at tiningnan ako bago siya tumungo at ginawa ang pinaguutos ko. Napatawa kami sa naging itsura ng mukha ni kuya Ken at Kuya Josh.
"Vesterrrrr, hihihi kantahin mo yung when I was your Man ni Bruno Mars!" utos ko kay Kuya Stell.
At wow! Nung nag simula na siyang kumanta hindi ko mapigilan ang hindi mapangiti sobrang ganda talaga ng kaniyang boses.
"Justinnnn, sayaw ka po ng Marikit sa unahan!" sabi ko at plinay ang kanta. Inasist siya ni kuya Stell sa pagsayaw, at kaming nanonood ay hindi mapigilan ang hindi matawa sa kaniyang sayaw.
"Sejuunnn, gawin ninyo po yung three bears po!" sabi ko
Ginawa niya yung sinabi ko at ang cute ni Kuya Sejun lalo na nung kinakanta niya ito ay napiyok pa siya.
"HAHA tara mag countdown na tayo 20 seconds na lang at New Year Naa" sabi ni Kuya Josh.
"I CAN'T WAIT TO EAT!" sabi ni kuya Ken.
10
9
8
7
6
5
4
3
2
1
"HAPPY NEW YEAR!" Sigaw naming anim saktong mga nag sisigandahang fireworks display ang mga pumuputok sa itaas. Tumalon talon ako para maging matangkad ako gaya nina Kuya Justin.
Napansin siguro nila na tumatalon ako kaya tumalon din sila. Hala hindiii! Baka lalo pa silang tumangkad at hindi ko na sila matangkadan!.
Nag tagal ng 20 minutes ang fireworks display kaya agad na kaming pumasok sa loob ng bahay dahil malamig na din ang simoy ng hangin.
"Kainan naa!" sigaw ni Kuya Ken at dali daling pumunta sa kusina.
"Wash your hands muna Ken!" sabi ni Kuya Sejun.
"Okay!" sigaw ni Kuya Ken pabalik.
Ng makarating kami sa kusina ay nag hugas muna kami ng kamay bago kumain.
"Ken! Wag mo ubusin yung chicken!" sabi ni Kuya Jah.
"Ehhh, masarap ang chicken ehh!" sabi ni Kuya Ken at nginunguya ang pang limang chicken na kinakain niya.
"Kuya Stell gusto ko po ng ubas puwede?" tanong ko sa kaniya at inilagay ang platong ginamit ko sa lababo.
"Tapos ka na ba kumain Berry?" tanong ni Kuya Stell sa akin tumungo ako at itinuro ang aking pinagkainan.
"Okay, wait kukuha lang kita ng lalagyan at hugasan na din natin" sabi ni Kuya Stell at kumuha ng isang maliit na mangkok at siyaka kumuha ng ubas.
"Here berry" sabi ni Kuya Stell sa akin at ibinigay ang ubas. Nag pasalamat ako kay Kuya at kiniss ang kaniyang pisnge bago ako umupo sa upuan ko kanina.
"Hoy, hoy, nasa harap kayo ng pagkain nag aaway kayo" mahinhin pero may pag ka maotoridad na sabi ni kuya Sej.
"Ito kasing si Jah" sabi ni Kuya Ken.
"Bah! Anong ako! Ikaw kaya yung umuubos ng Chicken!" ganting sabi ni kuya Jah.
"Wag na nga kayong mag away dalawa, respeto sa pagkain puwede? Makinig kayong dalawa sa akin" sabi naman ni Kuya Josh.
"Sorry po" sabi naman nilang dalawa.
Napatingin ako kay Kuya Josh, hindi siya tatawaging Boss Ssob ng mga Fans. Cute si Kuya Josh mukhang siyang baby pati height parang baby hehe, joke lang, pogi syempre ang kuya ko tapos napaka charismatic niya, nalaman ko lang din na Mas matanda pala si Kuya Josh kay Kuya Sejun, mahilig din ai Kuya Josh na maglaro ng mga Games.
"Uy, Sky, kanina mo pa tinititigan si Kuya Josh mo ah" sabi sa akin ni kuya Jah kaya lahat sila napatingin sa akin pati na din si Kuya Josh.
"Eehh, hihi, cute po kasi ni Kuya Josh" sabi ko.
"AHAHAHA kahit height Cute din" tawang sabi ni Kuya Ken.
"Aba, ikaw Ken ha" sabi ni kuya Josh. "Bakit mo naman nasabi iyan Mahal?" tanong niya sa akin habang nakangiti.
"Hindi ko din po alam eh, pero basta po cute po kayo!!" sabi ko. "Lahat po kayo cute!"sabi ko. Kaya napangiti sila sa aking sinabi.
[ו••×•••×]
BINABASA MO ANG
Adopted by Ppop Kings
FanfictionAn orphan girl named Zoe was adopted by the famous PPOP boy group SB19. ✔️Season 1 ✔️Season 2 ✔️Season 3 FORMER TITTLE: LITTLE PRINCESS OF SB19