STELL
"Merry Christmas Berry. "
Pasko na ngayon at ten months ng walang malay si Zoe. Nandidito padin kami sa hospital at sineselebrate namin ang pasok dito.
"Anak, huwag kang mag alala magigising din si Zoe"sabi ni Mama sa akin.
Lahat ng parents namin ay nadidito pinayagan kami ni Lovely na dito mag selebrasyon ng pasko kasama ang magulang namin.
"M-ma, s-six days na lang, at mag ja-january na.. Paano kung hindi na talaga siya magising?"tanong ko.
"Anak, mag tiwala ka lang sa panginoon hindi niya pababayaan si Zoe"sabi ni Mama sa akin niyakap ko siya ng mahigpit bago nag pasalamat.
"S-she's crying!"sigaw ni Justin kaya agad kaming lumapit kay Zoe. Umiiyak ang baby girl namin pero bakit?
"Call Lovely Faster!"sabi ni Sejun bago tumakbo si Ken para hanapin si Lovely.
"Berry, why are you crying? Wake up berry please"sabi ko na lamang at umiyak na din. Hindi ko kayang mawala ang baby sister namin.
"What happend?"tanong ni Lovely bago niya icheck ang katawan ni Zoe.
"Shit! No! Get the defibrillator Ruby! faster!"sigaw ni Lovely agad na kinuha ni Ruby ang Defibrillator at ibinigay ito kay Lovely.
"100 joules! Heal!"
"Maa!"napayakap ako kay Mama dahil ayaw kong makita ang nangyayari kay Zoe.
"200 joules! Heal!"
"Zoe! Wake up please!"rinig kong sabi ni Justin.
Bakit ganoon? Dapat masaya yung pasko! Dapat natutupad yung hiling diba?! Yung hiling ko sana magising na si Zoe! Pero bakit ganito?! Bakit nangyayari ito?!
"300 joules! Heal!"
Zoe! Gumising ka na please! Ayaw ka naming mawala! Zoe!
"ZOE! GUMISING KA PLEASE!"
"Zoe.. "
"Zoe"
Ayan na naman ang boses ng isang babae pero nasaan na ba siya? Mag isa lang naman ako dito pero parang merong nakatingin sa akin.
"Nasaan po kayo! Tulong po! Nasaan po ako! Pakiusap po! Magpakita na kayo! Miss ko na po ang mga kuya ko!"
"Zoe anak"
Napatingin ako sa likudan ko isang babae at lalake ang nakita ko nakasuot sila ng puting kasuotan at nakangiting nakatingin sa akin.
"Sino po kayo?"
"Anak, kami ito ang tunay mong magulang"
"Tunay na magulang? Kayo po ang Mama at Papa ko?"
"Oo aking anak, kami nga"
"Mama, Papa"
Agad akong lumapit sa kanila at niyakap.
"Salamat anak dahil nayakap ka ulit namin, sobrang saya namin ngayon anak"
"Mama ako din po masaya po akong makita kayo"sabi ko habang umiiyak.
"Anak ko, gustuhin man namin na magtagal ka sa amin pero hindi ito maari"
"Bakit po Papa? Ayaw nyo po ba sa akin?"
"Hindi sa ganoon anak, kasi hindi mo pa oras para makasama kami, may mga nag hihintay pa sayo sa ibaba"
"ZOE! GUMISING KA PLEASE!"
Napatingin ako sa aking likod ng marinig ko yung boses ng kuya Ko.
"K-Kuya Stell.. "
"Panahon na ngayon para bumalik ka sa iyong katawan, tapos na ang kanilang pag hihirap anak ko"
"Pero Mama, Papa mag kikita po ba tayo ulit?"
"Anak oo naman lagi kaming nasa tabi mo at binabantayan ka at nadidito din kami"
Sabi ni Mama habang tinuro ang puso ko.
"Salamat po Mama Papa kahit sa kaunting oras na nakasama ko kayo ay masaya na po ako"sabi ko at niyakap silang dalawa.
"Mamimiss ka namin anak, paalam, mahal na mahal ka namin ng Mama mo ha?"
"Mahal na Mahal ko din po kayo Papa, Mama paalam po"
Pag kasabi ko noon ay isang nakakasinag na liwanag ang pumalibot sa amin kaya agad akong napapikit ng mariin.
"Paalam anak"
Agad kaming napatingin ng biglang may marahas na paghinga at pag ubo kaming narinig mula kay Zoe.
"O my gosh!"
Agad kaming lumapit kay Zoe para tingnan siya ng maayos.
"K-kuya, w-wag na p-po kayong u-umiyak" sabi niya sa amin hinalikan ko ang kaniyang kamay bago ngumiti.
"T-thank you Berry, thank you dahil nagising ka na"sabi ko sa kaniya.
"Na miss ko po kayo mga kuya ko"sabi niya sa amin.
"Namiss ka din namin Juicy, alam mo ba halos hindi na kumain iyang si Kuya Stell mo"pag sumbong ni Sejun kay Zoe.
"Eh? Bakit naman po, kuyaa bakit po kayo hindi kumakain? Bad po yung sa health"sabi niya sa akin kaya napaluha na naman ako.
"Dahil nag aalala ako sayo berry, kuya Stell was so afraid to lose you. "Sabi ko.
"Hindi ko naman po kayo iiwan eh, kayo nga po lagi inaalala ko nung nasa ibang lugar po ako"sabi niya sa amin.
"Ibang lugar? What do you mean Langga?"
"Pagkagising ko po noon eh nasa isang hardin po ako isang upuan na mahaba tapos mga damong tuyo na nasa sahig at walang bungang puno. Ako lang po ang mag isa duon kaya nakakalungkot, tapos po lagi ko pong naririnig yung mga boses nyo po, hinahanap ko po kayo pero hindi ko po kayo makita, tapos po na meet ko po ang Mama at Papa ko po"sabi niya kaya nagulat kami.
"M-mama at Papa mo Mahal?"
"Opo Kuya Josh, sila po yung tumulong sa akin para makabalik dito, para makasama kayo, kahit kakaunti lamang pong oras ang ibinigay sa aming pagkikita ay masaya na din po ako dahil nakausap ko silang dalawa"sabi ni Zoe.
"Thankful kami dahil hindi mo kami iniwan baby. "Sabi ni Justin at hinalikan ang noo ni Zoe.
"Kayo po kasi yung buhay ko mga kuya hehe"sabi ni Zoe kaya napangiti kaming lahat at niyakap si Zoe.
"Zoe Merry Christmas"sabi ko
"Christmas? Christmas na po ngayon?"tanong niya sa amin.
"Yes baby, 10 months ka ng mahimbing na natutulog"sabi ni Justin.
"Ten months.. Ang tagal ko po palang nakatulog kaya po ganiyan ang mga Mata nyo po kuya Stell, sorry po"sabi niya sa Akin at niyakap ako.
"It's okay berry"sabi ko sa kaniya.
"Langga, tampo kami ng mga kuya mo! Si Kuya Stell mo lang ata ang favorite mo sa amin eh" sabi ni Ken
"Hindi po! Close lang po kami ni Kuya Stell, lahat po kayo peyborit ko"sabi ni Zoe sa amin habang nakayakap pa rin sa akin.
"Ito talagang si Ken na ito hayss, Berry oo nga pala may ipapakilala kami sa iyo. "
"Guys, meet Zoe Claire Santos, SB19 little sister"
•••••♡•••••
BINABASA MO ANG
Adopted by Ppop Kings
FanfictionAn orphan girl named Zoe was adopted by the famous PPOP boy group SB19. ✔️Season 1 ✔️Season 2 ✔️Season 3 FORMER TITTLE: LITTLE PRINCESS OF SB19