CHAP 02: Bonding with Brothers

1.8K 60 69
                                    

Nag paalam ako sa aking mga kaibigan at mga Madre na nag alaga sa akin, sa tatlong taon kong masayang pag iistay sa orphan ay mas lalo pang magiging masaya dahil makakasama ko na ang new brothers ko.  Sikat na mga kuya to be exact!

Nung hindi pa inaadopt ang mga ate-atehan ko sa orphaned ay madalas silang nanood ng mga Video nila, kaya minsan ay nakikinood na din ako minsan nakikibasa na din ako ng nga fanfiction nila. Nakasakay kami ngayon sa Van at sobrang ingay nila! Si Kuya wearing braces ay nakanta and sobrang ganda ng Voice niya! Tapos yung isang kuya naman ay nag rarap at hindi ko maintindihan ang sinasabi niya sa sobrang bilis ng pag kakasalita niya. Yung isa naman na tahimik lang pero malakas ang Volume sa Cellphone ay nanonood ng anime siguro. Sa ngayon nakaupo ako sa lap ni Kuya Stell.

"Hey, baby Zoe, do you feel uncomfortable?" tanong niya sa akin. Tumingin na lang ako sa aking mga sapatos at umiling. Since na hihiya pa ako na humarap sa kanila.

"Ang tahimik niya"bulong ng isa kong kuya at sapat iyon para marinig ko ang sinabi niya.

"Malamang Justin! Kakikilala pa lang kasi niya sa atin! Kaya nag aadjust pa siya! Diba Zoe"sabi naman ni kuya Stell tumungo ako at tumingin na lamang sa kalsada. Siya lang ang kilala ko sa lima. Ang name lang kasi niya ang aking na tatandaan.

Nasabi din sa akin ni Mother Mary na dinagdagan daw nila ang name ko Zoe Claire Santos. Yan daw ang pinangalanan nila sa akin

"Nandito na tayo!"sigaw ng apat at nag silabasan habang si kuya stell ay inalalayan ako na makababa sa Van. At ng makita ko na ang labas hindi ko mapigilan ang hindi mapa nganga sa laki ng kanilang bahay. Sobrang sobrang laki ng kanilang bahay! Yung isa kong kuya ay kinuha ang gamit ko at ipinasok sa loob ng bahay at sinama ako sa loob. Maliit ang kaniyang height kumpara sa iba, pero hindi naman yung sobrang liit talaga.

Ng makapasok na kami sa loob ay hindi ko maiwasan ang hindi magpunta sa dream world. Sobrang ganda ng loob nito kumikinang at mala palasyo ang kaniyang itsura, meron itong sobrang luwag na Living Room at sobrang laki na TV, maluwag na kitchen mga nag sisigandahang paintings at trophy at iba pa! Sa sobrang paghanga ko ay hindi ko mapigilan ang hindi sumigaw, sanhi ng kanilang pag kagulat.

"Sumigaw siya!"sabi kuya Stell na may pagkagulat.

"Opss, sorry po"sabi ko at nag cover ng bibig, nakakahiya yung ginawa koo!

Binuhat ako ni kuyang naka brace at ngumiti sa akin.

"Hey Zoe, be open to us, we won't hurt you"sabi niya sa akin. Tumungo ako sa kaniya at niyakap siya.

"Group hug!"sabi ni Kuya Stell at nag group hug kaming lahat. Pag katapos ng group hug ay agad kaming pumunta sa Sofa at umupo.

"So Zoe kilala mo ba kaming lahat?"tanong ni Kuya Brace.

Umiling ako sa tanong niya at nag salita "I only know kuya Stell po eh"sabi ko

"Its okay, Zoe, mag ipapakilala ulit kami okay? My name is John Paulo Nase, but you can call me Sejun or Kuya Sej na lang"sabi ni Kuya Sejun.

"Ako naman si Josh Cullen Santos"sabi niya sa akin.

"Sa inyo po diba yung magiging last name ko?"sabi ko.

"Yes Zoe"sabi niya sa akin at ngumiti lumapit ako sa kaniya at niyakap siya. "Thank you po Kuya Josh!"sabi ko sa kaniya.

"Uyy! Wag mo solohin si Zoe Josh! Hii Zoee! Ako nga pala si Justin! You can call me Kuya Jah and ako ang bunso ng grupo pero ngayon sa pamilyang ito ikaw na ang bunso namin!"sabi ni Kuya Jah at nag handa ng kamay para yakapin ako kaya lumapit ako sa kaniya at niyakap siya.

"Hey baby girl, ako nga pala si Felip John Suson but you can call me Kuya Ken"sabi ni kuya ken lumapit ako sa kaniya at niyakap din siya.

"Kuya Ken, kung ang real name nyo po ay Felip John bakit po Ken ang nickname nyo?"tanong ko sa kaniya.

"Kasi baby girl, dapat talaga ang real name ko ay Kenji, but my lolo wants my name to be Felip since ako lang daw ang kaisa isang lalakeng apo niya."sabi niya tumungo ako at ngumiti sa kaniya.

"Boys?"napatingin kami sa kakadating na babae na kulay pula ang buhok.

"Hi, Zoe! I'm the manager of your Brother, my name is Rappl or Rose and madalang lang siguro tayo mag kikita, so ayun boys nandito ako kasi sasabihin ko na you should buy her some clothes anything na magagamit niya"sabi ni Ate Rose.

"Oh, hear that baby girl? Mag shoshopping tayong lahat, go to your room and mag palit ka ng comfy clothes okay?"sabi ni Kuya Ken at niyakap ako.

"Okay po Kuya Ken"sabi ko at umakyat na sa hagdan pero nang nasa kagitnaan na ako ay bigla akong napatigil. Hindi ko alam kung saan ako mag bibihis!

"Kuya?" tawag ko

"Yes?"react nilang lima, oh dapat pala may kasamang pangalan.

"Uhm, saan po ako mag bibihis?"tanong ko.

"Jah, samahan mo si Zoe sa kaniyang magiging kwarto"utos ni Kuya Sejun kay kuya Jah.

Tumayo si Kuya Jah sa pag kakaupo at sumunod sa akin tapos hinawakan niya ang kamay ko at sinamahan sa aking kwarto.

"This will be your room, Zoe, katabi mo ang kwarto namin ni Kuya Josh mo at Kuya Stell and Sejun. Tapos dun sa isa is kwarto ng kuya Ken mo"sabi niya sa akin tumungo ako at tumingin sa aking kwarto ng buksan niya ito. Kulay caramel na dingding agad ang nakita ko tapos sobrang luwag ng space niya and then malaki din yung kama nito.

"Pasok na tayo yun ang CR Zoe, mag bihis ka na, iintayin kita dito"sabi kuya Jah at humiga sa kama ko, kumuha ako ng isang pink Dress at isang pink doll shoes sa aking maleta at agad na pumunta sa CR siyaka nag bihis. Pag katapos kong mag bihis ay lumabas na ako sa CR nakita ko si Kuya Justin na nag cecellphone kaya tinawag ko siya.

"Kuya Jah"tawag ko sa kaniya tumingin siya sa akin at bumangon sa kama at siyaka ako Binuhat.

"Cute naman ng Baby Zoe namin!"sabi ni kuya Jah at nag lakad papalabas habang buhat buhat ako.

"Guys! Ready na si Zoe!"sabi ni Kuya Jah nag si tinginan sa amin silang lahat at natulala? Pero kaunting oras lang din silang natulala at ngumiti sa amin.

"Okay! Let's go?"sabi ni Kuya Stell.

Tumungo kami at sumakay na ulit sa sasakyan.

[ו••••×•••••×]

Adopted by Ppop KingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon