STELL
Hindi ako mapakali sa aking kinatatayuan dahil sa pagaalala ko kay Zoe, nadito kami ngayon sa Condo at nag iintay ng balita tungkol sa kapatid namin. Mahigit tatlong oras na ang dumaan pero wala pa rin kami balita.
"Stell umupo ka muna, kanina ka pa pabalik-balik diyan"sabi sakin ni Ken na ngayon nakaupo sa sopa. Kahit na pa easy ang kaniyang itsura nakikita ko sa kaniyang mga mata na nag aalala din siya kay Zoe. Huminga muna ako ng malalim bago umupo sa kama ng madanggil ko ang bag ni Zoe kinuha ko ito at niyakap hindi ko mapigilan ang hindi maluha dahil sa pagkawala niya sa amin, kahit na hindi kami mag kadugo ay tinuring namin siyang kapatid. Kaya hindi ko kakayanin na mawala siya sa amin. Habang yakap ko ang bag ni Zoe ay naramdaman kong parang merong nag vibrate sa loob kaya dali-dali kong binuksan ang bag at kinuha ang cellphone nang makita kong may mensaheng na receive si Zoe mula sa isang estranghero. Binuksan ko ito at nagulat sa nakita.
"KEN CALL THE OTHERS! FASTER!"sigaw ko at nanginginig na tinitigan ang imaheng sinend ng estranghero.
"Stell! Anong nangyari?!"tanong ni Sejun sa akin pero imbes na sagutin ko Siya ay ibinigay ko sa kaniya ang cellphone ni Zoe bago ako napahangulngol ng iyak sa nakita.
"SHIT!"sigaw ni Sejun ng makita ang imahe, kung saan si Zoe ay nakalambitin ng patiwarik at walang malay.
"Z-zoe.."
THIRD PERSON'S POV
Sa isang malayong lugar kung saan nakatayo ang abandonadong factory ng mga manok ay merong apat na bantay at isang kaawa awang bata ang nakalambitin na patiwarik.
"Ang tagal naman ni Boss!"sigaw ng isang lalake.
"Shh! Manahimik ka nga! Baka magising yung bata sayo"saway naman ng isa.
"tsk! Ano ba kailangan ni Boss sa batang ito?"tanong ulit ng lalake.
"malamang maalin sa ransom money o kaya naman eh ipagbibili sa mayayamang porener!"sabi ng isa.
"alam mo siguro masarap ang batang ito, tara galawin natin?"nakakalokong sabi nito aa kaniyang kasamahan.
"Manahimik ka Dong, ang sabi ni Boss ay ibigay sa kaniya ang bata ng walang galos o ano man"sabi ng isang babae na isa sa kasama na dumukot kay Zoe sa CR.
"ito namang si Beth di na masamahan mabilis lang naman eh" anang ng lalake.
"kapag sinabing hindi, hindi! Naiintindihan mo ba?!" pagalit na sigaw ng babae.
"Chill lang beth, oo na hindi ko na gagawin!" takot na sabi ng lalake.
"intayin natin si boss na dumating"sabi naman nung isa pang babae.
"May alam ba kayo kung anong gagawin ni Boss sa kaniya?"tanong ng isang lalake.
"wala akong ideya, wala siyang sinabi sa akin"sabi ng babae.
"Mhhmm.. N-nasaan ako?" kakagising na sabi ng kaawang awang bata.
"Ooohh, gising na pala ang bataaa"sabi ng isang lalake.
"S-sino po kayo? Na-nasaan po ako?! Bakit po ako nakaganito?! Pakawalan nyo po ako!"sabi ni Zoe.
"ang dami mong satsat na bata ka!"sigaw ng isang babae na kumidnap sa kaniya bago ito sampalin Na ikinaiyak ng bata.
"Haide! Ano ba?! May hika ang bata!"sabi ng isa pang kasamahan niya.
"eh ang ingay niyan eh! Manahimik ka ngang bata ka!"sigaw ulit ni Haide at akmang sasampalin niya ulit ito ng biglang isang tunog ng baril ang kanilang narinig bago bumagsak sa sahig ang dalaga.
"B-Boss" banggit ng tatlo.
"diba sabi ko walang mananakit sa kaniya?"sabi ng isang babae na aka boss nila.
"Pakawalan ninyo si Zoe, sino bang nag tiwarik sa kaniya ha?! Sabi ko itali nyo lang!" galit na sabi nito. Agaf na kibalas ng lalake ang pagkakatali kay Zoe at dahan-dahan itong ibinaba sa sahig.
"Zoe.. Kilala mo ba ako?"tanong ng babae. Ngunit lumayo lamang sa kaniya si Zoe at takot na tumingin sa kaniya.
"s-sino po ba kayo... Gusto ko ng umuwi sa mga kuya ko"sabi ng bata.
"Hindi ka uuwi sa kanila! Dapat naman talaga ako aampon sayo eh! Nangako ako sayo nun diba?!"sigaw ng babae at madiing hinawakan ang pisnge ni Zoe.
"Hindi ko po kayo kilala! Wala po akong kilalang bad person!"sabi ni Zoe hababg umiiyak.
"Bad person?! Ako toh! Ang iyong kaibigan nung nasa orphaned ka pa lang Zoe! Si Janica! Janica ang pangalan ko Zoe!"sabi ng Dalaga sa kaniya.
"A-ate Janica.."sabi ng bata at unti-unting naalala kung sino siya.
"Ako nga Zoe, sama ka na sa akin Zoe, saamin ka na tumira, aalagaan kita"sabi niya dito pero umiling ang bata.
"Gusto ko po sa mga kuya ko Ate, ayaw ko pong mawalay sa kanila. Gusto ko na pong umuwi."sabi ng bata.
"ANO BA?! DIBA SABI KO HINDI KA NA BABALIK SA KANILA?! AKO ANG MAG AALAGA SA IYO NAIINTINDIHAN MO BA?!" sigaw ng dalaga sa bata.
"AYAW KO PO SA INYO! GUSTO KO PO SA MGA KUYA KO! BAD PO KAYO!"sigaw ng bata kaya nakatanggap ito ng isang malakas na sampal na ikinaiyak ng bata.
"Oh gosh.. I'm sorry Zoe.."sabi ng dalaga at balak na sanang yakapin ito pero lumayo sa kaniya ang bata at umiyak na lamang.
"Zoe.."
"C-can't breath.."sabi ng bata na ikinagulat ng lahat.
"Shit! Let's bring her to the Hospital!"sabi ng dalaga.
"pero boss! Mahahalata nila tayo! Alam ng lahat na nakidnap ang kapatid ng sikat na boyband! Kapag nalaman nilang nasasa atin ang bata tiyak na makukulong tayo!"sigaw ng lalake.
"wala na akong pakealam! Basta mailigtas lang si Zoe!"sabi ng dalaga bago binuhat ang bata. Papunta sa kaniyang kotse at nag drive.
Isang minutong biyahe ang itinagal ng dalaga para lang makarating sa hospital.
"HELP! Please HELP!"sigaw nito tinulungan siya ng guardia na kuhanin ang bata sa kotse laking gulat niya na ito ang nawawalang bata na hinahanap ng mga kapulisan ngayon. Agad nila nila itong ipinasok sa hospital May mga doctor na lumapit kay Zoe at kahit ang mga ito ay nakilala ang bata. Pasimpleng umalis ang guardia at kinontact ang kaniyang kapatid.
"Hello Danica, nandito yung bata na hinahanap ng mga iniidolo mo, sabihin ko pumunta dito sa Geunava Street Hospital Center, pero sahihin mo din na mag iingat dahil parang ang babaeng ito ang kidnapper ng bata" sabi nito sa kaniyang kapatid.
*-*-*-*-*-*
🍓: SORRY GUYSS kung ngayon lang nag update bumawi kasi ako sa katawan ko eh lagi akong puyat sa pag aarala kaya mag inuna ko munang matulog bago tapusin yung mga unfinished drafts ko hehe also last 2 chapters na lang tapos na tong storyy.
BINABASA MO ANG
Adopted by Ppop Kings
FanfictionAn orphan girl named Zoe was adopted by the famous PPOP boy group SB19. ✔️Season 1 ✔️Season 2 ✔️Season 3 FORMER TITTLE: LITTLE PRINCESS OF SB19