CHAP 06: Caught

1.2K 44 5
                                    

Mabilis natapos ang New Year. At ang mga kuya ko ay busy sa kanilang sunod-sunod na schedules, at syempre this will be a new semester for me dahil school days are waving. Meron na lamang akong tatlong araw bago mag pasukan. Paano na lang kaya kung pag uwi ko galing sa paaralan tapos wala dito ang mga kuya ko?

"Sky, kailangan na siguro nating bumili ngayon ng mga new clothes and new things for the upcoming school days, we won't have time to buy things so it's better na ngayong oras na tayo mamili" sabi ni Kuya Jah sa akin habang nag re-ready siya. Nakasuot siya ng isang blue denim pants at white tshirt. Ganoon din siya kuya Ken na nakasuot ng loosy shirt at black pants.

"So, ibig po bang sabihin eh mag shoshopping po tayo?" sabi ko sa kanila. Habang tumatalon sa kama ni Kuya Stell.

"Yes langga, kaya kung hindi ka agad mag-aayos ngayon, iiwan ka namin dito sa dorm" sabi ni Kuya Ken sa akin.

Nanlaki ang mata ko, kaya agad akong pumunta sa loob ng kuwarto ko at nag bihis, sinout ko ang aking jeans, ang aking puting highcut white converse, ang whitee tee na binigay sa akin ni Kuya Ken na may nakaprint na pusa na color gold.

Pagkatapos kong mag bihis ay agad akong lumabas sa aking kuwarto, only to find my brother, kuya ken na kakatok na sana sa aking pintuan. "Here wear this kiddo, ayaw ka naming malamigan, lalo na't ganyan ang suot mo" sabi sa niya sa akin bago kami bumaba.

Tiningnan ako ni kuya Jah at ngumiti "Ang cute naman ng little sister namin" sabi niya.

Lumabas kami ng dorm at sumakay sa Van. Pumunta kami sa isang malapit na mall at na mili nang gamit. Si kuya Ken ay nag mamakaawa kay Kuya Jah na ibili siya ng ganito ganyan at utang daw muna. Sa mga nababasa kong mga fan fiction about sa kanila ay tunay talaga huh? Binili nga pala namin ang isang cute sky blue bag pack na merong mga chain design, mga notebooks, pens, pad papers mga coloring materials at iba pang gamit, including clothes! Since si Kuya Jah ang mag babayad ng lahat ng ito hehe~.

Habang namimili kami ay napansin agad kami ng mga Fans at pinag kaguluhan kami, I mean sila kuya lang pala kasi bigla akong naitulak papalayo sa aking mga kuya. Mga flash ng camera dito at doon, hiyawan ng mga fans tulakan at sipaan, owwwkaaay, siguro kailangan ko munang umalis dito.

"ZOE!"rinig kong sigaw ni kuya Ken. Tumigil muna ang mga fans ng isang segundo bago ulit mag patuloy sa kanilang paghiyaw. Gusto kong sumigaw ng 'Nandito ako Kuya!' pero natatakoy ako!. Hindi pa ako pinapakilala sa publiko, at kapag nag pakita ako ay magiging magulo ang lahat!

"Langga!"sigaw ulit ni Kuya Ken. Sanhi ng malakas na pagsigaw ng mga Fans!. Itinutulak nila ang mga fans para maka lakad. Tiningnan ko sila habang nahihirapan na makaalis sa mga fans. Ano bag ginagawa ko?! Think Zoe! Think! KUYA SEJUN! TAMA! Kailangan kong tawagan si Kuya Sejun!.

Calling Kuya Sejun ♥…

[Hello? Zoe anong nangyayari? Bakit ang ingay?]

"Sina kuya Ken at Kuya Jah pinapalibutan sila ng mga Fans!"sigaw ko sa cellphone para marinig niya ako.

[Ano?! Nakita ka ba nila?!ayus ka lang?!]

"Opo, ayus lang po ako, pinapalibutan sila ng mga fans!sobrang daming fans!, tinatawag ako ni kuya Ken,pero baka makita ako ng mga fans. Kuya! Hindi na din po ako makahinga dito sa pinag tataguan ko!"iyak kong sabi

[Nasaan ka Zoe?!]

"Dito po sa malapit na mall sa bahay, nasa second floor po kami, sa harapan ng national bookstore"

[Okay,diyan ka lang at tawagin mo na sila! Zoe] narinig kong nag panic din sina Kuya Stell at Kuya Josh. Narinig ko nga ang sinabi ni Kuya Stell na 'Ha?! Hala! Nasaan daw sila?!' at iba pa bago ibaba ang tawag ni kuya Sejun.

Tinuon ko ang aking paningin kina Kuya Ken at Kuya Jah nakita ko na inilalayo na ng mga security guard yung mga fans kina kuya.

Naiiyak na ako! Hindi ko alam kung bakit pero nahihirapan na akong huminga dito sa pinag tataguan ko. Kaya no choice akong mag pakita hindi ko na talaga kaya!

"KUYA KEN! KUYA JAH!"sigaw ko habang umiiyak. Kaya agad silang napatingin sa aking gawi at tumakbo papalapit sa akin.

"K-kuya h-hindi ako maka—hinga!"sabi ko sa kanila habag umiiyak at kinakapusan sa aking pag hinga..

"Shh, its okay sky, breath, just breath sky?" sabi ni kuya Jah bago ibigay sa akin ang inhaler ko. kinuha ko ito hanggang sa makahinga na ako ng maayos. Agad kong niyakap si Kuya Jah at umiyak sa bisig niya.

"Kuya, I'm scared" sabi ko sa kaniya.

"Shh, magiging maayos din ang lahat, safe ka na langga" sabi sa akin ni kuya Ken habang pinapat ang aking ulo.

"ZOE!"sigaw ni Kuya Stell na kakadating lamang kasama ang iba kong kuya at si Ate Rose.

"Ayus ka lang ba Berry?"tanong ni Kuya sa akin, tumungo ako at niyakap siya Binuhat niya ako at siyaka kami umalis sa mall.

"I'm sure na pag-uusapan kayong lahat sa nangyari ngayon" sabi ni Manager Rose.

Ng makarating kami sa dorm ay agad na binuksan ni Kuya Sejun ang TV at pinanood ang news sakto ng pag kabukas niya ay na palabas na agad ang nangyari kanina.

Halos malaglag na ang aking mata sa sobrang laki nito. Nandodoon ako! At ayaw ko nito, I'm sure na mag kakaissue ang mga kuya ko nito dahil sa akin!

Napahiga na lamang ako sa lap ni kuya Stell at Pumikit. Nakakapagod ang araw na ito sobrang nakakapagod. Tulakan at sigawan ng mga fans ay nakakapagod. Nakakapagod din na mag karoon ng isang idol na mga kuya. Hindi mo alam kung kailan mag kakaroon ng problema.

"Hey Berry, get up, pupunta tayo ngayon sa ShowBT Entertainment "sabi ni Kuya Stell sa akin bago ako buhatin na pang bridal style. Ah, parang nasa langit ako kapag nasa bisig ako ng mga kuya ko. Siguro kailangan ko munang matulog.

"Okay kuya, tulog muna po ako kuya, pagod na po kasi ako eh" sabi ko. Narinig ko si Kuya stell na tumawa ng mahina bago ako mapunta sa aking masayang panaginip.

[ו••••×•••••×]

Adopted by Ppop KingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon