CHAP 07: Caring Brothers

1.2K 41 14
                                    

Napabangon ako ng higaan ng magulat ako sa isang malakas na pagbagsak ng isang bagay. Mga staff siguro sila at busy silang lahat takbo dito takbo duon. Nakikipag usap ang mga kuya ko kay Manager Rose, ano kaya ang pinag uusapan nila? Agad akong bumangon sa pagkakahiga ko sa couch at pumunta sa pagitan nina kuya Sejun at kuya Stell.

"Gising ka na pala Berry"sabi ni kuya Stell sa akin.

Ngumiti ako sa kaniya at nakinig sa sinasabi ni manager Rose na nagsasalita sa gitna. Hindi ko maintindihan yung mga sinabi ni Manager dahil siguro bagong gising pa lamang ako.

Nakaupo lamang ako at kunwaring naiintindihan ang sinasabi ni Manager. Pero sa kada salita ni Manager ay unti-unti nang pumipikit ulit ang aking mga mata. Ang alam ko lang ay merong nag buhat sa akin pabalik sa sofa at dahan-dahan akong inhiga. Nag patuloy ang pagtulog ko.

Maya-maya pa ay nagising na lamang ako ng wala na ang mga kuya ko sa loob ng room kaya agad akong nag panic. Lalo na nung makita ko ang sarili ko sa isang malaking salamin na nakalagay sa dingding. Nakakatakot dito ng mag isa ayaw ko sa lahat ng lugar ay yung mag isa lamang ako at tahimik. Nasa practice room siguro ako. Agad akong lumabas ng kwarto at nag tatakbo pero may nakabangga akong isang babae "I'm sorry... "Paghingi ko ng tawad habang humihikbi. nakarinig ako ng mahinang pagtawa galing sa nakabangga ko.

Tumingala ako at nakita ko siya ng malapitan siya yung leader ng SE-EON na iniidolo ng mga kaibigan ko, yung magaling sumayaw. Ang alam ko din ka member din nila dati sina Kuya Stell at Kuya Josh. Bukod dito kilala ko din silang lahat, well dalawa lang talaga ang kilala ko sa kanila. "Hello, bibi,why are you crying?" sabi ni Ate Carla at lumuhod para makapantay ako.

"Hello po Ate, natatakot po kasi ako sa loob, sorry din po kung nabangga po kita" pag hingi ko ng tawad. Umiling siya kasabay ng kaniyang mga kamay "No, No, It's alright" sabi niya sa akin at ngumiti "ikaw diba si Zoe? Finally na meet na din kita in-person, kakakita lamang sayo ng other members ko nung natutulog ka, at ngayon ako naman and thankful ako na nakabangga kita" sabi niya sa akin.

"Uhm, ate alam mo po ba kung nasaan ang mga kuya ko?" tanong ko.

"Yup! Nasa room 04 sila with my members, wanna go together?" nag nod ako sa kaniya at sumunod sa kaniya.

"So Zoe, anong surname mo?"tanong niya sa akin.

"Santos po Ate"sabi ko.

"Si Josh pala ang tatay mo" sabi niya tumungo ako at ngumiti sa kaniya.

"Anong favorite color mo Zoe?"

Nagisip muna ako bago sumagot sa kaniyang tanong, "its... orange ate" sabi ko, tumungo siya sa aking sagot.

"Here's the room 04" sabi ni Ate at binuksan ang pintuan nakita ko na lamang sina kuya at ang iba pang myembro na nakahiga sa sahig at pawis na pawis. Kaya agad akong tumakbo papunta kay kuya Ken at niyakap siya bago umiyak.

"K-kuya" iyak ko.

"Uy! STELL! YUNG INHALER NYA!" sigaw ni kuya Ken agad na tumakbo si Kuya Stell sa kaniyang bag at kinuha ang inhaler ko bago pumunta sakin at ibinigay ito.

"Breath, berry, breath" sabi ni Kuya Stell sa akin habang hinahagod ang likod ko.. Ng makahinga na ako ng maayos ay agad ko silang niyakap.

"Sorry we left you there Juicy, nakalimutan namin na meron ka nga palang panic attack"sabi ni Kuya Sejun.

Umiling ako sa kaniyang sinabi at ngumiti. "Ayos lang po kuya, I know naman po na busy kayong lahat eh kaya naiwan nyo po ako duon sa room" sabi ko sa kanila.

"May panic attack ka bibi?" tanong ni Ate Carla. Tumungo ako sa kaniyang tanong habang nakayakap kay kuya Ken.

"Kaya pala umiiyak ka kanina nung nakabungo kita" sabi ni Ate Carla.

"Er, should we go now? Medyo gutom na din ako" sabi ng isang myembro ng Se-eon.

"Okay, berry sama ka muna kina ate Carla mo sa comfort room ng mga girls, hindi ka kasi pupuwede sa comfort room namin ng mga boys eh" sabi ni Kuya Stell. Tumungo ako at sumama kina Ate Carla. Habang nag lalakad kami papuntang CR ay may isang paru-paro akong nakita na lumilipad kaya napatitig ako dito at nag tanong sa aking isipan.

"Zoe?" tawag sa akin ni Ate Candy kaya napatingin ako sa kaniya bago tumakbo papalapit sa kaniya. Pumasok kami sa loob ng CR at binuhat ako ni Ate candy para makaupo sa Ibabaw ng lababo.

"Ate Candy, may tanong po ako" tawag ko sa kaniya.

"Ano yun bibi?"

"Yung mga butterfly po ba, namimiss din po ba nilang maging isang caterpillar?" tanong ko.

"Eh? Ang weird ng tanong mo bibi, pero... Hindi ko din alam ang sagot eh, siguro oo or hindi maybe? Ewan!" sabi niya sabay tawa.

"Bakit mo naman natanong?" tanong sa akin ni Ate Carla.

"Hindi ko din po alam eh" sabi ko sa kanila. Tinulungan kong makababa ni Ate Carla bago kami lumabas sa CR. Saktong pagkalabas namin ay saktong labas ni kuya Josh.

"Kuyaaaa!"sabi ko at niyakap si Kuya Josh.

"Kuya may tanong akoo!"sabi ko

"Ano yun?"

"Nami-miss din po ba ng butterfly maging caterpillar?" tanong ko. "Eh? Ang weird ng tanong mo Mahal, but I think no? Kasi malaya na sila eh, they can fly" sabi ni kuya at Binuhat ako.

"Hihi, thank you sa pag sagot ng tanong ko kuyaa!"sabi ko at niyakap siya bago ko siya ikiss sa pisnge.

"Oi! Oi! Oi! Ano yun? Bat si Kuya Josh mo lang may kiss? Maduyaaa! Kami dinnn!" sabi ni Kuya Stell. "Hehehe" tawa ko at kiniss na din silang lima sa pisnge.

Naglakad kami papunta sa labas ng Entertainment para kumain duon sa malapit na food stall.

"Ano gusto mo Sky?"tanong ni kuya Justin sa akin.

"Busog pa po ako kuya eh, pero gusto ko po nun"sabi ko at itinuro sa kaniya yung Siopao na naka display sa Siomai Master.

"Osige wait bibili lang Kita Sky" sabi ni Kuya sa akin at tumayo para bumili ng siopao.

"Luh, ito na yun? 55 pesos na ito? ang liit naman nito! Baby version ng longganisa haha! mas malaki pa ata ang itlog ko dito eh eh" tawang sabi ni Kuya Josh kaya napatawa na din silang lahat.

"Here Sky" sabi ni Kuya Justin at ibinigay sa akin ang dalawang siopao at juice.

"Yeheyy! Siopao!!" sabi ko at nilantakan yung siopao na binili ni Kuya Justin ininom ko din yung juice, nanlaki ang mata ko ng Orange Juice ito! My favorite!. "Hmm, yummy" sabi ko. Habang nginunguya ang siopao.

"Dahan-dahan sa pagkain Langga, baka mabilaukan ka. " Sabi ni Kuya Ken sa akin at pinunasan yung dumi na gilid ng labi ko. Tumungo na lamang ako sa kaniya since puno pa ang bibig ko ng siopao. Nasa kalagitnaan ako ng aking kinakain ng maalala ko yung sinabi sa akin dati ng kaibigan ko sa Orpaned about dito sa Siopao.

"Kuya, tunay po ba na gawa po sa pusa itong Siopao?" agad kong tanong sa kanila.

"Huh? Hindi Juicy, its made from the meat of the pig" sabi sa akin ni Kuya Sejun, tumungo na lamang ako at nilantakan ulit ang kinakain kong Siopao. Tiningnan ko si Kuya Stell na kumakain ng cake habang nag seselpon, no wonder na gustuhan siya ni Sister Mary, pogi, cute, talented at super caring, fan na fan talaga si Ate Mary ng SB19 gusto kong maging sila ni Ate Mary kaso bawal kasi Madre si Ate..
napansin siguro ni kuya na may nakatingin sa kaniya kaya tumingin siya sa akin. Ngumiti  ako at tumingin sa mga taong dumadaan habang umiinom ng Juice, hindi ko mapigilan ang aking pag ngiti kasi nararamdaman ko na nakatingin ngayon sa akin si Kuya Stell. Iba talaga ang titig ng mga kuya ko. Nakakakilig! "Zoe?" muntikan ko ng maibuga kay kuya Justin yung iniinom kong Juice ng tawagin ako ni Kuya Stell.

"Bakit po?" sabi ko at hindi makatingin sa kaniya ng Ayos.

"May gusto ka bang ipabili sa akin or gustong sabihin?"sabi ni Kuya Stell. Agad akong umiling sa kaniya at ngumiti. "Wala po Kuya hehe ang pogi nyo po kasii hehe" sabi ko.

"Ikaw talaga berry nambobola ka na ha" sabi ni Kuya Stell sa akin at ngumiti. Kaya napatawa na lamang ako at kumain na ulit kami.

*-*-*-*-*

Adopted by Ppop KingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon