SEASON 3

469 31 7
                                    

Clio's POV

After class namin dumeretsyo ako sa office ni Mommy kaso sabi niya mauna na daw ako kasi may tatapusin pa daw siya kaya agad akong dumeretsyo sa labas ng school at inintay si Tito Justin na sunduin ako.

"Clio" agad akong napatingin sa harapan ko ng tawagin ako ni Tito Stell.

"hello po tito" bati ko sa kaniya.

"hm, sakay na, nasaan si Zoe?" tanong niya sa akin.

"may tatapusin lang daw po siya Tito." sabi ko sa kaniya.

"h-how's school" sabi niya habang hindi makatingin sa akin.

"ayos lang naman po tito! Super dami ko pong natutunan na mga bagay like po yung paano gumawa ng isang paper puppet!" masayang sabi ko.

"really?" tanong niya sa akin.

"opo! I want to show it to you tito pero po baka matakot kayo kasi ang panget po ng pagkakagawa ko" sabi ko sa kaniya.

"its okay, let me see" sabi niya sa akin. Tumungo ko a kaniya at kinuha sa bag ko ng puppet doll na ginawa namin sa room kanina.

"also tito! I meet a new friend! Half Japanese and Mexican po siya and super bait nya po! Sabi din po niya na kilala daw po niya kayo!" sabi ko sa kaniya.

"really? Anong pangalan niya?" tanong ni tito

"Aakil Mirai!" sabi ko sa kaniya.

"ah, si Aakil, kapatid ni anjhela. Stick with him, He can protect you" sabi ni Tito sa akin.

"protect me? From what po tito?" tanong ko.

"kapag may nang bully sayo,just like violet, diba binully ka niya." sabi ni Tito.

"Ots okay tito, I don't need protection, I don't want others to get hurt because of me" sabi ko sa kaniya.

"You know Aakil is not just that ordinary child." sabi ni tito.

"eh?"

"Aakil graduated from Taekwondo University, and he's a black belter" sabi ni Tito sa akin.

"And me graduated from mommy's Crazy Lesson 101." sabi ko.

"Baliw, what I mean is.. Basta stick ka na lang sa kaniya, mabait na bata yun" sabi ni Tito sa akin.

"okay po tito" sabi ko sa kaniya.

"Sorry pinag intay ko kayo, super dami lang ng mga papeles sa office eh, hi baby! Hi kuya!" sabi ni Mommy ng makapasok siya sa kotse.

"Hi po mommy!" bati ko.

Nag start na si tito Stell na paandarin ang kotse at siyaka nag drive.

"wahh, I'm hungry.. Kuya, puwede ba tayong mag drive thru? Gutom na talaga ako." sabi ni Mommy kay Tito.

"bakit? Kumain ka ba ng tanghalian at meryenda?" tanong ni tito kay Mommy.

"Tito kunti lang po kinain ni Mommy nung lunch po, uhm.. Isang tinapay at Zesto lang po" sabi ko kay Tito.

"bah, Zoe! Di ba sabi ko kumain ka ng maayos?" sermon ni Tito kay Mommy.

"I know kuya pero ang dami lang talagang nakatambak na papeles sa aking lamesa, kaya tinapos ko lahat." sabi ni Mommy kay tito.

"I will tell this to others." sabi ni tito kay Mommy habang lumiko para maka order ng pagkain.

"I'll just order burger fries and sprite, need nyo pa ding kumain sa bahay." sabi ni Tito sa amin.

After A minute of waiting binigay na kay kuya yung inorder niyang burger at fries at binigay ito sa amin.

"lost souls" sabi ko na lamang habang kumakain ng fries ang dami kong nakikitang mga ligaw na kaluluwa sa paligid, and I can't stop myself na maawa sa kanilang lahat especially on kids na namatay for uncertain reasons.

"Makukuha din nila ang justice anak, just believe in God" sabi ni Mommy sa akin.

"Nandito na tayo" sabi ni Tito Stell at pinarada ang kotse.

"thanks kuya" sabi ni Mommy Sabay kaming tatlo bumaba sa kotse at pupunta na sana sa kuwarto ng pigilan kami ni Tito Stell.

"after nyonh mag palit ng damit deretsyo sa dining ha, kakain na tayo." sabi ni Tito sa amin.

Tumungo kaming dalwa ni Mommy at siyaka nag deretsyo sa kuwarto. Pagkabukas pa lang ni Mommy ng pintuan nakita ko na agad angvisang itim na kaluluwa sa labas ng bintana Kaya agad akong napayakap kay Mommy.

"what happend Cj?" tanong sa akin ni Mama umiling na lang ako a niyakap siya.

"may nangyari bang hindi maganda Nak?" tanong sa akin ni Mommy.

"wala po mommy, pwede po bang pasabi kina Tito na maaga po akong matutulog." sabi ko.

"huh? Bakit? Hindi puwede anak, magagalit ang mga tito mo" sabi ni Mommy sa akin.

"please mommy" sabi ko na lamang sa kaniya huminga na lang siya ng malalim at siyaka tumungo bago kami mag linis ng katawan.

"Do you want me to read you bed time story para makatulog ka?" tanong ni Mommy sa akin.

"No mommy, I'm okay" sabi ko na lamang tumungo siya at hinalikan ang noo ko bago mag paalam na pupunta na siya sa Dining room ng makaalis si Mommy ay pumikit na lamang ako ng ilang sigundo at sa pag kamulat ko ay nasa harapan ko na siya.

Mapupulang mata na katulad ng Kapre, mala blacklady sa haba ng buhok at sing tangkad ni Hachishakusama na 8 feet ang taas.

"Clio."

"Clio"

Paulit ulit na banggit niya sa pangalan ko. Pinikit ko na lamang ang aking mga mata at siyaka tahimik na nag dasal sa aking isipan. Kaunting katahimikan ang narinig ko sa aking kuwarto ngunit hindi din ito nag tagal na paulit ulit niyang binanggit ang pangalan ni Tito Stell habang tumatawa, tawang may masamang balak.

"stell"

"stell"

"stell"

Banggit niya mariin akong pumikit at nag talakbong ng kumot at nag dasal na lamang. Ngunit palakas ng palakas ang kaniyang pagbanggit sa pangalan ni Tito at malalakas na tawa.

"WAHH LUBAYAN MO AKO! AHHH!" sigaw ko.

"Clio?!" agad akong namulat ng mata at inalis ang pagkakataklob ng kumot sa aking ulo bago nag tatakbo kay Mama.

"hey, why are you crying?!" sabi ni Mommy sa akin habang yakap yakap ako.

"Mommy! Mommy!" iyak ko habang nakayakap sa kaniya.

"Hey, what happend?" tanong ni Tito Stell napatingin ako sa kaniya ngunit lalo akong natakot ng makita ang itim na babae na nakahawak sa balikat ni Tito kaya agad akong tumakbo sa kaniya at niyakap.

"Tito!" sigaw ko na lamang at niyakap siya.

"t-teka, ano bang nangyayari sayo Clio?" tanong ni Tito Stell sa akin ngunit hindi ako sumagot sa kaniya at hinigpitan ang pag kakayakap sa kaniya.

Hindi ako papayag na may mangyaring masama sa kanilang lahat, kung kailan may chance na akong makipag ayus sa kanila ganito na lang ang mangyayari. Kailangan kong makahanap ng paraan para mapalayas siya. Kahit ikamatay ko pa ito.

*-*-*-*

PS. Pansin nyo ba? Napupunta na sa Horror yung kwento? HAHAH wala lang trip ko lang talaga to pasensya na HAHA.

Adopted by Ppop KingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon