Prologue

10 0 0
                                    

Maaga akong nagising dahil may pasok ang dalawa kong kapatid. Pag baba ko ay wala si mama, kaya dumeretso ako sa kusina at nagsimulang mag luto.

Itlog at tuyo ang nakahain sa lamesa meron ding nilagang okra at bagoong isda. Ako na rin ang nag handa ng mga plato.

"Good morning Ate." Niyakap niya ko at hinalikan sa pisnge.

"Tulungan na po kita." Sabi ng kapatid kong si Issa. 12 years old na siya at nag aaral sa publikong paaralan. Ako na ang nagpapaaral sa kanila ni justin dahil si mama ay dito lang sa bahay.

"Hi Ate, good morning po." Niyakap din niya ko at humalik sa pisnge ko.

"Papasok ka na po? Hindi niyo po ako mahahatid sa school?" Tanong ng bunso kong kapatid na si justin. 6 years old lang siya.

Pinaupo ko siya sa silya. "May pasok si ate baby, si Mama ang maghahatid sayo sa school, ok lang ba sayo yun?" Malambing kong sabi.

Ilang beses siyang tumango. "Opo AMte okay lang po."

Ngumiti ako at hinalikan siya sa noo. Sinandukan ko silang dalawa ng kanin at ng ulam.

Tumakbo ako papuntang sala ng makita si mama na maraming bitbit. Kinuha ko ang mga ito bago mag mano sa kanya.

"Kaawaan ka ng diyos anak."

Nilapag ko muna ang mga pinamili niya bago siya tingnan. "Dapat ay ako na lang ang nag grocery Ma, maaga naman ang out ko mamaya." Sabi ko bago siya pinaupo sa silya. Sinandukan ko siya para makapagsimula na siyang kumain.

"Ano ka ba anak, okay lang yun. Tsaka nagbayad din ako ng kuryente at tubig." Aniya bago sumubo. "Hala sige upo na at baka malate ka."

Umupo ako at nagsimulang kumain. Pagkatapos naming kumain ay ako na ang nagligpit, huhugasan ko na sana ng nagpresenta si mama na siya na lang daw. Inasikaso ko si Issa at justin para sa kanilang pagpasok. After ko silang asikasuhin ay naligo na ko. Pencil cut na itim ang suot ko at puting polo, nakaheels din ako na itim. Nagmamadali akong bumaba ng makita ang oras shit late na ko.

"Ma alis na po ako." Habang sinusuot ang aking hikaw. Nilapitan ko si Issa at justin na ngayo'y nag me-medyas.

"Anong gusto niyong dalawa?" Tanong ko sa kanila.

"Ate bili mo ko ng donut." Nakangiting sabi ni Justin. Ang cute talaga nitong kapatid ko.

"Ako Ate, gusto ko ng jollibee." Sabi naman ni Issa.

"Yun lang ba? Ang konti naman." Ani ko kaya tumawa sila.

"Kailangan i-kiss niyo si ate para natupad ang gusto niyo bili!" Lumapit sila at hinalikan ako ng madami.

Tumayo ako at pumuntang kusina. Nakaupo na ngayon si mama at nagsusulat. "Ma, ano yan?" Takang tanong ko.

Tiningnan niya ko. "Ah ito? Mga lista to ng bibilhin natin para sa birthday ni justin. 7th birthday na niya." Sabi niya habang nagsusulat. Kinuha ko yung papel at tiningnan isa isa.

"Ma ako na bahala dito, ito lang ba?" Takang tanong ko.

Tumango siya. "Yan lang anak."

Hinalikan ko siya sa noo. "Alis na ko ma late na ko."

"Aray ko Ma!"

Pinalo niya ko sa pwet. "Hala sige magmadali na, yan na nga ba sinasabi ko eh. Sige na ingat ha." Aniya.

Lakad ang takbo ang ginawa ko papuntang terminal ng tricycle. Bawat kakilala ko ay binabati ako ng goodmorning.

"Manong Salve sa terminal ng jeep." Ani ko kay manong Salve.

Dito kasi ako lumaki sa sta. Vejo kaya halos lahat ng tao dito ay kilala ko. Madaling akong nakapunta sa terminal ng jeep.

"O cubao, cubao." Sigaw ng lalaki na nasa tabi ng jeep. Sumakay ako dun dahil sa cubao ang pinapasukan kong kumpanya.

"Manong bayad ho." Binigay ko sa driver ang 100.

"Ilan 'to?

"Isa lang po." Sabi ko.

Unti-unting napupuno ang jeep. Tiningnan ko ang relo ko shit alas otso na gosh. Nang mapuno na ang jeep ay umandar na kami. Medyo malapit lang ang pinag tatrabahuhan ko kaya mabilis din akong nakarating.

"Good morning kuya guard." Bati ko kay kuya habang iniiscan ang id ko.

"Goodmorning din po Ma'am, ang blooming niyo po." Puri niya.

Pumalo ako sa hangin. "Ano ka ba kuya araw-araw akong blooming, sige po pasok na ko." Nag salute ako bago pumasok.

Lakad takbo ang ginawa ko papuntang elevator. Pag bukas ng elevator ay madaming sakay kaya kahit masikip ay nakipag sisiksikan ako dahil late na talaga ako.

Pagpasok kong office ay nagkakagulo silang lahat. Lumapit ako sa table ko at ibinababa ang bag ko bago ko kalabitin si Amanda na busy mag ayos ng itsura niya.

"Anong meron?" Takang tanong ko.

Lumingon siya saglit sakin bago binalik ang tingin sa salamin. "Nako girl ba't ngayon ka lang?" Tinakpan niya ang lipstick niya bago ilagay sa bag.

"Dadating ang anak ng boss natin, kasi ang chismis aalis daw si Sir Federico dahil may importanteng business sa ibang bansa kaya yung anak niya ang magiging boss natin. Balita ko pa nga ay gwapo daw yun at bibisita siya dito sa area natin. Oh my god excited na ko." Aniya habang kinikilig.

Kumunot ang noo ko sinong anak naman yun? Nagsimula na din akong mag linis ng table ko para maayos naman tignan. Nag ayos na din ako dahil di ako nakapag ayos kanina sa bahay. Isinuot ko din ang id ko dahil dito sa office, ang una nilang rule ay makalimutan mo na ang lahat wag lang ang id mo.

"Guys, papunta na sila dito." Sigaw ng ka officemate ko na si Ana. Kaya nataranta ang lahat at nagsi upo sa kanilang mga table at kunwareng busy sa ginagawa. Anong esksena to? Wala akong choice kundi makigaya.

"Guys lumapit kayo dito." Sigaw ng head namin na si Ma'am Jheddel. Nagsitayuan kami at nag kumpol kumpol sa harap niya, katabi ko ngayon si Amanda na kinikilig sa tabi ko.

"Today ay may mahalaga akong sasabihin, aware naman na ang lahat dito diba?" Tumango kami sa sinabi niya.

"Nasa France si Sir Federico for business matters kaya ang anak niya ang magiging boss natin." Paliwanag niya. Kasing edad ko lang itong si Ma'am Jheddel. Pero hindi kami vibes dahil sinusungitan niya ko, hindi ko alam kung bakit.

"Sir pasok na po kayo." Aniya sa labas ng pinto. Yumuko ako at inayos yung polo ko dahil baka wala sa ayos, ng maayos ko ay umangat ako ng tingin.

Nanlaki ang mata ko sa nakita ko. Mas lalo siyang tumangkad at lumaki din ang katawan niya. Mas lalo siyang gumwapo. Siya ang anak ni boss? Shit bakit ganto? Bakit nagkita pa kami? Tuluyan akong kinabahan ng magtama ng tingin namin. Yung tingin yang nakakatakot at nakakapanghina.

Ang lalaking nasa harapan ko ay ang lalaking iniwan ko noon.

___________________________________________________________________________________________________________

It's You And Me (Montero Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon