Chapter 4
Curse
Kahit inaantok pa ko ay pinilit kong bumangon, alas singko na nang umaga, nakakalat pa yung ibang papel sa lapag kaya iniligpit ko ito. 1 AM na ko nakatulog kagabi dahil sa papers na ginawa ko, siguraduhin lang talaga niya na malaki ang sahod ko. Naligo na ako sa maliit naming banyo, nang matapos ako ay ako na din ang naghanda ng agahan dahil si mama ay maagang nag ayos para sa palengke. Mga manok, at ibang parts ng manok ang binebenta niya. Mabuti na lang ay medyo malaki ang kita ni Mama kaya medyo wala na man kaming problema, dahil libre ang tuition ko. Kakatapos ko lang maghain ng lumabas ang nakababata kong kapatid na si Issa. Kinukusot-kusot niya ang mga mata niya habang papalapit sakin.
"Lika na dito bibi." Binuhat ko siya at pinaupo sa upuan.
Sinasama kasi siya ni Mama sa palengke dahil walang magbabantay sa kanya dito, mabuti na lang ay may katulong si Mama dahil nandun si Tita elsa na kapatid niya. Byuda si Tita elsa kaya ngayong araw ay dito na sila sa amin titira dahil kinakapos na siya sa pambayad para sa inuupahan niya. Lumabas si Mama na bagong ligo, hinalikan niya ko sa pisnge bago naupo.
"Bakit ang aga mo nak?" Siya ang naglagay ng kanin sa plato namin ni Issa.
"Mamayang 7 pa ang pasok mo ha?" Tanong niya.
Nasa tabi ako ni Issa. "Para po makaalis kayo ng maaga." Sinubuan ko si Issa dahil nahihirapan siyang isubo sa bibig niya yung kutsara.
"Tsaka maaga din po akong papasok." Ani ko.
Nag pray muna kami bago simulan ang pagkain, si Issa kasi ay ginutom na kaya kumain na, pinalitan ko din ng maliit na kutsara para hindi na siya mahirapan. Nang matapos kami ay ako ang naghugas ng pinagkainan dahil si Mama ay pinapaliguan si Issa.
"Alis na kami nak, mamaya kasama ko na si Elsa tsaka si Sammy." Hinalikan niya ko sa pisnge.
Nakaramdam ako ng excite ng banggitin niya si Sammy, siya lang kasi ang pinsan kong super close ko. Dahil yung ilang pinsan namin ay di namin ka vibes dahil feeling rich kid, may kaya lang sila pero nasobrahan sa kaartehan. Nang makaalis sila ay nagsimula na akong maligo, nag-spray ako ng pabango na binili ko last week, matipid akong mag pabango dahil wala akong pambili. Chineck ko lahat ng saksakan kung may nakaligtaan ako. Lumabas ako at inilock ang pinto, sinara ko ang gate bago lumakad papuntang paradahan ng tricycle, sa may kanto kasi nitong Sta. Vejo ay may mga tricycle.
Nang makarating akong school ay ngumiti agad ako kay kuya Andres.
"Hi kuya Andres. Kamusta tulog niyo?"
Tanong ko bago ini-scan ang id ko sa maliit na monitor at lalabas ang name mo na ikaw ay present. Kakaiba nga e hindi na sila nag che-check ng attendance.
"Ikaw pala yan Russel, okay naman mukhang ang ganda ng gising mo ha?" Nakangiting sabi niya bago uminom sa kanyang mug.
"Nako kuya Andres nai-istress ako today." Sinuot ko ang id ko.
"Biruin mo naman kuya Andres, first day na first day ko ay naging sekretarya ako ng Ssg President." Kwento ko.
Umawang ang labi niya. "Nako! Bad news yan, si Sir Matthew Montero? Ang mga Montero ang may ari nitong paaralang ito." nasa 40's na si Kuya Andres, nakaclose ko siya dahil naaalala ko sa kaniya si papa.
"Pag nakikita ko siya ay napapayuko ako dahil ang sungit." Dugtong niya pa.
"Nako, ako? Di niya ko madadaan sa kasungitan niya kuya Andres." Matapang na sabi ko.
"Ang mga naririnig ko sa mga estudyante dito ay siya ang bukambibig."
Napalapit naman ako sa bintana ng guard house nila. "Ano daw po mga sinasabi?" Interesadong tanong ko.
BINABASA MO ANG
It's You And Me (Montero Series #2)
RomanceMontero Series #2 Si Russel Salonga ay isang simpleng babae na may magandang pangarap sa buhay, kahit mahirap lang sila ay hindi siya nahirapang makapasok sa St. Louis Academy na puro mayayaman ang nag aaral, isa siyang honor student kaya nakapasok...