Chapter 5

8 0 0
                                    

Chapter 5

Quit

Naging busy lalo ako dahil sumabay agad ang intrams, puro kami meeting para sa events, marami din akong papers na ginagawa kaya nakakapagod. Maaga pa lang ay nasa Office na ko dahil tinatapos ko ang ilan sa mga papel na hindi ko pa natatapos. Dumagdag pa lalo sa problema ko ang issue na kumakalat sa buong campus na ako ang secretary ni Matthew. Pag pumapasok ako ay halos sa akin sila nakatingin na parang sinusumpa ako. So far ay wala pa naman akong nakaka cat fight kaya medyo okay lang. Hikab ako ng hikab dahil ilang oras lang ang tulog ko dahil alas onse na ako nakauwi galing trabaho. Nagkape naman ako kanina pero di tumalab.

Nagulat ako ng may naglapag ng paperbag sa harapan ko, pag angat ko ay seryosong nakatingin sakin si Matthew.

"Bakit ang aga mo?" Tanong niya bago pumunta sa upuan niya. Naupo siya at tiningnan ako.

Humikab akong muli. "Para matapos ko na to, may quiz kami mamaya kaya di na ko makakapunta dito mamayang lunch." Sabi ko bago tingnan ang laman ng paperbag.

Nilabas ko ito at kumalam agad ang tiyan ko sa bango ng pagkain. Fried rice ito, meron ding bacon, eggs at hotdog. Breakfast na breakfast sis! Meron ding kasamang hot choco. Kumunot ang noo ko ng mapansing pang isahan lang to. Asan ang kanya?

"Ikaw? Bakit wala ka? Sayo na to, nakakain naman ako kanina sa bahay bago umalis." Sabi ko, kahit ang totoo ay gusto kong tanggihan niya dahil nagugutom na ko. Hindi pa talaga ako nag a-agahan dahil sa kagustuhan kong tapusin itong papers.

Tinaasan niya ko ng kilay. "Sa mukha mong yan ay parang gusto mong tanggihan ko tsk. Sayo na yan!" Aniya bago ibalik ang tingin sa ginagawa.

Nag make face ako bago simulang buksan ang dalawang styro.

"Salamat. Kahit masungit ka ay may malinis ka pa lang puso." Nakangiting sabi ko bago sumubo. Ang sarap!

"What do you think of me? A demon?" Aniya habang nakataas ang kilay.

Ngumuso ako. "Oh, ikaw nagsabi niyan hindi ako." Tanggi kong sabi.

"Tsk. You're crazy." Aniya habang umiiling.

Hindi ko na siya pinansin dahil baka tumagal pa ang asaran namin at hindi na ako makakain.

"Bilisan mo diyan dahil aalis tayo para bumili ng gagamiting materyales." Aniya.

"Hindi ba pwedeng ikaw na lang? Kasi may gagawin pa ko e."

Tinaasan niya ko ng kilay. "You're my secretary, and you have no right to refuse. Let's go." Tumayo siya kaya tumayo na din ako.

Nakanguso ako habang sumusunod sa kaniya. Nang makita kami ni Ashley ay tumayo siya at lumapit kaya Matthew.

"Riel, saan ka pupunta?" Malambing na sabi niya.

Mukha namang mabait si Ashley, pero hindi ko alam kung bakit ayaw ko sa kaniya. Pakiramdam ko kasi ay may tinatago siyang kakaiba.

"Sa National." Tamad na sabi ni Matthew.

Tiningnan niya ko bago muling tumingin kay Matthew. "Can I come?" Malambing niyang sabi bago kunin ang kaniyang bag kahit wala namang sinasabi si Matthew.

"No need." Nanlumo siya sa paghindi ni Matthew.

Dere-deretso lang siyang lumabas kaya sumunod ako. Sumama pa ang tingin niya sa'kin bago ako tuluyang nakalabas.

Kasalanan ko bang tumanggi sa kaniya si Matthew? Bakit parang ako sinisisi niya? Bahala siya diyan, basta hindi ko siya inaano. Nasa likod lang ako ni Matthew na para akong asong buntot ng buntot.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 06, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

It's You And Me (Montero Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon