Joke lang po haha sisimulan ko na siya! Ang dami ko nang naiisip kaya kailangang ilabas char.
Enjoy po : )
Chapter 1
Enroll
"Maganda ang records ng anak niyo maam." Sabi ni Dean na si Maam Allesa.
Narito kami ni Mama sa St. Louis Academy. Kaya kami nandito dahil tinawagan nila ko para mag enroll sa kanila dahil daw matalino ako at maganda ang records ko sa previous kong school.
Ngumiti si mama. "Nako Ma'am salamat po, pero..." tiningnan ako ni mama.
"Wala ho kaming sapat na pera para sa mga kailangan niya dito, sa palengke lang ho ako nagta-trabaho at hindi sapat ang kinikita ko sa pang araw-araw naming gastusin, pasensiya na ho pero hindi po ko ie-enroll ang anak ko." paumanhin ni mama.
Tama ang sinabi niya, kahit gusto kong mag aral dito ay wala kaming pera para sa mga kailangan ko dahil puro mayayaman at high class ang nag aaral dito. Sa uniform pa nga lang ay mahal na pano pa kaya sa mga libro. Kaya mas okay na lang na sa public college ako mag aral, dahil bukod sa scholar ako, eh libre na din ang lahat. Ang kailangan ko lang gawin ay mapanatili ako sa dean's list.
Ngumiti si Maam Allesa. "Ma'am libre po ang lahat dahil scholar ang anak niyo, lahat ng kailangan niya ay kami ang mag pro-provide kaya wala ho kayong dapat ikabahala." Tumingin siya sakin.
"Ang kailangan mo lang gawin hija ay manatili sa Dean's list hanggang sa ikaw ay makagraduate." Aniya.
Tiningnan ako ni mama. "Lalabas ho muna ako para makapag desisyon kayong mag ina. Excuse me." Ani Ma'am Allesa.
Inintay muna naming makalabas si Maam bago ako tingnan ni mama.
"Anong balak mo anak? Gusto mo ba? Kasi ako malaking opportunity sayo ito dahil mas makakapag aral ka ng maayos dahil maganda ang kanilang pag tuturo." Nakangiting aniya habang nakahawak sa dalawa kong kamay.
Tumango ako. "Opo Ma, gusto ko." Nakangiting sabi ko.
Niyakap ako ni mama. "Hay, ang anak ko, makakapag aral na sa mayamang paaralan." Kumalas siya ng yakap bago ako hawakan sa pisnge.
"Galingan mo anak ha! Proud si mama sayo dahil bukod sa matalino ka ay maganda ka rin." Biro niya.
Ngumiwi ako. "Mama alam ko naman po yun, kanino pa ba ako magmamana? Kundi sayo lang naman." Sabi ko.
"Ay talaga namang maganda ako ano! Nung kabataan ko ay habulin ako ng mga lalaki pero sa papa mo ako bumagsak." Tumatawang sabi niya pero nawala ang ngiti niya ng makita akong yumuko.
I miss my Papa. Nasa 6 na taong gulang ako ng umalis si papa, hindi niya sinabi sa akin kung saan siya pupunta basta ang huling sabi niya sa akin ay babalik siya para sakin, at kapag bumalik daw siya ay may maganda na akong kinabukasan. It's been a 15 years pero di pa rin siya bumabalik.
Hinawakan ni mama ang baba ko para makita siya. "Anak, napag usapan na natin to diba? Hindi na babalik ang papa mo dahil may iba na siyang pamil-"
"Babalik siya! Babalikan niya ko, kami ni Issa." Ani ko habang tumutulo ang luha.
Pinunasan niya ito. "Tahan na anak sige na babalik siya." Malungkot siya ngumiti.
Bumalik kami sa ayos ng bumukas ang pinto at nakangiting pumasok si Maam Allesa. "Ano? Nakapag desisyon na ho ba kayo?" Nakangiting aniya.
"Opo gusto ko pong mag aral dito." Nakangiting sabi ko.
Ngumiti ng malapad si Maam. "Good. Bukas na bukas ay ibibigay namin sayo ang mga kailangan mo. Dahil medyo late ka na pero makakahabol ka pa sa klase niyo. Kami na rin ang bahala sa monthly allowance mo. Sa monday na ang first class mo." Aniya.
BINABASA MO ANG
It's You And Me (Montero Series #2)
RomanceMontero Series #2 Si Russel Salonga ay isang simpleng babae na may magandang pangarap sa buhay, kahit mahirap lang sila ay hindi siya nahirapang makapasok sa St. Louis Academy na puro mayayaman ang nag aaral, isa siyang honor student kaya nakapasok...