Chapter 2
Ssg President
Ngayong araw na ako papasok, maaga akong naligo dahil gusto ko ay maaga akong papasok. Pagtapos kong maligo ay kinuha ko ang bagong plantsa kong uniform at tumingin sa salamin, napaka ganda ng uniform na to. Dati rati ay pinapangarap kong makasuot nito pero ngayon ay masusuot ko na siya. Dali-dali ko siyang isinuot at tumingin ulit sa salamin. Sinuklay ko ang basa kong buhok at naglagay ng liptint sa aking labi. Inayos ko na din ang aking gamit bago mag medyas at mag sapatos. Isinukbit ko ang bag ko at lumabas ng kwarto. Nakita ko si mama na nagluluto. Lumapit ako sa kanya at nagmano.
"Aalis na po ako Ma." Humalik ako sa kanya.
"Hindi ka na kakain? Maaga pa naman, kumain ka muna." Aniya pero umiling ako.
"Dun na po ako kakain sa school Ma."
"Siya sige ingat ka, mag aral mabuti." Aniya.
Lumabas ako at nag simulang maglakad papuntang terminal ng tricycle. Habang nag lalakad ako ay nakita ko si Aling Nena at Isabel na nasa labas ng bahay nila, inaayos ni Aling Nena ang uniform ng anak niya. Ng makita ako ni Isabel ay lumapit siya sakin na nag momodel. Luh trying hard sis?
Tinaasan niya ko ng kilay. "Papasok na rin ako sa Ramos State College Akala mo ha!"+ Pag mamayabang niya.
Tss, ano naman ngayon? Share mo lang? Ang school kasi na yun ay magandang public dito sa Quezon City.
"Eh ikaw saa-... oh my god." Napatakip siya ng bibig ng makita ang suot kong uniform.
"St. Louis Academy yan ah?" Gulat pa rin siya hanggang ngayon.
Palihim akong ngumisi, ano ka ngayon girl? "Pano ka nakapasok dun? Eh puro mayayaman lang ang nag aaral dun!" Naghalukipkip siya.
"Kaya nakapasok yang batang yan ay dahil sa kinita ng mama niya sa motel." Singit ni Aling Nena na ngayo'y nasa likod na ni Isabel.
Ibang klase talaga tong mag inang to! Lakas ng inggit sa katawan. "Hindi po nag tatrabaho sa motel ang Mama ko, wag niyo pong ipasa sa kanya ang gawain niyo ngayon!" Ani ko kay Aling Nena.
"Aba't basto-"
"Matalino ho kasi ako kaya ako natanggap dun." Diniinan ko yung matalino.
"Maiwan ko na ho kayo dahil baka malate pa ko sa klase ko." Ani ko habang winawagayway ang palda ko. Halata sa mata ni Isabel ang inggit.
Ng makarating akong school ay ipina iscan ng guard ang id ko pero di ko alam kung pano ko isca-scan to.
"Bago ka rito hija?" Tanong ni kuya guard bago kunin ang id ko at siya ang nag scan.
Tumango ako. "Opo kuya Guard, saan ho ba dito ang building ng BS Management? Tanong ko.
"BS Management?" Nag isip pa siya.
"Ah! Kaliwa ka diyan tapos may makikita kang quadrangle, deretsuhin mo lang at makikita mo na ang building na yun."
Ngumiti ako. "Salamat kuya Guard." Nag salute ako kaya nag salute din siya.
Sinunod ko ang sinabi ni kuya Andres, tinanong ko yung pangalan niya bago umalis. Nang makita ko ang quadrangle ay dineretso ko lang at sa wakas ay nakita ko na ang malaking sulat ng BS Management na nasa tuktok ng building. Mayayaman talaga ang nag aaral dito. Hawak-hawak ko ang papel na may sulat ng section ko, room 56 ako sa may fourth floor.
Nang makarating akong elevator ay natatakot pa kong pumasok. Nang makapasok ako ay hindi ko alam kung ano ang numerong pipindutin ko dahil first time kong makasakay ng elevator sa tanang buhay ko.
BINABASA MO ANG
It's You And Me (Montero Series #2)
RomanceMontero Series #2 Si Russel Salonga ay isang simpleng babae na may magandang pangarap sa buhay, kahit mahirap lang sila ay hindi siya nahirapang makapasok sa St. Louis Academy na puro mayayaman ang nag aaral, isa siyang honor student kaya nakapasok...