Chapter 11

1.4K 86 55
                                    

Chapter 11

Wala sa sariling natawa ako at saka pa namamanghang tinitigan ang mukha nito, seryoso na siya ngayon habang maang na nakadungaw sa akin, animo'y tinatantya ang emosyon ko.

"Teka, bakit ako?" takang tanong ko.

Kahit bahagyang kinabahan sa kaninang sinabi nito ay hindi ako nagpahalata, bagkus ay ngumiti pa ako na para bang inuudyo ito.

Nagkibit-balikat lamang ito at hindi na sumagot, saka deretsong naglakad ulit. Since hawak pa rin niya ang kamay ko ay wala na akong nagawa kung 'di sundan ito kung saan man siya magtungo.

Pumasok kami sa isang resto, malapit lang din sa labas ng building. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kaniya dahil buong oras na itong tahimik, hindi na siya umiimik at sa pagkain na lamang nakatutok ang atensyon.

Pagak akong natawa sa sarili. Ito ba ang matatawag niyang date? Really, huh?

Kahit pakiramdam ko ay sobrang bagal ng oras ay matiyaga pa rin akong naghintay, halos hindi ko nga malunok-lunok ang nginunguya kong pagkain dahil nawalan na ako ng gana.

"Good night," aniya at marahang binitawan ang siko kong hawak niya.

Pagkatapos ng “dinner date” ay hinatid lang ako nito sa tapat ng building at nagpaalam din kaagad paalis, ni hindi man lang ako hinayaang magsalita. Ano bang nangyari roon?

And I wonder, kung hindi rito sa building, saan kaya siya ngayon nanunuluyan? Kung ako ay maraming tinatago, malamang one hundred percent mayroon ding sikreto iyang si Adam.

Sa sobrang inis ay padabog akong nagmartsa papasok sa loob at kahit sa hagdan ay dinig na dinig ang malalakas kong yabag, rason para malingunan ako ng ibang taong nagdaraan.

But whatever! Wala akong pake. Nakakaasar talaga ang lalaking 'yon.

Nang mabuksan ang pintuan sa unit ay mabilis din akong sumalampak sa sofa at naiinis na binalingan ang mga throw pillow na naroon. Doon ay ibinuhos ko ang inis ko, tipong mukha 'yon ni Adam.

Sa sobrang asar ko sa kaniya ay naging ilag ako rito, hindi ko siya pinapansin kahit anong pilit nito sa akin. Maaga palagi akong pumapasok at umuuwi para lang hindi niya ako maabutan.

Tatlong linggo na rin akong naglalagi rito, kaya ganoon na lamang at wala na akong maisuot na pormal. Wala akong masyadong pambahay at hindi rin ako nakapagdala ng mga swimwear dahil balak ko sana ay mag-surfing sa Isla.

Kaya ngayong restday ko ay napagpasyahan kong mamili na muna sa labas, mayroon naman daw ilang boutique sa loob ng building at iyon ang pagkakaabalahan kong hanapin.

Wala kasing nabanggit si Adam tungkol doon nang i-tour niya ako, kung tour pa nga bang matatawag iyon. I'm just wearing a blue faded jeans at plain white t'shirt at tsinelas.

Natatawa akong lumabas ng unit dahil sa suot ko, wala na talaga akong maisuot na matino. Nagpapa-laundry naman ako once a week, pero mukhang hindi talaga kakayanin lalo pa't six months ang itatagal ko rito.

Sa kahahanap at kalilibot ng building ay napadpad ako sa Clubhouse kung saan sobrang daming tao ang nasa loob. Kumunot ang noo kong pinakatitigan iyon at dahil sa curious ay walang alinlangan akong pumasok.

Well, malay natin may masagap akong impormasyon dito na pwede kong maisama sa report ko.

Pagkapasok sa loob ay tumambad sa pandinig ko ang ingay ng mga tao, roon ay natanto kong baka nga may event dito. Dumako ang paningin ko sa gitnang bahagi ng Clubhouse kung saan doon nagtagal ang atensyon ko.

Mayamaya pa nang halos maningkit ang dalawang ko sa nakikita. Wearing a khaki green plain t'shirt and a beige cargo pants, hindi maipagkakailang military man ang malaking lalaking iyon.

Rampage Island: Love and Regrets [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon