Chapter 19
Halos mamangha ako nang tuluyan kaming makapasok sa loob ng Casino Royale, it has a classy ambiance mula sa pinagsamang ginto at pulang kulay sa paligid. The black flooring is absolutely clean and expensive dahil nakikinita ko na roon ang pigura ko, para na ngang mababali ang leeg ko kaiikot ng tingin.
Mabuti at ikinawit ko ang kaliwang kamay sa braso ni Adam na siyang tahimik lang sa gilid ko, sinasabayan ang mabagal at maliliit kong hakbang dahil hindi matapos-tapos ang pagkamangha ko. Kagaya rin nang ine-expect ko ay dito matatagpuan ang ilang multi-billionaires na lulong sa paglalaro ng famous roulette at ibang casino games.
Kapalit nito ay ang malaking halaga. Mga businessman, VIP's client na nagpapalipas ng oras dito, suot ang mga magagarang tuxedo. Sa paligid ay nakaantabay ang ilang staff at mga casino girls na hataw sa sexy attire nilang mala-bunny ang itsura. Bahagya akong napangiwi nang maalala si Windy dahil sa kasuotan nila, ganiyan din kasi ang nakita ko sa kaniya noon.
Kaya baka rito nga siya nagta-trabaho ngunit hindi ko naman ito mahagilap. Nakapagtataka lang at bakit pinatulan iyon ni Cloud. Ewan ko ba at mainit ang dugo ko sa kaniya, siguro ay dahil na rin sa unang pagkikita namin noon sa Clubhouse. Nakikita ko kasi rito ang pagiging pariwara at ugaling nalalayo kay Cloud na tahimik at mabuting tao.
Iniisip ko lang din kung may chance kaya na nagkaroon na ng encounter sina Adam at Windy? Sa naisip ay hindi ko maiwasang mapangiwi at makaramdam ng selos. Napabaling ang atensyon ko kay Adam nang kumalas ito sa akin, mabilis ko itong nilingon at napansing nilipat lang pala nito ang kamay sa baywang ko.
"You want to play?" tanong nito na kaagad kong inilingan.
Basically, hindi talaga ako marunong at never ko pang na-try, pero itong si Adam ay mukhang gamay na gamay na nito ang paglalaro ng mga casino games. Siguro ay natutuhan niya rin iyon sa paglalagi nito sa isla sa loob ng higit apat na taong lumipas.
Iyon marahil ang naging past time niya rito. Malawak itong ngumiti sa akin na siyang sinuklian ko rin at parang alipin na nakasunod lang sa kaniya hanggang sa makisalo ito sa isang lamesa at tuluyan nang naglaro.
Naroon lang ako sa gilid nito na animo'y isang muse ni Adam, kaya pagak akong natawa sa sarili na mabilis naman ako nitong nilingon. Tumaas pa ang isang kilay niya habang naghihintay sa sasabihin ko.
"Hmm, nothing," simpleng sagot ko at tipid na ngumiti.
"Nabo-bore ka ba? Sabihin mo lang—"
Mabilis ko itong pinatigil gamit ang hintuturo na inilapat ko sa kaniyang bibig, doon ay nakita ko ang paglunok ni Adam sa sariling laway, animo'y nagulantang sa ginawa ko.
"Shh, it's okay. Just enjoy, hmm?" sambit ko at saka pa masuyong pinitik ang pisngi nito.
"All right," aniya at masuyo akong hinalikan sa labi na labis kong ikinagulat.
Tila wala namang pakialam ang tatlo pa nitong kasamahan sa paglalaro at ang isang casino girl na naroon sa dulo. Mahina kong tinampal ang hita nito dahilan nang pagtawa niya.
Lumipas ang ilang minuto at parang ako pa nga ang naging lucky charm ni Adam dahil sunud-sunod itong nananalo sa nilalarong Chinese Poker, kaya halos hindi mawala-wala ang ngiti nito sa labi.
"Ahm, Adam? Powder room lang ako," paalam ko rito at sandaling tumigil para balingan ako.
"You want me to go with you?" bulong niya na nagpainit ng dalawang tainga ko.
Imbes na sumagot ay natatawa na lamang akong umiling at tumayo na rin. Mabagal akong naglalakad sa malawak na Casino Royale na 'yon habang hindi pa ring mapigilan ang sarili na mapalingon sa bawat lamesang nadadaanan. Nagbabakasakali lang ako na may makita akong kakilala.
It's either friends or kamag-anak, since nakita ko na rin naman na si Cloud na posibleng dito nga siya nailagay. Deretso na ang naging lakad ko papasok sa powder room. Doon ay naglagi ako ng ilang minuto upang ayusin ang sarili, lalo na ang dibdib kong kumakawala sa linya ng v-cut sa dress ko.
Kaasar naman kasi, bakit ba ito pa ang napili ni Adam na ipasuot sa akin? Matapos kong makapag-ayos ay kaagad din akong lumabas at baka kanina pa naghihintay sa akin si Adam. Nagmamadali man ay may poise pa rin akong naglalakad hanggang sa sandali akong tumigil.
Naningkit ang dalawang mata ko nang makita si Windy na naroon sa kaninang upuan ko na siyang katabi ni Adam. Halos umakyat ang dugo sa ulo ko nang dumako ang tingin ko sa kamay ni Windy na nakahawak sa dibdib ni Adam na parang wala yatang pakialam.
Nakangisi lang ito habang abala sa paglalaro ng cards. May ibinubulong si Windy dito dahilan para sumabog ako sa pinagsamang galit at selos. Naalala ko rin kasi iyong panlalandi nito kay Accent, kaya malamang ay baka ganoon nga ang ginagawa niya kay Adam.
Tuluyan na akong nawala sa sarili at mabilis na hinugot sa hita ko ang isang baril na noon pa man ay palagi ko nang dala-dala. Mabibigat ang yabag kong lumapit sa kinaroroonan nila at walang anu-ano'y ititutok iyon sa ulo ni Windy.
"Get off your filthy hand, b*tch," mariin kong pahayag na siyang halos nagpatigil sa kaniya.
Sabay-sabay na napalingon sa akin sina Adam kasama ang mga kalaro nito, samantalang si Windy naman ay hindi na nakagalaw sa kinauupuan.
Kita ko pa ang paglunok nito at maang na binalingan si Adam na ngayon ay nanlalaki ang mga matang nakatitig sa baril na hawak ko, animo'y sinusuri iyon. Malas niya lang dahil totoong baril na ang hawak ko— isang semi-automatic pistol gun.
"Reece..." madiin at may kalakasang sambit ni Adam na hindi ko pinansin.
Wala na akong naging pakialam kung nagkaroon man ng komosyon sa banda namin at pinagtitinginan na ako ng tao. All right, nagagalit ako kay Windy at nagseselos dahil sa nakitang magkasama sila ni Adam ngayon. Ayokong dumating sa puntong patulan pa siya ni Adam at magkaroon ng secret affair.
For f*ck's sake, girlfriend iyan ni Cloud at hindi ko maatim kapag nangyari 'yon. Pagak akong natawa at bahagyang inilayo ang sarili kay Windy upang bigyan siya ng espasyo at saka dahan-dahan na tumayo. Nakataas pa ang dalawang kamay nito sa ere, tanda na parang sumusuko na siya.
"Laureece!" Isang malakas na sigaw ang dumagungdong sa loob ng Casino Royale.
Mabilis ko iyong nilingon at nakita ang galit na galit na mukha ni Cloud. Mabibigat ang bawat paghakbang nito patungo sa pwesto namin, saka marahas na hinatak sa akin ang hawak na baril.
"The f*ck is wrong with you?" muli niyang singhal at nanlilisik ang dalawang mata na tinitigan ako.
Nang hindi ako magsalita ay binalingan nito si Windy na tahimik lang sa gilid at marahang hinila palapit sa kaniya, dinungaw pa nito si Windy na halata ang takot sa mukha.
"Okay ka lang?" mahinahong boses ni Cloud dahilan para mapangiwi ako.
"Iyan ba, Cloud? Iyan ba ang girlfriend mo na ipinagtatanggol mo?"
Hindi ko na napigilan ang sarili, dala ng emosyon ay nasambit ko iyon. Sa sinabi ko ay mas lalong hindi na maipinta ang mukha ni Cloud nang lingunin niya ako, pinasadahan pa ako nito ng tingin pamula ulo hanggang paa.
Ayokong mangialam sa totoo lang, pero kung si Windy lang din ang pag-uusapan— hindi ko siya matatanggap para kay Cloud. Alam ko kung paano siya minahal at inalagaan nina Tita Summer at Tito Storm.
"She's a b*tch with a lot of man, I bet hindi na nito mabilang kung ilang lalaki na ang nakama niya. Wake up, Cloud. Huwag kang magpapaloko—"
"Shut up, Reece!" malakas niyang sigaw at tila hindi na alam ang gagawin sa akin. "Wala kang alam! So, you better shut your f*cking mouth!"
Dahil doon ay mabilis akong nilapitan ni Adam at hinawakan sa siko na iwinaksi ko lamang. Makikipagmatigasan pa sana ako kay Cloud ngunit hindi ko na nagawa nang parang isang sako na binuhat ako ni Adam at naglakad palayo.
"F*ck! Adam! Let me go!"
"No, Reece, hangga't hindi kita natuturuan ng leksyon," sagot nito na halos magpainit lalo ng ulo ko.
The f*ck? Ako pa talaga? Kita namang siya itong nakikipaglandian sa babaeng 'yon. Argh!
BINABASA MO ANG
Rampage Island: Love and Regrets [Completed]
RomanceOut of seven types of journalism, she became investigative journalist in which reporters deeply investigate a single topic of interest, such as serious crimes, political corruption-- specially the corporate wrongdoing. Meet Laureece Miller, a journa...