Chapter 12
Nawala ang ngisi ko nang malampasan ito at nagmamadaling lumabas ng Clubhouse.
"Love!" Dinig kong sigaw nito habang unti-unting papalapit ang kaniyang yabag.
Wala na akong naging imik nang sabayan ako nito sa paglalakad at walang pasabing hinawakan ang kamay ko, rason para mag-angat ako ng tingin dito.
"Masyado kang natutuwa na hawakan ang kamay ko, ano?" sambit ko at itinaas pa ang isang kilay.
"Yeah, it's soft and tender... like your lips," aniya at masuyong hinalikan ang likod ng kamay ko.
Nagulat man ay pinanatili kong blanko lang ang mukha kong tinititigan siya ngunit alam kong grabe nang magwala ang mga paru-paro sa tiyan ko. Kung ganito siya sa loob ng six months na pananatili ko rito, dapat ko na bang sanayin ang sarili sa mga ganitong galawan niya?
Nang mapansin nito ang paninitig ko sa kaniya ay ngumiti ito, isang ngiti na hindi maitatagong napakasaya niya. Kunot ang noo kong nag-iwas ng tingin at itinuon na lang ang atensyon sa nilalakaran. Siguro nga... hindi na talaga ako masasanay sa presensya niya.
He's too much for me.
Hinayaan ko lang itong nakasunod sa akin habang ako naman ay hindi na alam ang patutunguhan pa. Nawala na sa utak ko iyong pamimili ko sana ng mga damit ko.
"Saan ba tayo pupunta?" takang tanong ko nang mapansing papalabas kami ng building.
"Hmm, I'll take you somewhere," bulong nito, saka pa inihilig ang kaniyang katawan sa akin.
Napapitlag ako sa ginagawa nito at walang anu-ano'y sinapak ito sa braso dahilan nang malakas niyang pagtawa.
Paano at idinikit nito ang kaniyang nakahubong katawan, ni hindi man lang mag-abalang magsuot ng kahit sando man lang. Tuloy ay pinagtitinginan siya ng ilang kababaihang nakakasalamuha namin.
Ang iba pa ay bulgaran kung tumitig, kulang na lang ay dambahin nila itong si Adam na mukhang wala namang pake. O baka nasanay na siya sa apat na taon niyang pananatili rito?
"Ilang beses ko bang sasabihing lumayo-layo ka sa akin?" giit ko rito habang nanlilisik ang mata.
Nakakainis kasi, kada lapit niya ay siya namang paglakas ng tibok ng puso ko. Nakakatakot lang na baka siya pa ang maging sanhi ng heart attack ko.
"How? You were my oxygen that I needed to breathe," aniya at ngumiti nang nakakaloko, tila isang demonyo na may masamang binabalak.
Sandali pa itong huminto sa may dalampasigan upang panoorin ang reaksyon ko na hindi ko namalayang nakanganga na pala ako sa harapan niya. All right. He got me there. At bakit ako kinikilig?
"You're blushing..." pagpuna nito na siyang nagpatawa pa sa kaniya.
"You're making fun of me, how dare you!" sigaw ko rito at tangkang sasapakin ulit sana ito nang kumalas siya sa akin.
Mabilis itong tumakbo palayo sa kinatatayuan ko na kaagad ko ring hinabol. Bahala na— bahala na kung magmukhang bata, pero kailangan ko lang talagang masapak ang lalaking iyon. Nakakainis ang mga kabaliwang ginagawa niya sa akin.
Nakalayo na ito sa akin habang ako ay nahihirapan sa suot kong tsinelas, puro buhangin na kasi itong nilalakaran namin. Samantalang siya ay nakayapak lang, kaya malayo na ang narating nito.
Yumuko ako nang tanggalin ko ang tsinelas, saka inabot iyon at mahigpit na hinawakan. Nang makatayo ay siya namang bato ng bola sa kinaroroonan ko dahilan para matigilan ulit ako.
Kasunod nito ay ang sigawan sa hindi kalayuan, kaya nilingon ko sila. Grupo ito ng mga lalaki na naglalaro ng volleyball habang may ilang kababaihang nag-chi-cheer sa kanila.
BINABASA MO ANG
Rampage Island: Love and Regrets [Completed]
RomanceOut of seven types of journalism, she became investigative journalist in which reporters deeply investigate a single topic of interest, such as serious crimes, political corruption-- specially the corporate wrongdoing. Meet Laureece Miller, a journa...