Chapter 4

1.7K 100 44
                                    

Chapter 4

Masakit ang ulo nang magdilat ako kinabukasan dahil sa jetlag ko kahapon, marahan ko iyong hinilot at sandaling pumikit. Ilang beses pa akong napabuntong hininga sa pagod at bigat na nararamdaman.

Kagabi nang mapag-usapan namin ni mama na saktong alas otso ng umaga ang alis ko, kaya wala pang five nang gumising ako upang maghanda. Hindi dahil sa excited akong pumasok sa Rampage Society, kung 'di para bigyan ng oras ang sarili na lunukin ang katotohanan, pati na rin ang pride ko.

Ngayon nga ay halos hindi ko pa rin masikmura na papasok ako roon. Kung hindi lang din naman talaga kailangan at kung may iba pa akong pagpipilian sa trabaho ay hinding-hindi talaga ako tutungtong doon.

Ngunit kailan man ay hindi ako nagkaroon ng choices sa mga project ko na kung saan “mission” na kung maituturing. Sa lahat ng naging project ko ay ngayon lang ako hindi na-excite. Ito lang hindi ko nagustuhan.

Mabilis akong tumayo mula sa pagkakahiga at sandaling ginawa ang morning exercise ko na siyang nakagawian ko na sa Italy. Matapos ay deretso na ako sa banyo upang makaligo.

Ilang minuto nang tuluyan akong lumabas at isinuot ang simpleng white polo, black jeans at isang pares ng rubber shoes. Hinayaan ko lang na nakalugay ang buhok kong kupas na ang kulay ng golden blonde, saka hinila ang maleta.

Hindi na ako nag-abalang magdala pa ng ilang gamit at kung ano iyong gamit ko kahapon na inuwi ko galing sa Italy ay iyon pa rin ang dadalhin ko ngayon. Tiyak ko namang hindi ako mag-e-enjoy sa pupuntahan ko.

"Ready ka na? Ang aga mo, ah?" bungad sa akin ni mama nang makababa ako ng hagdan habang hatak-hatak ang maleta ko. "Kain muna tayo."

Dahil doon ay iniwan ko muna ang maleta sa sala at sabay na kaming pumasok sa kusina, nakahanda na roon ang agahan at naroon na rin sina papa, Lawrence at Lauren na matiyagang naghihintay.

"Good morning," bati ko sa kanila at naupo sa bakanteng upuan, katabi ni mama.

"Good morning din, ate," malambing na sagot ni Lauren na siyang kinindatan ko. "Mukhang excited ka, ah?"

Sa sinabi nito ay nawala ang ngiti ko, wala pa sa sariling napangiwi ako ngunit saglit lang iyon dahil ayokong ipakitang nagsisinungaling lang ako sa kanila. For the sake of my mission, kailangan ko 'tong gawin.

Mabigat man sa loob kong niloloko sila ay wala na akong choice, ito lang ang alam kong mas madaling paraan.

"Congrats, ate! Palagi kang mag-iingat doon, tawagan mo lang ako kapag wala kang makausap," segunda ni Lawrence, rason para mapatango ako.

"Nakatulog ka naman ba nang maayos?" pagtatanong ni papa, kung kaya ay nilingon ko ito.

Marahan akong tumango at pilit na ngumiti, kahit ang totoo ay hindi naman. Nakatulog ako kaagad kagabi ngunit hindi naging sapat iyon. Isa pa ay sobrang bigat talaga ng pakiramdam ko, parang gusto ko na lamang ulit humiga at matulog magdamag.

"Opo."

"Good, dahil mamaya ay lilipad na tayo papuntang Palau. Ihahatid na kita roon," aniya nang may ngiti sa labi, bago inumpisahan ang pagkain.

Palau? What the hell?

"Anong Palau?" kunot ang noo kong tanong, saka binalingan si mama na siyang nasa tabi ko.

Sa pagkakaalam ko ay sa Makati lang iyon, ah? Naging Palau na? At saang lupalop ba ng bansa iyon? Tumaas ang kilay ko nang hindi magsalita si mama dahilan para mapabuntong hininga ito.

"Sa Palau ka malalagay at hindi sa Makati. Mas maganda roon. Well actually, exclusive for all shareholders at VIP's ang resort na 'yon," lintanya nito na mas lalong nagpagulo sa utak ko.

Rampage Island: Love and Regrets [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon