Cyre

11 2 2
                                    

CHAPTER 4
☽☽☽ ☾☾☾

Rionicah's POV

As soon as I stepped out the portal, a cold breeze welcomed me. I was alone. So we all got separated huh?

I shivered as I put my hands in my pocket. Oo nga pala, only my body and feet are covered. I walked slowly, observing my surrounding. May iba't-ibang klase ng puno na binabagsakan ng niyebe. So far wala pa naman akong nakakasalubong na lobo.

I sighed. Mag susummer na sana ako dun sa bahay tapos dito pasukan na naman? Potangina!

Napalingon ako ng may marinig akong kaluskos. Kinakabahan man ay lumapit ako sa likod ng punong 'yon, only to find out there's an egg!

Dali-dali kong kinuha yon at nilagay sa holographic box. Naglakad ulit ako nang may marinig akong sigaw.

"Aah! Help!" The sight of someone being chased by a wolf froze me. Parang napako ako sa tinatayuan ko.

Five black wolves are chasing her! Marami rin siyang mga sugat at punit punit yung damit niya. Wtf ilang minuto pa lang akong naglalakad ah?

And those are not ordinary wolves, may asul na apoy na pumapalibot sa kanila and they also have moon anklets. Luh, may pa ganon?

Bigla akong nanginig ng may nakita akong papalapit na lobo sa'kin galing sa kanan. Gaya ng iba ay may asul na apoy na pumapalibot dito, ngunit puti naman ang kulay nito. It strongly looked at me. Walang pagdadalawang isip na kakain ako nito ng buhay.

Teka lang naman bumubwelo pa ako!

I prepared myself for its attack. Bigla itong tumalon lampas sa ulo ko at humarap ulit sa'kin. It suddenly howled, reason kung bakit mas madaming lumapit sa'king lobo ngayon. I think it just called it's whole pack, holyfuck. They were about 12 at pinalibutan nila ako.

Anak ni lucifer! Isang itlog pa nga lang yung nakuha ko mukhang mamamatay na ako!

May nakita akong sanga ng puno sa itaas ko at walang pagdadalawang isip na inabot ang sanga at tumalon doon. I balanced myself upang hindi mahulog. The wolves were just looking at me, like they were waiting.

Waiting to eat me, of course!

The branch can't hold on for that long, neither can I. Nanginginig yung kamay ko dahil sa pag-akyat kanina at dahil sa lamig.

May narinig akong tunog sa sanga. Sabi ko na nga ba. Bago pa tuluyang mahulog yung sanga ay tumalon na ako palayo mid-air at diretsong tumakbo.

Takbo lang ako ng takbo. Nararamdaman ko na yung pagod ko sa walang tigil na takbo dahil sinusundan parin nila ako, mas dumami pa! Kinginang yan ilang packs paba ang dadagdag?!

Hingal na hingal akong tumigil at dahang dahang hinarap sila. I used up my time running for my life that I forgot what I'm actually doing here in Amaris Meadows. Kailangan kong makakuha ng marami pang itlog!

I stopped because napansin ko lang, kanina pa nila ako sinusundan pero di naman sila umaatake. What's up with them?

"Kung... susundan... niyo rin lang naman... ako..." Hingal ko. "Can I have some of those eggs?" Turo ko sa itlog na malapit sa puno, covered with some snow.

Nagkatinginan silang lahat, it's like their eyes were arguing about something. Hindi agad ako nakagalaw ng bigla akong inatake ng isang itim na lobo sa balikat ko, causing some of my clothe's fabric to tear off. I winced in pain and held my left shoulder. Nang tingnan ko yung kamay ko, there was blood. Mukhang malamin yung sugat.

Aurora AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon