CHAPTER 1
☽☽☽ ☾☾☾Rioncah's POV
"Hoy!" Napalingon ako sa best friend kong tumatakbo papunta sa'kin. Napataas ang kaliwang kilay ko.
"I have a name, you know." Sinalubong ko siya.
"What is it?" Tanong ko sa kanya sa labas ng gate ng school namin.
"Wag mo'kong ma what is it what is it!" Sigaw niya sa'kin at tinignan ako ng masama. Kahit kailangan talaga may anger issues tong baklang to.
"Bakit wala ka kahapon? Alam mong bukas na yung champioships natin diba?" Tumango naman ako na parang walang pakialam.
He's talking about us going to finals in the Regionals. We're playing taekwondo.
"Sorry, kailangan ko kasing tapusin yung school works ko." Napakamot ako sa leeg ko. Para naman tong nanay ko jusme.
He sighed.
Asher- or Ashley is gay, gaya ng sabi ko kanina.
"You can always transfer to another university you know. Bakit ba kasi nag request ka pang magpa enroll dito? They've done nothing but bully you." Tiningnan niya yung kabuuan ko at napa facepalm.
"And why are you even wearing your disguise? Gosh kaya ka nabubully eh. Alam mo naman sa panahon ngayon andaming judgemental." Umikot yung mata niya kaya napatawa ako. "Tinatakpan ng cosmetics yung ganda mo, Ri." Niyuyugyog niya pa ako. Ako naman yung napaikot ng mata.
"Tama na ngang drama yan, Asher- este Ashley. And besides, gusto ko lang ma experience what is it like to spend my last year in highschool here." I let out a sigh. He looked at me unbelievably, not knowing what to say.
"Okay fine." Kinuha niya yung kamay ko sabay hila sakin papuntang kotse niya.
I know alam niya kung bakit nagpumilit akong mag-aral dito, di niya lang matanggap.
"Omyghad bakit hila hila siya ng isang Asher Jules Ramirez?"
"I know right?"
"Baka para gawin siyang alalay."
"Akin lang si Asher!"
"Malandi."
"Ang panget niya."
Alam ko naman po yun. Sino bang hindi mapapangitan sa itsura kong to ngayon? Fake braces, thick eyebrows, fake pimple marks and pimples. Dagdag mo pa yung pananamit kong daig pa si Maria Clara.
Hindi ko nalang pinansin yung mga naririnig kong bulong, kung bulong ba talaga 'yon.
Ano kaya ang magiging reaction nila pag nalaman nilang pogi rin ang hinahanap neto?
"Where are we going?" Tanong ko ng pagbuksan niya ako ng pinto sa passenger seat.
"Ihahatid na kita pauwi. Lagi ka pa namang lumalapit sa gulo." Napaismid ako.
"Excuse me, gulo ang lumalapit sakin."
He shrugged. "Better safe than sorry."

BINABASA MO ANG
Aurora Academy
FantasyHe was the day, She was the night, They were opposite souls, Waiting to collide. "Until the next eclipse, my moon." --------- This story is clearly fantasy Language: Tagalog & English SLOW UPDATES; ON GOING