CHAPTER 6
☽☽☽ ☾☾☾Uniform above ⬆️
Rionicah's POV
I spent the night in their so-called packhouse. Now it's 6:30 in the morning and we're currently standing in front of a tree na sa pagkakarinig ko kanina ay may portal dito papuntang academy. Babalik na ako dun, nalaman ko ring students na pala dun yung tatlong 'to. Sinuot ko ulit yung suit ko kahapon, and thankfully safe naman yung itlog.
Gusto kong maiyak. Isang itlog lang ang nakuha ko!
Narinig at nalaman ko na ang mga gusto kong malaman kagabi, all thanks to Alpha Victor.
Mas mabuti natong may magbabantay muna sa'kin ngayon hanggang matuklasan ko na ang kapangyarihan ko, kung meron ba talaga ako non.
Nalaman ko rin ang mga katangian ng tatlong damuhong 'to. I'm quite comfortable with them actually. Well, kadalasan minsan. LOL
Si Cyre yung pikon. Onting kulit at asar lang ni Troy sa kanya mukhang mag eend of the world na. Si Troy masyadong playful- scratch that, sobrang playful talaga. Walang tigil kung mag kwento, dada nang dada eh. Si Aiden naman, pota nalang talaga! Hindi ko alam kung pinaglihi ba siya sa google o merriam webster. Nakakadugo ng utak yung mga sagot niya!
"Apertum."
Ano daw? Lactum?
Charot corny.
Pumasok na kami sa portal na lumitaw at na experience ko na naman ang putanginang pakiramdam na sa loob nun.
The portal immediately lead us in front of the headmaster's office. Bigla akong nakaramdam ng kaba dahil agad kong naalala yung entrance exam. Putagris isang itlog lang yung nakuha ko!
Kumatok muna si Cyre ng tatlong beses bago pumasok. Aba't gago di pa nga kami pinapapasok.
Sumunod nalang din kami. Sabi nga nila follow the leader.
"Umagang kay tanda! Nandito po kami para kunin yung schedule at dorm keys ni Ri." Ngising aso ni Troy.
Sabagay aso naman talaga siya. Asong asungot.
Tinignan ko si headmaster. Nasa mid 50's pero litaw parin yung mukha nung binata pa siya. Tiningnan ko yung pangalan niyang nakaukit sa table.
Headmaster Raphael Louis Storm
Napabuntong hininga naman si tanda este headmaster, mukhang sanay na siya sa pag uugali ni Troy. Bumaling ang tingin niya sa'kin at ngumiti.
"Hello, dear." Send bobs. "Here are your schedule and dorm keys." May inabot siyang brown envelope sa'kin.
"You're now officially a student of Aurora Academy. Congratulations for passing the exam." I looked at him, still not convinced.
"Thank you, headmaster. Pero ba't po ganon? I only got one egg." Sabi ko at pinalabas ang kaisa-isahang itlog na nakuha ko.
Ngayon ko lang napansin na may nakacurve sa shell nito. Parang mga apoy na kulay asul.
"You're a special case, hija. Your enrollment has been processed na pagdating mo dito remember?" Napatunganga ako. So anong silbi ng pagkuha ko ng exam?!
Bigla siyang napatingin sa orasan niya sa side table. "You're class will start at 8am. You better go now." Tumingin siya nang alinlangan sa akin. "We'll talk next time, and take the egg with you for now." Tumango nalang ako at nauna nang lumabas sa office niya. Naramdaman ko namang sumunod sa akin yung tatlo.
"Ihahatid kana muna namin since hindi kapa familiar dito." Cyre said and I just nodded.
"Uso magsalita, Ri. Tango ka nang tango baka matuluyan 'yang leeg mo." Sabi ni Troy.

BINABASA MO ANG
Aurora Academy
FantasyHe was the day, She was the night, They were opposite souls, Waiting to collide. "Until the next eclipse, my moon." --------- This story is clearly fantasy Language: Tagalog & English SLOW UPDATES; ON GOING