CHAPTER 3
☽☽☽ ☾☾☾Rionicah's POV
Nandito lang ako sa dorm nila Ella tsaka Milla. Matapos ang nangyari sa clinic ay pinadiretso na kami ni Ms. Grim dito. Bukas daw magsisimula ang entrance exam at kailangan ko pang magpahinga. Ni hindi ko manlang na meet yung headmaster kasi may pinuntahan pa raw.
I wonder kung anong klaseng exam ang e tetake namin? You know, because this is a magic school?
Yes, I've decided to give it a shot. Wala naman akong magagawa since nasa poder nila ako. I'll just have to wait for the headmaster para malaman ko kung totoo nga bang may connection sila ng parents ko.
And about my face, turns out kinuha ni Ms. Grim yung disguise ko when I passed out. How did she know? Dahil sa nagdala sakin don.
Damn it.
Hindi ko parin alam kung sino yung nagdala sakin sa clinic kasi ayaw naman sabihin ni Ms. Grim, tsk! Even Ella and Milla doesn't know. All I know is lalaki siya at nakita niya ako sa tapat ng gate ng academy.
Way to blow my damn cover.
Naglakad ako papuntang bintana. Umupo ako sa window seat at napatitig sa buwan. It's shining brightly as it always does.
I've always loved the moon. It brightens almost everything in the darkest hours. It's light secretly preventing us from going into the shadows.
I let out a faint smile. My heart's still embraced by darkness as it always been. I've mastered everything my parents taught me yet I'm still going to a never ending goal.
In the first place, I don't think I really have a goal. All I know is that I have to finish something that I started.
Napailing nalang ako.
Masyadong mabilis ang nangyayari. Hindi ko pa alam ang kalagayan nila mommy ngayon. Hindi ko parin alam kung bakit tinago nila sakin 'to. Mortal realm is not my real world tapos itong magic realm nato ang totoo?
May kapangyarihan din ba ako? Mag iiba rin ba ang kulay ng buhok at mga mata ko? I mean, my hair turned white and it got longer too. Who am I, really? Ghad, this is too much to take in one day.
I'll just take some sleep.
☽☽☽ ☾☾☾
Nagising akong hinihila ni Ella yung paa ko. I forcefully kicked her by instinct at muntikan na siyang mapaupo.
"Woah! Ano yun? Stretching para sa exam?" Ngisi ni Milla.
"That was one hell of a kick." Natatawang sabi ni Ella.
"I'm sorry. Nabigla lang ako." Sabi ko at bumangon na. Hanep naman kasing pag gising sa'kin yon, buti nalang di siya natumba.
"Kumain na muna tayo ng breakfast bago pumunta sa field." Sabi ni Milla na tinanguan naman namin.
Naligo na muna ako sa loob ng banyo, alangan naman sa labas diba? Nang matapos ay lumabas na ako at may nakita akong combat suit na nakalagay sa higaan ko. May leather boots din sa ilalim ng kama. Nilapitan ko ito. May note galing kay headmaster. That reminded me na kailangan ko na siyang makita as soon a possible.

BINABASA MO ANG
Aurora Academy
FantasyHe was the day, She was the night, They were opposite souls, Waiting to collide. "Until the next eclipse, my moon." --------- This story is clearly fantasy Language: Tagalog & English SLOW UPDATES; ON GOING