Chapter 2

21.6K 37 2
                                    

Chapter 2

Nung hinihintay ko kung ano man yung gagawin nya bigla akong napadilat…

o_-

-_o

-_-

o_o

-_-

o_o

Wala na sya sa ibabaw ko at nakita ko sya nagpipigil ng tawa sa sahig. Pero…

“HAHAHAHA… nakabawi din ako. HAHAHAHA” sabi nya habang humahagalpak na ng tawa.

“MARLON!!! Hindi ka nakakatawa ah.” sigaw ko sa kanya at nagwalk out na ako.

Nakakainis! Grrrr… nakakabwisit.  Akala ko pa naman nakabawi na ako. Nakakaasar talaga! Bakit ba sya ganon? Kala ba nya nakakatawa yun. Nakakainis! Hmmpt!

Teka, bakit ba masyado akong apektado? Ano ba masama sa ginawa nya? Ako naman ang nanguna. Pero gumanti lang naman ako ah… ahhhhhhhhhh!! Ang gulo na!! tsk!  Aba! Hindi man lang nagsorry. Hmmpt! Talaga naman!!!

Habang naglalakad na ako may humawak sa kamay ko kaya na patingin ako sa taong humawak nito…

O.O

“Bakit sinundan mo pa ko? Tumawa ka na lang doon.” sarcastic kong tanong sabay irap.

Hinigit nya ulit yung kamay ko at sabinabi niya.

“Sorry na. Peace na tayo.”

^__^v

Haist! Nakakainis. Bakit ba isang ngiti nya lang nawawala na yung galit ko? Bakit ba hindi ko magawang magalit sa kanya? Hay!

“Ikaw naman kasi eh, di kaya nakakatawa yung biro mo.” sabi ko sa kanya.

“Sorry na nga eh. Sorry na. Bati na tayo. Please?” sabi nya with matching puppy eyes.

Hay! I can’t resist him. I hate it! I hate when I see him smile, because it makes my heart beat faster than its normal rate. I hate him when I see him sad, because it makes me sad. I hate him when he’s with me because he make me fall for him differ and differ. At this rate, I don’t have a choice but to forgive him. Maybe because even if I don’t want to forgive him, my body reacts like it has its own mind. Hay! *sigh

“May magagawa pa ba ako?” tanong ko.

“Yes! Bati na kami.” sabi nya sabay yakap.

“Bakit ka nga pala nasa bahay kanina? Ang aga aga miss mo na agad ako. Parang kahapon lang magkasama tayo ah.” sabi nya na parang nang-aasar.

“Binabawi ko na. Di na ulit tayo bati. Nang-aasar ka nanaman eh. Kapal nito. Ikaw nga tong bigla biglang nangyayakap eh.” sabi ko.

“Ito naman parang di na mabiro. Pero bakit ka nga nasa bahay?” tanong nya sabay akbay sa akin.

“Che! Magpapatulong sana akong maglinis ng bakanteng kwarto namin sa taas. Bibisita kasi sila tita at tito kasama yung pinsan ko. Pero mukhang ako na lang maglilinis.” sabi ko.

“Ito naman. Sorry na nga eh. Tara punta na tayo sa bahay nyo.” sabay pagkaladkad sa akin papunta ng bahay and take note nakaakbay sya hanggang makarating kami sa bahay.

Ayun pagdating namin ng bahay, syempre pinakain ko muna sya dahil alam kong di pa sya nag-aalmusal dahil ang aga ko sa kanila. Hahaha… Tapos nagpaalam naman si mama na mamamalengke lang sya sa bayan para daw pagdating nila tita may maihain syang masarap. So, bale dalawa lang kami ni Marlon sa bahay. Thahaha…

Dahil galit galitan ang lola nyo… siya lang ang pinaglinis ko. Thahaha… ang utak ko talaga kaso…

“Ahhhhhhhhhhhh!!!” sigaw ko.

Hagisan ka ba naman ng ipis. Nakakadiri kaya. Ewww!

“Marlon, ilayo mo sa akin yan!” utos ko sa kanya.

“Bahala ka dyan. Ayaw mo makipagbati eh. Tapos di mo pa ako tinutulungan maglinis.” sabi nya.

“Hala! Ahhhh!! Ilayo mo sa akin yan! Oo na sige na bati na tayo. Ilayo mo lang yan! Ahhhhhhhh.” Sigaw ko.

“Talaga?” tanong nya.

“Oo nga sabi eh. Ilayo mo na yan!” sigaw ko.

“Talagang talaga??” sabi nya.

“Oo nga ang kulit.” Sabi ko na medyo naiinis na ang kilit kasi eh.

Syempre pagkatapos namin magkulitan. Tinulungan ko na din sya maglinis kaya medyo napabilis yung gawa. Nung magtanghalian na kumain ulit kami sa baba na ang dudungis. Nagtawanan lang kami kasi ang dungis namin parehas. Hay naku! Nakakabaliw talaga kasama ito. Hahaha…

Sakto naman na dating ni nanay kaya naghanda na din sya ng pangmerienda habang gumagawa sya ng merienda nagkayayaan kami ni Marlon na maligo sa ilog.

“Tara punta tayo sa ilog dun tayo maligo. Ang dungis natin oh.” Sabi nya sabay turo sa aming dalawa.

“Sige. Sige.” sabi ko naman sa kanya. Medyo maganda sa ilog malinis yung tubig kaya ang saya. Hehehe

Pumunta na kami sa ilog at walang tao doon. Hay! Ang saya lagi kong nasosolo si Marlon. Thehehe…

Syempre nagulat ako sa ginawa nya. Naghubad ba naman sa harap ko. At tumingin sa akin.

Kyaaaaa! Grabe ang abs! Ulam na! kahit di na ko kumain! Hmmm… yummy!  Kailan pa sya nagkaroon nyan! Parang di ko naman sya nakikitang nag eexercise. Ang hawt lang! Kyaaaaaaaaaaaaaa!! Yummy! Hoy babae nagtigil ka! Grabe magnasa! Tigilan mo yan!

>///<

“W-wag kang l-lumapit sa akin.” sabi ko sa kanya na nakataas ang kamao ko.

Ngumiti sya tapos lumalit pa din sa akin.

“Hoy! Ano ba pinagsasabi mo. Oh, tara na dun sa ilog ang lagkit ko na oh.” sabi nya sabay kaladkad sa akin papunta ng ilog.

Hay! *sigh* akala ko kung ano na. Tsk! Kung ano ano kasi pinag-iisip ko eh. Hay! Pero kailangan ko pigilan sarili ko mamaya pag di ako nakapagpigil gahasain ko ito. Hahaha… tapos mabalitaan sa buong nayon na isang lalaki ginahasa sa tabi ng ilog. Thahaha… maging kriminal pa ang dating ko. Hahaha…

Syempre naglaro kami sa ilog. Nagbasaan, lumangoy, at naghabulan.

---------------------------------

(later)

Thahaha… nababaliw na ako.

Baliw talaga ako.

Sorry sa mga typo. Hehehe

Peace tayo men.

^_______^v

Ang Paboritong Apo ni LoloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon