Chapter 5
Pagdating ko ng bahay, wala pa din si Jana. Kaya hinanap sya sa akin nila tito sabi ko nilibot sya ng bestfriend ko sa lugar. Yun mukhang di na sila nag-alala kaya naligo na ako at umakyat sa taas gabi na din at wala pa din sila.
Hay! Ano kayang ginagawa nila? Ang tagal naman nila mag-usap. Hindi ba sila nawawalan ng pinag-uusapan? Haist! Teka bakit nga ba ako nagtatampo wala naman ako dapat ikatampo di ba? hindi naman kami. Pero wala nga ba kong dapat ikatampo. Haist bahala na nga ang gulo na.
Tinuloy ko na lang yung kanta na ginagawa ko. Kinuha ko ang gitara ko at sinimulan ulit itong tugtugin. Haist! Wala na ko kakulitan. Grrrr… wala tuloy magawa.
____________________###_______________________
“Naiinis na ako sa iyo lalaki
Bakit nyo mo ba ako pinagtatawanan ginaganito
Ikaw ata ba ay natutuwa naguguluhan
Sa a’king tunay na pagtingin nararamdaman sa iyo”
“Ano pa bang dapat na sabihin gawin pa
Sa aking ginagawa pananamit at kinikilos pananalita
Upang iyong mapagbigyan pansin
Aking pagmamahal paghanga at pagtingin sa iyo” ____________________###_______________________
Maya maya pa dumating na din si Jana. Naligo na sya tapos kumain na kami. Pagdating naming sa kwarto. Nagkwentuhan lang kami kung ano mga ginawa nila, kung ano mga pinagkwentuhan nila. Tapos natulog na kami napagod daw kasi sya ang dami daw nilang pinuntahan ni Marlon.
Haist! Mukhang nakalimutan nya ng tutulungan nya ko. Di bale di ko naman hiniling yun eh. Hehehe… pero parang nakakapagselos. Haist tama na nga to. Matutulog na ko.
Madaming araw na din ang lumipas laging si Jana at Marlon lang ang magkasama. Kasama naman ako kaso parang out of place ako sa pinag-uusapan nila kaya lagi ako maaga umuuwi. Lagi nga ding nasa bahay nila siJana eh.
Nakakatampo naman si bestfriend. Dati ako yung lagi nyang sinasamahan ngayon iba na. Tapos dati lagi kaming nag-aasaran ngayon hindi na. Dati Masaya kami bakit ngayon parang di na. Lagi pa din naman kami magkasama eh pero parang ang daming ng nag-iba. Parang di na kami tulad ng dati na makulit, maingay, magulo at close ngayon kasi parang ang layo layo nya na sa akin. Haist! Namimiss ko na bestfriend ko.
Isang araw kakatapos lang namin mag-agahan nang biglang bumisita si Marlon. Hay! Bakit ba makita ko lang sya ngumiti nawawala na yung tampo ko. Haist! Nakakainis naman. Bakit kaya sya pumunta dito? Hmmm…
“Oh, Marlon ang aga mo ah? Bakit ka nandito? Anong kailangan mo? Namiss mo na ba bestfriend mo? hahaha” pang-aasar ko sa kanya. Namimiss ko na kasi sya eh.
“Hahahaha… adik ka talaga. Masama na ba pumunta dito? Ha?” sabi naman nya.
“Hindi naman. Pero pumupunta ka lang naman dito pag may kailangan eh. Hahaha” sabi ko habang tumatawa. Shet! Ang plastic ko.
“Hahaha… hindi naman ah. Hehehe… teka gising na ba si Jana?” tanong nya.
Ouch! It hurt you know! Sapul ako dun ah. Nasa harap nya na ko pero iba pa hinahanap. Ang sakit sa dibdib. Haist! Kailangan ko maging understanding. Wala naman ako karapatang magalit eh. Pero bakit ang sakit?
BINABASA MO ANG
Ang Paboritong Apo ni Lolo
Teen Fictionang kwentong ito ay base sa aking makulit at paligoy ligoy na imahinasyon. maaari din ito ay galing sa aking pagkabored at walang magawa sa buhay. hahaha... sana maenjoy nyo ito :D