Ending :D

4.8K 29 15
                                    

Ending :“DDD

Nagsimula na ang party ko. Madaming pumunta masaya, magulo, maingay, puro tawanan, kainan, kantahan at sayawan. Hindi din mawawala ang pagtanggap ko ng mga regalo. Pero ang best gift na natanggap ko eh yung pagmamahal ng pamilya ko, mga kaibigan, at syempre ang pagmamahal ng taong matagal ko ng pinapangarap.

Nangmatapos na ang party. Nagsiuwian na ang lahat sila mama naman pumasok na. Naiwan na lang kami ni Marlon sa may duyan. May duyan kasi kami sa gilid ng bahay. Doon kasi madalas magpahinga si mama eh. Kaya ginawan sya ni mama ng duyan doon.

“Karen oh, ito yung regalo ko.” Sabi nya.

Kinuha ko tapos nakita ko yung sketch ng picture namin. Stolen ito hindi ko alam kung kailan ito kinunan kasi di ko na ito maalala, nagtitigan kami habang nakangiti sa isa’t isa.

“Salamat akala ko nakalimutan mo na eh.” Sabi ko.

“Makakalimutan ko ba naman ang regalo ko sa babaeng pinakamamahal ko.” sabi nya tapos ngumiti sya.

Dahil sa sobrang saya ko ngayong araw. Di ko mapagsiglan ng tuwa ko kaya di ko na napigilang maiyak.

“Hala! Bakit ka umiiyak?” natataranta nyang tanong.

Di pa din ako matigil sa pag-iyak. Habang nakikita ko syang natataranta. Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa reaksyon nya o maiiyak dahil sa sorang kasiyahang nadarama ko. Hindi din ako makapagsalita. Napipipi na ako sa sobrang dami ng ligaya ang nararamdaman ko.

Hinawakan nya yung magkabilang pisngi ko tapos pinunasan nya yung luha ko. Pero di pa din ito tumigil sa pag-agos kaya…

O//////////O

Nilapit nya yung mukha nya na para bang hahalikan nya ko. As in sobrang lapit talaga na halos pati hininga nya ramdam na ramdam ko na.

Dug. Dug. Dug.

Ayan nanaman yung puso ko. Bigla bigla na lang bumibilis yung tibok. Grabe madikit lang sya sa akin nagiging abnormal na yung tibok nito. Lumapit lang sya nababaliw na ako. Marinig ko lang boses nya nanghihina na ko. Grabe, ano ba ginawa ng isang ito sa akin??

“See tumahan ka na.” tapos ngumiti sya ng nakakaloko.

“Di ko pa gagawin yun sayo. Masyado pang maaga para dyan.” Sabi nya.

Ilang araw pagkatapos ng debut ko, bumalik sa Maynila si Jana. Si Vince naman naging friend na rin si Marlon. Minsan nga pinagseselosan yun ni Marlon eh. Pero dahil sa natutuwa ako pagnagseselos sya mas lalo ko sya pinagtritripan. Nakakatawa talaga sya pero nakakaasar din hindi sya madaling mapikon. Syempre nagsimula na din si Marlon manligaw. Nagsisimula nga sya kila mama eh tapos pati kuya ko nililibre… Hahaha… nakakatuwa lang isipin.

Madaming ding nangyari sa mga panahong niligawan nya ko. Nandyan yung nag-aaway kami pero nagbabati din naman bago magdilim. Nandoon din ang selosan, tapuhan, at hindi nawawala ang asaran. Pero kahit ganon nandoon pa din ang aral ng pagiging magkaibigan kung saan kailangan mong babaan ang pride mo wag lang sya mawala sayo.

Hanggang sa dumating na yung time na sinagot ko na sya. Ang totoo simula nung ligawan nya mas lalong lumalim yung pagtingin ko sa kanya. Hindi kasi gaya ng ibang lalaki na hindi nakakapaghintay. Bilib na bilib ako sa patience nya. Kasi kahit limang buwan syang nanliligaw hindi nya ko minadali. Kahit na sa totoo lang alam ko gusto nya na marinig ang matamis kong oo.

Nung naging kami mas lalo ko syang niresrespeto at minahal ng lubos kasi alam kong mahirap sa lalaki ang magpigil ng galit lalo na kapag natatapakan ang pride nila doon ko lalo nalaman na mahal nya ko na kahit sarili nyang pride ibababa nya wag lang akong mawala. Dahil doon lalong tumibay ang samahan namin.

Marunong tumagap ng pagkakamali, pagkakaroon ng malawak na pag-iisip at tiwala sa isa’t isa ang lalong nagpatibay sa relasyon namin. Hanggang ngayon walang nakakatibag sa relasyon namin.

Hindi naman kami perpekto kaya hindi mawawala sa amin ang pag-aaway. Pagseselosan. Pagbabangayan. Pagsisigawan. Pero kada mag-aaway laging may isa sa amin ang aamin sa kasalanan, magsosorry o ibababa ang pride kaya pagkatapos ng problema mas lalo kaming napapalapit sa isa’t isa.

Nawa’y maging inspirasyon kami sa mga magkakasintahan. Kailangan nyo lang ay limang bagay. Pagmamahal, tiwala, oras, pagbaba ng pride at syempre pag-amin sa kasalanan.

>>>finished<<<

Ang Paboritong Apo ni LoloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon