Chapter 4

11.2K 17 1
                                    

Chapter 4

Kinaumagahan, paggising namin kumain na kami ng agahan at gumawa ng gawaing bahay. Pagkatapos namin gawin lahat, nagpaalam ako kay mama na ipapasyal ko lang si Jana sa labas. Pumayag naman si mama kaya nag-ikot ikot muna kami tyaka ko naisipan na…

“Jana, tara samahan mo ko.”sabi ko.

“Saan naman?” tanong nya.

“Basta.” Sabi ko sabay hablot ng kamay nya.

Papunta kami ngayon sa bahay nila Marlon syempre dumaretso na ako sa likod ng bahay nila kung saan ang tambayan naming at di nga ako nagkamali nandoon nga sya.

“BESTFRIEND!” sigaw ko habang papalapit kami sa kanya.

“Oh? Sino yang kasama mo?” tanong nya.

“Ah, pinsan ko si Jana.” Sabi ko.

“SI JANA? Yung batang iyakin, yung batang lampa at laging nadadapa? Ha?” tanong nya.

“Oo sya nga. Hahaha…” Sagot ko.

“Anong oo ka dyan di naman ako lampa ah.” Pagtatanggol ni Jana sa sarili.

“Hahaha… di pa din nagbabago. Hahaha…” sabi ni Marlon.

“Teka, bat ka ba tumatawa? Kilala ba kita? Tyaka kung makatawag ka ng lampa. Close ba tayo?” sabi  nya na parang mataray.

“Marlon to! Remember?” tanong nya.

“Marlon? Yung batang napakabully! Hahaha… ikaw na ba yan?” tanong ulit ni Jana.

“Oo” sabay yakap nya kay Jana.

Teka bakit parang naiinis ako. Tsk! Ano ba tong nararamdaman ko. Grrrr… di naman ako ganito noon ah. Haist!

Pagkatapos nila magyakapan nagkwentuhan naman sila samantalang ako pinapanood ko lang sila.

Hello! Kasama nyo kaya ako. Grrrr… tatlo po tayo. Kung makapag-usap naman parang wala ng ibang kasama. Haist! Para akong tanga dito na pinapanood sila. Ano ako chaperon? Grrrr… teka!

Wait! Wait! Wait! Nagseselos ba ko? Pero bakit ako nagseselos eh pinsan ko naman yan tyaka matagal din naman silang di nagkita ah. Pero kung titignan mo sila. Haist! Wala akong pag-asa. Shockings lang! Bagay sila!

Grabe, ang sakit naman. Bakit ko ba iniisip yung mga yun? Bakit ba parang ang sarap nila tingnang dalawa? Bakit parang ang saya saya nila? Hindi ba ko masaya kasama? Hindi naman kasi sya ganyan tumawa pagkasama ko si Marlon eh. Grabe, ang sakit. Kumikirot yun puso ko. Bakit? Hindi ito pwede. Pinsan ko sya. Di ko dapat sya pinagseselosan. Haist! Bahala na nga.

Kaya para ilabas itong nararamdaman kong sakit. Pinuntahan ko na sila… Tae lang! di ko na talaga kaya!

“Jana, uuwi na ko. Alam mo nanaman ang pauwi di ba? Pahatid ka na lang kay Marlon kung di mo alam.” Walang ganang sabi ko.

“Bakit ka uuwi? Sasama na din ako.” Sabi nya.

“Hindi, wag na tagal nyong di nagkita oh mag-usap muna kayo dyan.” Sabi ko.

“Sige bye. Hoy! Marlon ihatid mo yan sa bahay ah! Babye” sabi ko sabay alis.

Pumunta ako tabi ng ilog at umakyat ako sa puno doon. Wala naman kasing tao dito sa ilog ngayon kaya buti na lang dito ko napunta. Kaya pag ka-akyat ko ng puno di ko na pinigilan ang sakit na gustong gusto ng lumabas kanina pa. Y.Y

Ang sakit! Tanginis lang! di man lang nagbye. Tapos sa dinami dami naman ng tao bakit pinsan ko pa. ha? Ang sakit! Sakit! Huhuhu…

“NAKAKAINIS KA MARLON! *sob LAGI MO NA LANG AKO PINAPAIYAK! *sob” sigaw ko.

“A-akala ko ba bestfriend kita. Ha? Huhuhu TT__TT bakit lagi mo kong sinasaktan” bulong ko sa sarili ko.

“A-ANG MANHID MANHID MO! *sob N-NAKAKAINIS KA!” sigaw ko ulit.

“Hoy, babae bumaba ka nga dyan at baka mahulog ka pa!” sigaw nung lalaki na nasa baba.

“Paki mo ba! Eh gusto ko dito eh. Huhuhu…” sigaw ko din.

Pakilamero! Sino ba ito bakit ang daming epal sa mundo! Nakakainis! Panira ng moment. Grrrrrrrrrrrrr…

“Aba! Hoy bumaba ka nga dyan! Baka malaglag ka pa kargo pa yun ng konsensya ko no?” sabi nung lalaki.

Kaya bumaba ako nakakainis eh. Sino ba to? Nakakainis ganda ng moment ko dito oh.

“Bakit naman kargo ng konsensya mo? Bakit sayo ba itong puno ha??!” sarcastic kong sabi.

“Aba sumasagot ka pa ah! Hoy kung di ka lang babae… hmmmm!!” sabi nya na nakaamba yung kamay nya.

“Bakit sasaktan mo ko?” tanong ko.

“Pasalamat ka hindi ako nananakit ng babae.” Sabi nito.

“Teka, sino ka ba ha? At anong ginagawa mo dito sa tambayan ko?” tahahah tambayan ko. Oo inaangkin ko na ito. Akin na ito simula ngayon. Hehehe :D

“Ako si Marlon Vince Moto. At kelan pa naging sayo itong lugar na ito ha? Sa tagal ko na dito ngayon ko lang narinig na may nagmamay-ari na pala dito. hahaha” sarcastic nitong sabi.

Marlon din pala ang pangalan nya. Nakakainis talaga ang mga Marlon sa mundo. Nakakainis na nga yung kilala ko dadadagdag pa ito. Grrrrr… nakakainis talaga. Sa dami ng pwedeng pangalan bakit yun pa pangalan nito nakakainis! Tsk! Bahala na nga!

“Ngayon lang bakit? May angal?” sabi ko.

“Aba! Pilosopo ka ah. Sino ka ba?” Sabi nito.

“Ako lang naman si Karen dela Pena. Che! Umalis ka na nga! Panira ka ng moment eh.” Sabi ko.

“Moment?” tanong nito.

“Oo nagmomoment ako. Ikaw bakit ka ba nandito?” tanong ko din.

“Nagmomoment din ako. Binasted kasi ako nung nililigawan ko eh. Teka bakit ko ba sinasabi ito sayo. Hay!” sabi nito na may pagkamaungkot na boses.

Kawawa naman pala itong isang ito. Haist! Pareho pala kaming broken hearted. Haist! Buhay nga naman. Buti pa ito marunong manligaw. Yung kakilala ko. Grrrrr… nakakainis. Ang manhid manhid.

“Ikaw bakit ka nagmomoment?” tanong pa nya.

“Ako? Kasi *sob yung bestfriend ko… huaaaa… huaaaa…” umiyak na ko ng tuluyan.

“Hala! Bakit ka umiiyak? Shit! Natataranta pa naman ako pag may nakikita akong umiiyak. Tss Miss, tahan na.” natataranta nyang sabi.

“Huaaaaaaaaaaa… si Marlon kasi eh… huaaaaaaa... aaaaahhh…” sabi ko habang iyak ng iyak.

“Ha? Ako? Hala! W-wag ka na umiyak! Please! Ano ba kasing ginawa ko?” tanong nito.

“Huaaaaa… hindi naman ikaw eh. Si bestfriend *sob sinaktan nya kasi ako dito eh. Huaaaaa… T_T” sabi ko sabay turo sa puso ko habang umiiyak.

“Ano? Sinaktan ka nya? Aba! Gag* yun ah! Kalalaking tao! Hindi dapat sinasaktan ang mga babae. Tsk.” Sabi nya na parang galit na galit.

“Huaaaaaaaaaaaa!!!” sigaw ko habang napaupo na ko sa lupa.

Nagulat ako ng bigla nya kong kayapin. Kaya…

PAK!! (sound effects yan)

O.O    sya yan.

>.<   ako to.

“B-bakit mo ko sinampal?” tanong nung lalaki.

“Eh, bakita ka kasi biglang nangyayakap ha?” sabi ko sabay irap at sabay alis pauwi ng bahay.

Hay! Baliw na ba sya! Di nya ba alam na sexual harassment yung ginagawa nya? Grabe, kung makayakap. Manyakis! Ewww!! FC nya ah. Nakakairita sya! Grrrrr… Anyways nagugutom na ko. Makauwi na nga.

----------------------------------------

(later)

Hahaha… baliw na ko.

Gusto ko na tapusin to.

Para magawa ko na yun isa pang story.

Hehehe…

Ang Paboritong Apo ni LoloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon