Chapter 6

7K 22 2
                                    

Chapter 6

Habang naglalakad lakad kami sa park nakita ko syang tinutulungan ang isang batang babae na nadapa.

“Okay ka lang?” tanong nya doon sa bata.

Grabe, parehas na parehas talaga sila. Parehas silang mahilig sa bata. Hay naku. Kulang na lang talaga isipin ko na si Marlon ang kasama ko. Haist! Bakit ba sya ganyan? Naaalala ko lang ang bestfriend ko eh. Haist!

“Opo.” Sagot naman ng bata at nagtatakbo na ulit.

“Bata wag ka tumakbo baka madapa ka ulit.” Sigaw nito.

Hindi na sumagot yung bata at patuloy lang sa pagtakbo. Dahil medyo pagod na ko kasi kanina pa kami naglalakad lakad, nagpahinga muna kami sa nakita naming upuan sa gilid. Syempre habang nagpapahinga kami nakita ko sya tinitignan nya ang mga bata. Sabay bigla syang napangiti. Haist! Ang weirdo talaga ng isang to.

“Bakit ka nakangiti? May nakakatawa ba?” tanong ko. Curious ako eh. Hahaha…

“Ha? Hehehe… naalala ko lang yung batang nakilala ko. Iyakin kasi yun eh lalo na pag di mo sinasali sa laro. Thahaha…” sabi nya nang natatawa.

“Ahhh…” yun na lang sagot ko.

Grabe lang, ang hilig nya din pala sa bata. Parehas talaga sila. Teka nga. Bakit ko ba sila pinagkukumpara. Hahaha… nababaliw na ata ako. Hay! *sigh

Wala na ulit nagsalita. Nakakainis kasi eh. Nakakailang masaydong tahimik. Haist… babasagin ko na nga ang katahimikan. Nakakailang talaga. Haist.

“Pwede bang magtanong?” sabay kami.

“Hindi una ka na.” sabay ulit kami.

“thahahah…” parehas kaming natawa.

“Ha? Oh, ano ba yun?” sabi ko. Pinauna ko na sya. Thahaha… walang kwenta naman itatanong ko eh. hehehe

“Ano kasi eh… kung okay lang sayo…tatanong ko sana. kung bakit ka umiiyak nung nagkita tayo sa ilog?” tanong nya.

“Ay, sorry sige okay lang kung wag mo na sagutin. Hehehe…”dugtong pa nya ulit kasi hindi ako nakapagsalita. Nabigla ako eh.

“Ha? Yun ba. Kasi ano eh. May bestfriend ako, matagal ko na syang gusto. Pero ang manhid manhid kasi nya. Tapos nakakainis lang kasi simula nung dumating yun pinsan ko di nya na ako pinapansin. Feeling ko nga may gusto sya sa pinsan ko lalo na maganda pa naman yun. Nakakainis lang sya kasi may nakita lang syang iba nakalimutan nya na may bestfriend pala sya.”

“Okay lang naman na gusto nya yung pinsan ko eh kahit pagiging bestfriend na lang ang kaso pati ata pagiging bestfriend ko naagaw na ng pinsan ko. Di naman ako galit sa pinsan ko ang akin lang pansin pa din nya ko tulad ng dati. Ngayon kasi nakakaOP na pagmagkakasama kami sila lang kasi yung nag-uusap para bang ang layo layo na ng bestfriend ko. Parang ang dami ko ng hindi alam sa kanya.”

“Kanina nga narinig ko silang may promise promise eh. Tapos di ko man lang yun alam. Nakakaselos lang kasi dati ako yung laging kasama nya, dati ako ang pinupuntahan nya sa bahay, dati sa akin sya nagpapasama, dati ako unang nakakaalam ng secrets nya pero grabe sa isang iglap lang ang dami ng nangyari. Nakakapagsisilang kasi sobrang mahal na mahal ko yung bestfriend kong yun. Hindi lang bilang isang kaibiban kundi mas higit pa. Kaya napakasakit sa akin na bigla na lang sya mawawala. Huhuhu…”

Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Bigla na lang umagos ang luha ko na ilang araw kong iniiwasang lumabas dahil makikita ako ni Jana ayoko naman maging KJ sa pagiging close nila. Pero ang sakit na kasi eh. Di ko na kaya. Masyado ng mabigat na kulang nalang mamatay na ko sa sakit.

Nagulat ako kasi pinunasan nya yung luha na patuloy pa din sa pag agos. Tapos bigla nya kong niyakap.

“Sige iiyak mo lang yan para gumaan naman kahit papano yang nararamdaman mo. Alam ko yang pakiramdam na yan. Kasi tulad mo nagmahal din ako at nasaktan.” Sabi nya habang yakap nya ko.

Kaya dahil sa mga sinabi nya hindi na ko nagdalawang isip na humagulgol sa harap nya. Wala akong paki kung bang basa na yung damit nya ang akin lang malabas ko ang sama ng loob ko. Ang sakit lang talaga kasi. Ang sakit, SAKIT!

Maya maya pa wala na si Vince sa harap at nakita na lang syang nasa sahig nakahiga at nakahawak sa pisngi nya.

“Vince!!” sigaw ko at tinulungan ko syang tumayo.

“Gag* ka ah. Bakit mo pinapaiyak si Karen ha?!” galit na galit na sabi ni Marlon habang pinipigilan sya ni Jana.

“Hoy, pare sino ka ba ha?” tanong naman nitong si Vince at sinuntok din nya si Marlon.

“PWEDE BA TUMIGIL NA KAYO!” sigaw ko sa dalawa habang hinawakan ko si Vince sa kamay at hinila papalayo.

“Karen, teka lang” sabi ni Marlon habang hawak ang kamay ko.

“Ano?!!” tanong ko.

“Bakit ka sasama sa kanya? Pinaiyak ka na nya ah.” tanong nya.

“Ano naman sayo? Ngayon concern ka?” naiinis kong tanong at tinanggal ko ang pagkahigit nya sa kamay ko.

“Oo naman. Bigla ka na lang nawala kanina. Tapos nakita ka naming umiiyak.” Sabi nya.

“Hahaha… wow! Ang galing naman. Bakit ano ba kita para maging concern ka?” sabi ko.

“Bestfriend.” Sabi nya.

“Bestfriend?? Talaga natatawag mo pa ako ng ganyan. Wow! Ang lakas mo din noh. Di ko na nga alam kung totoo pa yang sinasabi mo! Di na kita kilala. Di na kita maunawaan. Hindi ka na nga rin nagkukwento sa akin sabay bestfriend? Wow talaga! Di mo nga rin alam ang nangyayari sa akin di ba? Yun ba ang bestfriend ha?” Sarcastic kong sabi, irap at umalis na ko kasama si Vince.

“Isa pa pala pagmagkakasama tayo kulang na lang maging anino nyo kong dalawa ng pinsan ko! Bakit kinakausap mo pa din ba ako? Ha? Di ba hindi na? Tapos ngayon tatawagin mo mo kong bestfriend! Wow talaga! Magsama kayo ng pinsan ko!” sabay alis na.

“Karen.” sabi nya sabay hinila nya ko.

“Bakit ba?” sabi ko sabay tinanggal ko ulit yung kamay ko ngunit hinila nya lang ako hanggang makalayo kami sa dalawa.

Nang makarating na kami sa dulo ng park kung saan wala ng tao. Tyaka nya ko binitawan at humarap sa akin.

“Karen…” seryosong sabi nya.

Dug. Dug. Dug.

Bakit ba kada babanggitin nya ang pangalan ko nanghihina ako? Bakit ba kada makikita ko syang ngumiti nawawala ang galit ko? Bakit kahit gaano pa nya ko saktan di ko magawang magalit sa kanya? Bakit ba sobrang mahal ko itong lalaking ito?

Hindi na ko nagsalita hinintay ko lang sya magsalita habang sya nakatingin sa mata ko.

“Karen, sorry kung nung mga nakaraang araw di kita napapansin. Sorry kung hindi na ko nakakapagshare sayo. Sorry kung bigla kong sinuntok yung kasama mo. Sorry kung hindi ako sayo nagpasama kanina. Basta sorry sa lahat.” Sabi nya.

“Yun lang? Sige aalis na ko.” sabi ko.

Grabe, magsosorry lang sya di man lang sya magpapaliwanag. Tsk! Nakakainis talaga. Pero mas nakakainis ako kasi hindi ko magawang magalit sa kanya. Hmpt!

“Please wag ka muna umalis. Karen sorry na wag ka na magalit. Hindi ko na alam ang gagawin ko pag wala na ang bestfriend ko. Ano kasi eh… may hiningi kasi akong favor kay Jana. Kaya sya lagi ang kasama ko.” Sabi nya.

Favor? Ano naman kaya yun?

---------------------------

(later)

Hahaha… sarap talaga mambitin ng kwento.

Thahaha… :D

Abangan ang Next chapter…

Thanks pala sa mga reader. hehehe

Ang Paboritong Apo ni LoloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon