Chapter 3
“Marlon…” sabi ko habang nagtatampisaw kami sa ilog.
“Bakit?” tanong naman nya.
“Ahm… ano… ahhh… m-may sasabihin sana ako sayo eh.”
“Ano yun?”
“Ahm… ano kasi eh… ahm… pano ko ba sasabihin… hmmm…”
“Bakit? Ano ba yun?”
“M-ma…”
“Ma?”
“M-maha…”
“Maha? Yung merienda ba ng nanay mo? Paborito ko nga yun eh. Hehehe.”
“Ahh… hehe… o-oo nga eh. M-masarap yun. K-kaya u-uwi na ko, baka u-ubusan pa ako ni Kuya eh. Sige bye.” sabi ko sabay takbo papaalis.
Tanga! tanga! tanga! Ano bang iniisip ko? Bakit ko ba nasabi yun? Grrrrrrrrrrr… Haist! Nakakahiya! Buti na lang di sya nakahalata. Hay! Di bale na nga lang mas okay na ko sa ganito. Baka kasi pag-umamin ako sa kanya tapos hindi nya naman pala ako gusto, lalayuan nya lang ako. Hay.
Pagdating ko ng bahay.
“Oh anak, nanjan ka na pala? Bakit basa ka?” tanong ni mama.
“Nagkayayaan po kasi kami ni Marlon sa ilog eh.” Paliwanag ko naman.
“Ahhh… oo nga pala bago ko makalimutan dadating na dito bukas ang Tita Julie mo ha.” Sabi ni mama.
“Talaga po? Ahhhhh! Excited na ko! Sige ma magliligo lang ako.” Sabi ko sabay akyat sa taas.
Pagkatapos ko maligo at kumain ng dinner. Umakyat na ako sa taas.
Hay! Ano bang iniisip ko kanina at nasabi ko yun? Hay! Pero… ano kayang reaksyon nya kung sabihin ko talaga yun? Mahal din kaya nya ko? Kaso kung hindi mangyari yun. Baka layuan nya lang ako. Hay!
Hanggang sa di ko namalayang nakatulog na pala ako. Maaga akong magising kasi susunduin namin sila tita sa bayan dun kasi yung babaan ng bus. Hay! Excited na ko makita ang pinsan kong si Jana.
Oo, Jana ang name nya. Actually, kababata namin sya ni Marlon. Kaso kailangan nila pumunta ng Manila kasi doon nagtratrabaho si tito. Hay! Sobra lang nakakamiss yung mga bonding namin noon. Kamusta na kaya sya? Makulit pa din kaya sya tulad ng dati? Hay, lalo akong naexcite na makita sya.
Pagdating namin ng bayad sa istasyon ng bus nakita agad namin sila at nagmano na lang ako kila tito at tita at nung magkita kami ni Jana…
“Jana?” tanong ko.
Tumango lang sya. Kaya di ko na pinigilan ang sarili ko at agad agad ko syang niyakap at ganun din naman sya.
“Grabe, Jana! Ang ganda ganda mo? Kamusta ka na? Madami ka bang kaibigan doon? May boyfriend ka nab a? Musta yung school mo doon? Ahhhh… dami ko gusto itanong.”
“Karen, hinay hinay lang halatang di mo namiss yang pinsan mo ah.” Sabi ni mama.
“Ma!” sabi ko sabay nagpout ako. Syempre nagtawanan naman kami. Hahaha… miss ko lang talaga tong pinsan ko. Hehehe…
“Sa bahay na kayo magkwentuhan ni Jana at pagod yan sa byahe.” Sabi naman ni papa.
“Opo” masigla kong sabi.
Kaya pagdating namin sa bahay pinakain muna namin sila sabay pinagpahinga. Mga tanghali na nag magising si Jana kaya nagkwentuhan lang kami, nagkamustahan, nag-asaran gaya noon at nagluto ng merienda. Mga hapon na din ng matapos kaming magkwentuhan. Kaya…
“Jana, may papakilala ako sayo bukas ha.” Nakangiti kong sabi.
“Sino?” tanong naman nya.
“Basta.” Nakangiti ko pa din na sabi sa kanya.
Kaya tumulong na kami ngayon sa paghanda ng hapunan at kumain na din kami. Hay! Tami nga pala kami ni Jana mamaya. Hahaha… excited na ko. Hehehe… Sana magbukas na hindi na ko makapaghintay. Pag-akyat namin sa kwarto nag chikahan lang ulit kami.
“Ikaw Karen, kamusta ka dito? May boyfriend ka na noh?” pang-aasar nya. Thahaha…
“W-wala ah.” Pagtanggi ko.
“Wala daw. Eh halata naman dyan sa mukha mo na inlabadabado ka. Thahahha” sabi nya.
“A-ako i-inlove? Hahaha… nagpapatawa ka ba? Kanino naman? hahaha” hahaha… galing ko magkunwari thahaha… ayoko nga sabihin mamaya asarin pa ako noon eh. at mamaya sumbong pa ako kay mama. Hehehe
“Oo kaya. It is written all over your face. Hahaha… magdedeny ka pa? ha?” pagpilit nya.
“Oo na ako na inlove pero di ko sya boyfriend. Ui, wag ka maingay kila mama ha papagalitan ako noon eh. Hehehe… sa ating dalawa lang to ah. Hehehe… ang saya ko talaga…” sabi ko.
“Sure ako pa. hehehe… malakasa ka sa akin eh. Thahahaah… bakit ba parang ang saya saya mo ata?” tanong nya.
“Kasi ngayon meron na akong pagsasabihan ng mga secrets ko hindi lang yung diary ko. hehehe...”
“Hahaha… nakakatuwa ka talaga. Teke kanino ka naman inlove? Ayiieeee… si insan…” pag-aasar nya.
“Hehehe… wag ka nga. Nakakahiya.” Sabi ko.
“Ito naman nahiya pa. Dali na.” pilit nya.
“Sa bestfriend ko…” nakayuko kong sabi nahihiya talaga ako. >///<
“TALAGA??” malakas na sabi nya.
“oo” nakayuko pa din ako.
“Hala, mahirap yan insan. Hehehe… gusto mo tulungan kita?” tanong nya.
“T-tulungan mo ko?” tanong ko.
“Oo naman. Hehehe…” sabi nya.
Kaya wala na ko nagawa. Grabe lang! ang saya saya ko! Sana nga matulungan nya ko. Hehehe… :D Bukas ipapakilala ko na sya.
---------------------------------------------
(later)
Hahaha… tagal ko magsulat ng kwento.
Dami pa kasi achuchu sa buhay eh.
Sensya ito inuna ko ginawa.
Dapat kasi naun yung STOLEN eh. Hehehe
Pero ito na naisipan kong simulan. Hay.
Peace po tayo :D
BINABASA MO ANG
Ang Paboritong Apo ni Lolo
Teen Fictionang kwentong ito ay base sa aking makulit at paligoy ligoy na imahinasyon. maaari din ito ay galing sa aking pagkabored at walang magawa sa buhay. hahaha... sana maenjoy nyo ito :D