🌙 ¦¦ “Staying is always a choice. Please, stay.”
The Beginning || Cryptic
“So where should we start, Selene?” He gave me a conceited grin as he spoke.
Naramdaman kong tumibok nang mabilis ang puso ko. Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya. Bakit sya ang kapartner ko? At bakit ba ang lakas ng dating nya ngayong araw?
“Kahit saan,” Nahihiya kong sambit habang nakatingin sa pilyo niyang mukha. “Ikaw bahala,”
Nagsimula syang maglakad palapit sa'kin. Naiilang na ko sa paraan ng pagtitig n'ya. Para n'ya 'kong tinutunaw sa tingin. Lalo akong nahihiya.
Selene, kailan ka pa tinubuan ng hiya?
“Selene, p'wede ba kitang halikan?” tanong nya nang tuluyan s'yang makalapit sa harapan ko.
“Ha?” 'di makapaniwalang tanong ko.
Mahina siyang tumawa bago nya inilapat ang mga kamay nya sa bewang ko.
Pakiramdam ko parang biglang huminto sa pagtibok ang puso ko dahil sa tawa na narinig ko sa kaniya, pati na rin sa kamay n'yang humahapit sa'kin ngayon. Ang galing, para niya akong dinadala sa langit sa simpleng pag tawa at paglapit niya sa'kin. Normal pa ba 'to?
“Selene”
“Y-yes?” utal at kabado kong sagot.
“SELENE! WALANG JOWA”
What the—
Otomatiko akong napapunas sa gilid ng labi. Napatampal ako sa sarili ko nang mapagtanto kong panaginip lang pala ang lahat.
Assumera ng taon, goes to Selene talaga ang peg.
Napahawak ako sa dibdib ko dahil ang lakas parin ng pagpintig ng puso ko dahil doon.
“Hinihintay ka na ni chicboi sa labas,” Tinuro ni Cy ang labas gamit ang nguso niya, “Kanina pa kita ginigising. Nanaginip ka nanaman bang may jowa ka?”
Umirap ako at nagmadaling inayos ang gamit ko sa desk at isa-isang nilagay sa bag ko, “Ano namang masama? Kung hindi kalang umepal maghahalikan na sana kami,”
Tumawa siya saka tumayo sa inuupuan at inayos ang bag sa likuran niya. Dalawa nalang pala kami sa loob ng classroom. “Selene, wala namang masama. Di rin kita pinipigilan, buti nga sa panaginip nagkakajowa ka eh” Tumawa siyang muli at wala akong nagawa kundi irapan lamang siya.
“Porket may jowa, tss.” Saad ko saka sumabay sa kaniya palabas ng room.
Bumungad sa akin ang lalaking nakasandal sa poste sa tapat ng room namin na halatang inip na inip na.
“Ano bang ginawa mo, Sele?” Saad niya at halatang inis na inis siya sakin. Magkasalubong na ang dalawang makakapal n'yang kilay.
“Anong ginawa na naman ba?!” Iritableng saad ko rin saka binitbit ang mga libro ko. Aba, kung galit siya dapat mas galit ako. Isama pa mo pa 'tong mga librong gusto kong ihampas sa mukha niya dahil na rin sa bigat. Kung hindi lang ako running for latin honor hindi ko na 'to sisikaping dalhin. Ang bigat-bigat!
“Ang tagal mo,” Aniya saka tumingin sa cellphone niya at inilagay ang isang kamay niya sa bulsa. “Kanina pa ko naghihintay,”
“Kala ko naman may nagawa nanaman ako” Medyo nabunutan ako ng tinik doon. Madalas kasi kapag may sasabihin siya natural na kinakabahan na'ko. Masyado kasi siyang observer. Halos lahat ng mali ko napapansin niya maski yung maliliit na bagay, dati siguro siyang telescope sa past life.
Tapos lagi pa s'yang nakasimangot. Bihirang-bihira lang makita na nakangiti s'ya. Ngumingisi lang ata s'ya pandagdag sa pang-aasar n'ya.
Wala sa sariling napatingin na pala ako sa labi n'ya. Naalala ko bigla yung panaginip ko. Nakakahiya! Bakit sa dami ng lalaki ay sya pa ang nasa panaginip ko?
At anong tanong nya? ‘Pwede ba kitang halikan?'
Napalunok tuloy ako bigla.
“Ano? Bakit ganyan ka makatingin? Takot ka naman sa'kin?” aniya saka umiling, “Hindi ako makapang chix sa'yo,” biglang sabi nya saka nauna sa paglalakad.
“Pwede bang 'wag mo nalang akong sunduin? Hindi ka naman required na magpaka tatay sa akin” Saad ko saka nilipat ang hawak kong libro sa kabilang braso.
Napasimangot ako, ako na lang lagi ang sinisisi nya kapag hindi sya makapanglandi ng babae. Wala naman akong ginagawa, “Saka pakialam ko ba sa mga chix mong panget?”
Lumingon siya sakin saka tumingin sa librong hawak ko. Pero hindi parin siya nag offer na hawakan. Napakatamad talaga.
“Nagseselos ka ba Selene?” seryosong tanong niya.
“A-ano?!” please Selene, don't be so defensive.
“Biro lang” aniya saka tumawa at nagpatuloy ulit sa paglalakad. Ipinatanong nya ng magkasalikop ang mga kamay nya sa ulo nya, “Nakakasawa mag-aral. Mas gusto ko pa mang chix.”
May naalala tuloy ako bigla.
“Rage, napaka secretive mo talaga kahit kailan. Nakita kong running ka rin for latin honor pero hindi mo man lang ako sinabihan,”
Huminto siya sandali saka nagpatuloy sa paglakad. Seryoso na naman ang mukha nya. Wala nanaman siya sa mood. Moody talaga kahit kailan. Sa 5 years naming magkaibigan, alam na alam ko na agad ang mood niya kahit na nakatalikod siya o nakapikit ako. Ganon ko na siya kakilala. Pero may mga bagay parin akong hindi nalalaman sa kaniya. Masyado kasing pamysterious.
Habang naglalakad hindi niya ako kinakausap, sanay na rin naman na ako dahil sa mga taon na magkasama kami ganon din naman lagi ang eksena. Pero wala naman akong reklamo.
“Sele, bukas ipapakilala kita sa mga kaibigan ko.” Aniya nang huminto sa harapan ng bahay namin.
“Kaibigan? Sino?” Tanong ko saka hinanap ang susi sa bag ko.
“Huwag ka na magtanong. Basta pumunta ka nalang. Ayusin mo damit mo” Saad niya. Lakas pa mang utos akala mo master.
“Oo na, oo na. Ano bang problema mo sa mga damit ko?” Binuksan ko ang gate saka tumingin sa kaniya.
“Panget taste mo.” walang pag-aalinlangan nyang sabi, hindi man lang naisip na baka ma-offend ako, “Papahiramin kita ng damit ni Lucy,” aniya pa.
Si Lucy ang nakababatang kapatid ni Rage.
“Fine. May sasabihin ka pa ba?” Tanong ko na lang saka pumasok sa gate namin.
“Wala. Ge, bye” Aniya saka tumalikod at umalis na.
Umiling nalang ako saka pumasok sa bahay. Kahit kailan talaga magulo ang lalaking 'yon.
Rage, ang lalaking matagal ko nang kakilala pero punong-puno parin ng sikreto sa sarili. Medyo singkit, at yung mata parang laging punong-puno ng misteryo. When he stares at you, he's like hypnotizing your eyes as well as your brain. His smile, his lips na kapag may trip siyang gawin ay automatic na lang na kumukurba sa kapilyuhan. Nakamamanghang tao, hindi mo makikitaan nang kaunting katamaran sa first impression.
But above all, siya yung pinaka idolo ko sa lahat. Magkaibang magkaiba man kami ng pagkatao. Ako kasi sobrang daldal at sobrang friendly, siya naman napaka iksi kung sumagot, mapang asar kung minsan at madalas na tahimik.
Pero.. hindi naman importante yung mga differences na 'yon between us. I don't wish for us to think and act correspondingly. There's only one thing I want, for him to stay.
YOU ARE READING
Stay (SWF#1)
General FictionSelene doesn't know what love really is until she finally got glimpse of hints inside her heart, the burning feelings and the horns of pain. Slowly, she's unravelling her feelings towards a guy named Rage, but fate doesn't want easy love stories. Wh...