S T A Y
⚠ Mispellings and Grammatical errors ahead
“Never assume things, unless told”
Chapter 1 || Misunderstanding
“Ano nanaman ba 'to?” I pouted my lips as I began to look at the box.
“Damit. Magagandang damit.” pagdidiin nya pa. Kaya napairap na lang ako. Para bang sinasabi niya na yung mga damit ko hindi magaganda. Kahit kailan mapanlait talaga.
“Bagay sa'yo yan.” dagdag pa niya.
Seryoso lang s'yang nakatingin sa'kin. Tiningnan ko lang rin sya nang may halong pagtataka.
“What?” aniya na para bang hindi niya alam kung anong nais kong iparating. Akala ko ba matalino 'tong mokong na 'to?
“Are you serious? Nanghiram ka pa talaga kay Lucy? My clothes are fine,” I defended. Ofcourse i'll defend my clothes! Those clothes symbolizes my personality.
Tumayo ako sa kama saka pumunta sa closet.
Nakita ko sa gilid ng mga mata kong nag cross arm sya habang pinapanood ako,“Let me see your clothes, then.” aniya na para bang nanghahamon. Boses palang alam na alam ko na ang itsura niya kahit nakatalikod ako. Taas noo, palaging tama ang nasa isipan. Tss.
Lalo tuloy akong kinabahan. Siguradong mapapahiya ako. He can turn the table. Alam kong ipaglalaban niya ang side niya, at hindi sya magpapatalo. He never like to lose.
“Here,” I said, presenting my pink dress na galing pa sa tita ko sa ibang bansa.
Umiling lang siya kaya sumimangot ako at kumuha ng blue jeans at white shirt, “How about this? Simple lang. Sabi nga nila, less is more—”
“Your taste.” he stared directly at my eyes, “It is seriously not good. Babae ka ba talaga?” Aniya saka tumayo nang tuwid saka binuksan ang box na puno ng mga magagandang damit.
Inabala nya ang sarili nya sa paghahalungkat,“Panget rin ng taste ni Lucy, kaya ako madalas ang pumipili ng damit niya.” maya-maya ay saad nya.
“Barbie,” pang-aasar ko pa kaya napatingin siya sa gawi ko.
“Gawin kitang barbie?” Aniya saka kumuha ng isang long sleeve dress na denim.
Ang ganda—
He presented it to my face. Parang gusto niya talagang ipamukha na maganda ang napili niya kumpara sa mga mayroon ako sa closet ko. I can't deny anymore, maganda talaga ang mga 'yon, except sa nababawasan ang value nito sa paningin ko't lalo na kung si Rage ang may hawak, kayabangan niya lang kasi ang nagdadala palagi.
“Be my barbie so I can undress you anywhere,” aniya saka nakakalokong ngumisi.
“Baboy mo, dugyot!” saad ko saka hinablot ang dress sa kamay niya. “Fine, ito na ang isusuot ko. May hiling ka pa ba? Saka ano bang pupuntahan natin? Party ba yan?”
He nodded his head. “Sort of.” tiningnan nya ang bandang leeg ko, “Wear the necklace I bought on your last birthday,” Aniya.
“Oo na, pasikat sa party. May birthday-han ba?”
He shrugs, “Just stay quite when you're there. Don't go anywhere. Hindi mo sila makakasabayan kaya maupo kalang sa gilid at hintayin mong matapos ang party,” umupo siya sa kama ko saka kinuha ang cellphone niya sa bulsa.
“Kung ganon, bakit pa ako sasama kung uupo lang ako? Guard ba ako? Ang ganda ko namang guard kung ganon,”
Hindi na sya nagsalita. He just shook his head as disapproval to my words kaya wala na akong nagawa kundi magpalit na lang kesa kumausap nanaman ng pader.
YOU ARE READING
Stay (SWF#1)
General FictionSelene doesn't know what love really is until she finally got glimpse of hints inside her heart, the burning feelings and the horns of pain. Slowly, she's unravelling her feelings towards a guy named Rage, but fate doesn't want easy love stories. Wh...