Chapter 3

7 0 0
                                    

S T A Y (CHAPTER 3)

⚠ Mispellings and Grammatical errors ahead
⚠ Photo (To be changed)

🌙¦¦“Sometimes, we wish a dream become a reality, and a reality to be just a dream to be forgotten,”

Chapter 3 ¦ A figment

Pagpasok ko sa amin naabutan ko si Ate Quel at si Kuya Kiel na nag-aaway. 

“Pumunta lang ako dito, mahal parin kita kaagad? Hindi ba pwedeng dadalawin ko si Selene?” Sagot ni Ate Quel habang nakapamewang pa. 

“Umamin ka na lang, alam mo kasing nandito ako kaya ka nandito, ginagamit mo pa si Selene para magkita ulit tayo,” Sagot naman ni Kuya habang nakakunot ang noo. 

“Ang yabang mo. Bakit ko naman gugustuhing makita yung ex kong kulugo?!” sigaw ni ate Quel saka umirap pa. 

“Aba—”

“Hephep!” sabat ko saka itinaas ang isa kong kamay. “Hooray”

“My princess” Pagbati ni Ate Quel nang makita ako at nabura ang gusot sa mukha. Napailing nalang si kuya saka pumunta sa kusina. “Narito lang ako para dumalaw sayo”

Napailing nalang din ako kasi hindi ko alam kung ako nga ba talaga ang pinunta niya o si Kuya?

“Salamat Ate, kumain ka na ba? Sumabay ka na sa amin”

Agad naman siyang umiling, “Nabalitaan ko kasing ball niyo. Kaya gusto ko sanang pumunta ka sa mall bukas ng hapon. Pumunta ka sa boutique ko, i'll choose you a dress for free” 

Napalingon sa amin si kuya, halatang guilty sa pang-aaway kay ate at halatang nakokonsensya. Nakonsensya din tuloy ako. 

Agad akong nagpasalamat sa kaniya. Bago siya umalis nakipagkwentuhan muna siya sakin. 

KINABUKASAN. Hinintay ko maghapon, mabuti nalang at tanghali na ako nagising at naging mabilis nalang ang pagpatak ng alas singko. Vacant Day nanaman. Kaya free kaming lahat na maghanap ng susuotin sa ball. Bumyahe na ako papunta sa mall para makapamili ng susuotin sa boutique ni ate quel. 

Nang makarating ako don, sinalubong ako ng staff ni ate at binilin na mamili lang ng gusto ko dahil may emergency daw sa kanila. Napasimangot tuloy ako dahil wala naman akong taste sa mga ganitong bagay, tama nga si Rage. 

Dapat ba niyaya ko syang sumama?

Hays. Wala tuloy akong choice kundi libutin ang boutique at maningin ng damit na isosoot.

“Selene” 

At kung mamalasin ka nga naman. Makikita mo pa talaga ang taong hindi mo gugustuhing makasalamuha. 

“Lexus” 

Kasama ang girlfriend niyang nakataas agad ang kilay sa akin, “Kamusta na? Wala ka atang kasama mamili ng gown? Wala ka bang partner?” pang-aasar pa niya. Talagang kumapit pa sa bewang ng babae nya.

Agad akong ngumiti, “Hindi naman ako baldado para alalayan lagi. At isa pa, kaya ko naman ang sarili ko.” Lumingon pa ako sa babae na halatang nagulat sa sagot ko, “My boyfriend let me choose whatever I want to. And besides, I want to surprise him,”

Napairap ako nang patago habang nakikita ang reaksyon nila

“Or sadyang wala kalang talagang boyfriend? Pihikan ka sa lalaki hindi ba?” panghahamon nya pa.

Ngumisi ako, “Hindi lang kita pinili, pihikan na? Hindi ba pwedeng hindi lang kita type?” 

Nalaglag ang panga niya sa sinabi ko, maya maya ay tumunog ang cellphone ko. Si Rage. Right timing! “Oh, he's calling. Excuse us?” 

Stay (SWF#1)Where stories live. Discover now