Chapter 8 || Unforgettable
Though, the party is still ongoing, maingay ang paligid at puno ng tugtugan. Pero wala ni isang nagsasalita sa amin sa table, natahimik ang lahat pagkatapos ng tanong ni Zake. It is like an angel crosses between us.
“Partner, ang isa sa gustong gusto ng mga estudyante ay ang sayawan.” salita ng host.
Lahat kami ay napaiwas ng tingin sa isa't isa saka nagsimulang makinig sa bagong announcement.
“Tama ka dyan, partner. Nung nasa ganyang edad ako, sayaw din ang isa sa pinakahihintay ko. Lalo na kapag isasayaw ka ng taong gusto mo,” saad ng babaeng host na animo'y kinikilig pa.
“I am excited!” Charmy said with excitement.
“Akala mo naman may sasayaw sa'yo,” pang-aasar pa sa kaniya ni Kent kaya't agad siyang sinamaan ng tingin.
“I am not talking to you, Kent.” Pagsusungit niya pa.
Nagshrug si Kent, “Ako nga di rin ikaw kausap ko pero sinabi ko ba?”
Umirap lang si Charmy kay Kent at nagpalinga-linga, “Sana isayaw ako ni Nic—”
“Bakit di sya kinuha mong partner?” putol ni Kent sa sasabihin nya at nagsimula na naman silang magtalong dalawa. “Hakdog,” huling sabi ni Kent na narinig ko bago maagaw ni Kria at Zach ang atensyon ko.
“Hoy isayaw mo ako, ah?” sabi ni Kria kay Zach kaya't umiling nalang ito sa kaniya.
“Kay jungkook ka pasayaw,” panunukso pa ni Zach.
“Kung nandito lang siya. Bakit hindi? Kesa nagtitiis ako sa pagmumukha at kayabangan mo,” ganti naman ni Kria.
Nagkatinginan naman sila Hades at Ahn na para bang may plano na sila.
“5 minutes and we will officially open the dance floor, get ready everyone.” anunsyo nilang dalawa saka nag usap usap ang ilang estudyante.
Some of them are getting ready para sa mga nais nilang isayaw. I can see their excitement. Ako rin, excited na. Excited na akong umuwi.
I guess may malakas lang talaga ang nantrip kanina sa akin para umamin sa kagaya ko. Really? Dapat hindi ginagawang biro ang ganong bagay.
Pero what if si Zake nga 'yon? Hindi niya naman sinabi directly but his words leads into something else— but, is that even possible? Hindi naman kami gaanong nag uusap or nagkakasama.
“Selene, tara na sa dancefloor,” pag-anyaya nila Ahn sa'kin.
“Kayo nalang siguro,” sagot ko.
Charmy pouted her lips, “Let's go na, Selene! Masayang sumayaw, tara!”
Hinatak naman ni Kria ang wrist ko kaya wala akong ibang nagawa kundi sumama nalang din sa kanila.
Dinala nila ako sa gitna saka sila sumayaw. Tinatawanan ko lang sila nung una, pero wala namang masamang mag enjoy, diba? Kesa puro si Rage ang iniisip ko, might as well ienjoy ko na lang ang party.
Raine also joined us. Though, it's awkward but she made me feel like there's nothing to worry about. She gave me this expression na para bang sinasabi niyang wala akong dapat ipag-alala. Or, ako lang talaga ang nag iisip na masikip ang mundo para sa aming dalawa?
We dance like crazy people. But who cares? Kapag naging masaya ka ng ilang oras, sulitin mo na. Take the moment "as if it's your last", sabi nga sa kanta ng blackpink.
Para bang walang ibang tao sa paligid kung hindi kami lang. We are all laughing. Tuwing natatapakan namin ang gown ng isa't isa hindi namin mapigilang tumawa.
YOU ARE READING
Stay (SWF#1)
General FictionSelene doesn't know what love really is until she finally got glimpse of hints inside her heart, the burning feelings and the horns of pain. Slowly, she's unravelling her feelings towards a guy named Rage, but fate doesn't want easy love stories. Wh...