Chapter 9 || Unexpected
Ilang araw na rin ang lumipas simula nung ball at kung anumang nangyari ng gabi na 'yon. Mabuti nalang talaga at binigyan kami ng 1 week na pahinga after ng ball para makapag handa sa darating na examination.
Napabuntong hininga ako habang nakatingin sa harapan ng laptop ko. Kanina ko pa hindi matapos-tapos ang kaisa-isang requirement na dapat kong maipasa sa school. Hindi ako makapagfocus.
Nitong mga nakaraang araw pa ako lutang dahil sa nangyari nung gabi ng ball. Sariwang sariwa pa sa isipan ko ang kahihiyan na ginawa ko sa harapan ni Rage.
I kissed him!
Wala sa sariling napahawak ako sa labi ko. Nag-init ang pisngi ko nang maalala ko na naman ang nangyari. I saw his eyes nung dumilat ako. Ang ganda pala ng mga mata niya sa malapitan, it's full something I couldn't fathom of, ang alam ko lang parang laging nangungusap ang mata nya. Gusto ko pa sanang titigan pero mas nangingibabaw sa'kin ang takot at kahihiyan.
Mariin akong napapikit habang inaalala ang gabi na yon. Raine saw it. Kitang kita kong nagulat siya sa nakita niya. I didn't see any reaction from Rage matapos kong humiwalay sa kanya, kung meron man ay hindi ko na nakita dahil nahihiya na rin akong tignan siya nung gabi na yon. Alam kong hindi niya inaasahan ang ginawa ko.
Fuck you self for always putting yourself in a tight situation!
Naiinis ako sa sarili ko. Kung hindi ba naman ako tanga. Bakit sa dami ng gagawin ng gabing yon ay yun pa talaga ang nagawa ko?
So that's the feeling of—
Well, it's not my first kiss. But it feels so new. Para bang bago sa pakiramdam ko nung mahalikan ko siya. Sa kaniya lang ako nakaramdam ng ganon. Napasapo ako sa dibdib ko. Naramdaman ko ang matinding kaba sa loob-loob ko. Ano kayang naramdaman niya? Galit kaya siya sa'kin? Nagtatampo? Naiinis? Naiilang?
Paniguradong galit siya dahil nasira ko ang diskarte niya kay Raine. Hindi ko tuloy mapigilang mainis sa sarili ko. Nakakainggit si Raine. Sana all.
I know that at some point, mangyayari talaga tong bagay na to. Pero hindi pa ako handa. Hindi pa ako nakaka receive ng anumang text galing kay Rage. Is he avoiding me? Mahaba haba bang paliwanag ang ginawa niya kay Raine?
Nung gabing yon, wala akong alam sa nangyari dahil umalis ako dala na rin ng kahihiyan ko sa sarili ko. Nakakahiya pa ngang sumakay ng taxi habang bitbit mo ang gown mo tapos hiyang hiya ka pa. I won't forget that night.
Naka received din ako ng texts galing kay Zake. Nagsinungaling pa ako sa kaniya at sinabing sumama bigla ang pakiramdam ko at ayaw ko siyang maistorbo kaya't umuwi na ako mag isa.
Sa tatlong araw na lumipas pagkatapos ng gabi na yon, he's there to talk to me. Kinakausap niya ako at mas lalo kong nakilala si Zake.
I am almost distracted. Almost.
Nag-inat ako ng kamay saka tinignan ang oras sa cellphone ko. Ilang minuto nalang pala at magkikita kita na kami sa bahay nila Macey dahil gusto daw nilang makipag kwentuhan. Mabuti nalang at sinabi agad nilang hindi makakapunta si Raine. God knows how much I tried to avoid her. Pinopokus ko na nga lang ang sarili ko sa paggawa ng requirements na hanggang ngayon ay hindi ko parin natatapos.
Nag-ayos na ako ng sarili saka naglakad papunta kila Macey. Nag suot lang ako ng simpleng damit dahil sa loob lang naman kami ng bahay nila magkikita kita. Napahinto ako nang mapadaan ako sa bagong store papunta kila Macey kaya't napag pasyahan ko munang bumili ng Icecream.
“Pabili po,” saad ko. Nakita ko ang isang lalaking nakatutok sa cellphone niya habang nakakunot ang noo, “Pabili—”
“Sandali in game,” aniya na hindi parin inaalis ang atensyon niya sa cellphone niya.
YOU ARE READING
Stay (SWF#1)
General FictionSelene doesn't know what love really is until she finally got glimpse of hints inside her heart, the burning feelings and the horns of pain. Slowly, she's unravelling her feelings towards a guy named Rage, but fate doesn't want easy love stories. Wh...