Chapter 6

8 0 0
                                    

S T A Y (CHAPTER 6)

⚠ Mispellings and Grammatical Errors ahead

🌙 ¦¦ “It is okay to love foolishly than not to be able to love at all,”

Chapter 6 || Realizations

Napaisip ako. Totoo nga ang sabi nila, na kapag tumatanda ka na nag lelevel up na rin ang mga bagay sa mundo. Isa na doon ang paraan ng pag-iisip mo at pag intindi sa mga bagay-bagay. 

Hindi ko napansin, napakabilis nga pala ng panahon. Parang dati lang, nag aasaran lang kami ni Rage. Parang dati lang nagtatawanan kami at nag uusap sa mga mabababaw na bagay. Hindi ko namalayang unti-unti na kaming nag babago. 

We grew up so fast. Too quick to even realize.

Hindi ko namalayang marami na palang nagbago sa pagitan namin. Although we still think differently, but our the way we decided things have became more mature. Hindi ko rin namalayan, na dapat ko na rin palang baguhin ang paraan ng pag-iisip ko. 

His words, hindi ko alam kung siya parin ba yung Rage na nakilala ko dati, nakasama at nakasalamuha ko sa lahat ng kalokohan. I don't know how to react whenever he's here. When he's saying something— 

Hindi ko na alam. Gulong gulo na ang utak ko. Dati rin naman ganito kami sa isa't isa, but I think something's different now. Something must have changed. I can't point it out. But I am sure there is something behind his mystery stares, behind his cryptic smile, behind his unexplainable words. 

Rage, hindi ko na alam kung anong iisipin ko sa'yo. Lately, pinuno mo ang utak ko ng mga bagay na ginagawa mo. 

Napasubsob ako sa table dito sa garden. Nakaupo ako dito habang vacant hour. Kailangan kong mag-isip nang mabuti. Kailangan kong linawin ang lahat. Kahapon, nasagot ko na ang isa sa tanong na gumugulo sa isipin ko. 

Punyeta, nahuhulog na ako. 

Napasapo ako sa puso ko. Hangal ka, puso. Hindi mo man lang inisip na masasaktan tayo pareho. Hindi mo man lang pinigilan ang pagtibok mo ng mabilis. Parang tambol, parang magkakarerahan.Hangal kang puso ka, sa dinami dami ng pipiliin mo yung demonyong Rage pa talaga. Kapag hindi ka sinalo, saan na tayo nito pupulutin?

Napabuntong hininga ako saka tumingin sa kawalan, this is too much. Mahuhulog palang naman ako, unti-unti. Sigurado akong kapag iniwasan ko siya. Mawawala rin 'to. Titigil din 'to. 

Napatitig ako saka inisip ang mga bagay na gumugulo sa isipan ko nang biglang may pumitik sa noo ko. 

“Aray,” napahawak ako sa noo ko saka iritableng tumingin sa lalaking nakatayo sa harapan ko. “Zake?” takang takang tanong ko. Kumurap pa ako ng ilang saglit saka tumingin sa paligid bago ibalik ang paningin ko sa kaniya. 

Si Zake nga, akala ko pa naman si—

Rage nanaman! 

“Kanina ka pa tulala, baka mahanginan ka d'yan. Yari ka,” aniya saka tumawa na may halong pang-aasar. 

Umirap ako sa kaniya saka hinilot ang parte na pinitik niya kanina. 

“Ano bang iniisip mo?” tanong niya saka umupo sa harapan ko.

Walang ibang tao dito sa paligid bukod sa'ming dalawa. 

Mali ang tanong mo, hindi ano kundi sino. Pero s'yempre hindi ko yan sasabihin dahil baka lalo siyang magtanong. 

Umiling ako saka ngumiti, “Iniisip ko lang yung darating na examination,” pagsisinungaling ko. Dahil hindi ko naman 'yon masyadong inaalala dahil natapos ko na rin naman 'yon nung nakaraan pa. Kaunting recall nalang ang gagawin ko. 

Stay (SWF#1)Where stories live. Discover now