STAY CHAPTER 7
Bumuntong hininga ako saka tinitigan ang sarili ko sa salamin.
“Nagmukhang tao ka rin, panget” napairap ako kay kuya nang pumasok siya sa kwarto. Nakatingin sya sakin at pinagtitripan na naman ako.
“Epal ka pala, Kuya Kiel e no?” sagot ni Ahnie saka nagpatuloy ang pag-aayos sa sarili.
Nakakainggit silang panoorin na kayang ayusin ang sarili nila. Ako kasi liptint lang, lagpas pa. Minsan mapapatanong nalang din ako sa sarili ko kung babae ba talaga ako o kung dalaga na ba ako.
“Tagal na,” sagot ni Kuya kay Ahn saka tumatawang umalis ng kwarto ko.
Dito na namin napagpasyahang mag-ayos.
This is the night. Ito na ang ball na inaantay nila. Sila lang.
Huminga ako ng malalim saka muling tumingin sa salamin. Nakita ko sa repleksyon si Macey na naka focus sa pag-aayos ng kaniyang sarili. Mariin akong napapikit.
“Ayos ka na?” tanong sa akin ni Ahn saka pansamantalang huminto sa pag-aayos.
Tumango ako. Sa aming tatlo, ako lang ang kumuha ng taga make up dahil hindi ako marunong.
Agad akong napatingin sa orasan sa loob ng kwarto ko. Dalawang oras nalang.
Kumabog bigla ang dibdib ko sa sobrang kaba. Sa mga nagdaang ball, ito lang ata ang sobrang kinabahan ako. Hindi ko alam kung bakit. Pero isa lang ang alam ko.
Kasalanan nanaman ito ni Rage.
Hanggang ngayon, confuse parin ako sa sinabi niya.
'I was gonna be your partner this year'
Ano raw? Kung gusto niya pala akong maging partner, sana ay nandito siya, sana ay niyaya nya ako agad ng hindi ako naka Oo sa iba. Hindi yung saka nya sasabihin kung kailang meron ng Zake.
“Bakit ka ba tulala dyan, Selene?” biglang tanong ni Macey saka ako nilingon.
Ngumiti ako, “Wala naman,”
“Lagi ka nalang tulala, Selene.” puna ni Ahnie saka nagpatuloy sa pagmmake up.
Totoo ba? Napapansin din ba nila na madalas akong maging tulala this past few days? Ganon ba talaga ako ka suffocated sa presensya ni Rage?
Hindi ko na maintindihan ang sarili ko lately. I sighed.
Mag iisang oras na nang makapagbihis kami nila Ahn at Macey pero hindi parin sumasagot sa amin si Raine. Nag-aalala na kami kung anong nangyari dahil maski sa tawag ay ayaw niyang sumagot.
“Si Rage lang ata ang nakakaalam ng bahay niya,” Maya-maya'y puna ni Macey saka nagkamot ng ulo. “paano yan?” she hopelessly asked.
“Si Rage ba? Tawagan niyo pakisabi ayaw sumagot ni Raine,” suhestyon ni Ahnie.
Habang ako ay nanood lang sa dalawa. Wala naman akong alam na pwedeng gawin dahil hindi ko rin alam kung anong nangyayari kay Raine at kung ano ang posibleng dahilan kung bakit siya wala. Napatingin ako sa orasan at isang oras nalang ay magsisimula na ang ball. Mabuti nalang at malapit lang mula dito ang hotel na paggaganapan ng party.
“Natext ko na si Rage,” sagot ni Macey saka itinaas ang lavender gown niya, “Tara na kaya?” aniya nang mapatingin siya sa orasan.
Tumango naman si Ahn saka tumingin sa akin, “Tara na, Selene.” aniya saka kami dahan dahang bumaba.
Si Rage, naalala ko. Kung ganon, hindi pala kami magiging magkapartner ngayong ball. Pero bakit ba nakakaramdam ako ng lungkot? Mas maganda nga 'yon. I need to get rid of this feeling.
YOU ARE READING
Stay (SWF#1)
General FictionSelene doesn't know what love really is until she finally got glimpse of hints inside her heart, the burning feelings and the horns of pain. Slowly, she's unravelling her feelings towards a guy named Rage, but fate doesn't want easy love stories. Wh...