Hay buti nalang wala pa yung teacher namin sa math kundi nako patay ako neto.... Pag-upo ko ay wala si "Collin"...... Ay ay bakit ko siya hinahanap eh may kasalanan pa sakin yung ugok na yun!.... "Guys wala daw si Sir Sarmiento pero may iniwan siyang task sa atin"... Sigaw ng classmate ko na pagod na pagod habang nagsasalita sa harap ng board... Siguro galing faculty to... Hay nako madali lang naman ang math...
Habang sinusulat niya yung mga problems sa board ay nagsimula na akong magsolve. Up to 10 lang naman eh kahit metally pa.
Within 5 minutes ay natapos ko yung pinapagawa then pinass ko na sa harap. Napatingin yung mga kaklase ko sa akin. "Hanep ang bilis!"...."lupet mo Nerdy!".... Sabi ng iba sa mga kaklase ko. Nagulat ako nang may nangalabit sa akin at isa sa mga hipon... Pwe... "Uhmmm Kate"... Uy tinawag niya ako sa pangalan..."uhmmm kung pwede sana pwede mo ba akong turuan?" Pabulong na sabi nito... Hay nako matapos mo akong tirikan ng kandila kanina..... Tsk... Sige na nga tutal mabait naman akong tao. Lol. "Oh sige ba" sabi ko sa kanya sabay turo sa kanya kung pano isolve. "Mag-ingat ka sa mga signs... Basta (-) x (-) is equal to positive then (+) x (-) is always equal to negative".... Sabi ko sa kanya ng parang friend kami... "Ah okay" sagot niya... Interesado naman siya...
Pagkatapos ko siyang turuan ay bumalik na ako sa upuan ko.... Habang nagbabasa ako ng libro ko sa english ay biglang nagsalita si Collin... "Grabe sunget! Ang lupet mo! Ang bilis mo na ngang magsolve mag babasa ka pa ngayon!! Teka bakit mo pala tinulungan yung isa sa mga-----.... Napalingon ako at pinutol ang pananalita niya "kahit kailan hindi masamang tumulong.... Saka ano ba naman na ishare ko yung knowledge ko sa iba? Tsk" sabay kusilap sa kanya.... "Whoah... Okay okay..." Sabay taas ng dalawang kamay na parang pinipigilan akong magalit....
"Whoooo... Uwian na!!!".... Sigaw ko sa hallway.... Habang winawagayway ko ang aking dalawang kamay ng mataas....nang ibinaba ko na ay agad may humawak na kamay ko ng mahigpit... At si Collin pala... "Hoy bitiwan ko ako!!!" Sabi ko sa kanya habang hinihila niya ako palabas ng school....
Nang nasa labas na kami ay binitawan niya ang aking kamay..."ano bang problema mo ha?" Tinignan ko siya ng masama habang hinahawakan ko yung kamay ko na naging color red na.... "Sasamahan mo ako sa ayaw at sa gusto mo!" Sigaw niya sa akin sa tenga... Sabay hila na naman sa akin... Grabe ang higpit niyang humawak ng kamay!!! Iiyak na ako!! Ang sakit talaga!!!
Binitawan niya ulit pero nagulat ako ng "bakit mo ako dinala dito?" Tanong ko... Sabay tingin sa kanya...."hoy! Ba't ko ako dinala dito sa park?" Tanong ko ulit sa kanya... Di naman kasi sumasagot..."tumahimik ka nga! Akala ko ba tahimik ka? Ang ingay mo!".... Nagulat ako ng nagsalita siya ng seryosong seryoso.....pumunta siya sa mga nagtitinda ng street foods habang nakaupo ako sa bench..... Balak ko sanang umalis kaso baka magalit sa akin....
"Oh eto..." Sabi ni Collin sa akin... "Para san to?" Tanong ko na parang gulat na gulat.... "Hayaan mo di yan libre, akala mo ah! Sisingilin kita sa susunod!" Sabay ngiti habang sinusubo yung fishball... "Ha? Utang ko pa to? Aba sino bang nagsabi na bilihan mo ako neto?"....napataas yung kilay ko habang kumakain... "Huy?".... Sabay wagay way ng kamay ko sa harap ng mukha niya...."okay sige na.... Babayaran ko to sa susunod".... Ngumisi ako.... Nakakainis naman kasi wala naman akong sinabi na bilihan niya ako ng pagkain tapos ngayon sasabihin niyang may utang ako... Baliw din to...
Napuno ng katahimikan ang paligid at mga tunog nalang ng bell ng icecream vendor ang naririnig. "Kate.... Masama ba ako?".......napaubo ako at sabay punas sa bibig.... Hala di ko alam isasagot sa kanya...."uhmmm ano"....sagot ko sa kanya... Nakakauwi na ako ayoko na... Gusto ko ng umuwi.... Lord..."sa tingin mo mahal ako ng magulang ko?".... Napahawak ako sa balikat niya at "oo naman mahal ka nila... Wala namang magulang na hindi mahal ang anak eh"... Bakit ganito siya magtanong? Bakit kinakabahan ako sa oras na sasagot ako?... "Feeling ko kasi hindi...simula bata ako hindi nila nagawang umuwi dito sa Pinas... Puro trabaho nalang ang inaatupag nila... Ultimo family day si Manang Cristy ang kasama ko.... Feeling ko hindi nila ako mahal...."...... Nako nagdadrama siya ngayoooon... Jusko..... Pero sasabayan ko nalang siya.... "Shhhh... Tama na yan" habang hinahaplos ko yung likod niya..."alam mo Collin mali yang iniisip mo mahal ka nila at hinding hindi pa nila pababayaan... Kasi anak ka nila... Responsibilidad nila yun bilang isang magulang"..... Nagulat ako ng bigla niya ako niyakap...."salamat Kate.... Salamat".... Biglang bumilis yung tibok ng puso ko sabay hiwalay sa kanya at tumakbo na ako pauwi....
Hanggang sa pagtulog yun lang ang iniisip ko... Siya at siya lang.... Pero bakit?....
Whoooo!!! Dami ng readers!!! Vote po kayo!!! Thank you

BINABASA MO ANG
The Geek and her seatmate
Teen FictionMaari kayang makahanap ng Agustus Waters si Kate Salveda na mas kilalang "Nerdy"? Isang matalinong estudyante si Kate. Lagi itong nasa top ngunit iba ang tingin sa kanya ng mga kaklase dahil sa pagiging weird nito. May makikilala itong binata na mag...