Recess namin ngayon at habang kumakain ako ng inorder kong burger at fries ay may biglang tumabi sakin at alam mo kung sino na naman? Edi si ANO!! oo si ano!!... "Hi miss, pwedeng makishare ng table?"... Bwisit to ah tatanungin pa ako kung pwedeng makishare ng table eh nakaupo na nga pangiti ngiti pa. Ngiting aso naman. Kahit sila ang may ari ng school na to di ko siya palalampasin! "Excuse me, nakaupo ka na rin naman diba bakit kapa magpapaalam? Di porket sainyo tong school eh umaasta ka ng... Ah basta...saka ang dami dami namang table dito sa canteen bakit sa akin pa? Jusko naman!!!" napalakas ata yung pagsabi ko....." eh dito nga gusto ko magagawa mo?" pabulong na sabi niya....sabay ngiti. Nakakainis yung ngiti niya bakit kasi ngiting aso? Whoooo.... "Aalis na ako" sabi ko sa kanya "uy teka!"... Sabi niya sa akin, pero tumakbo na ako papuntang c.r. Ang sakit kasi ng tiyan ko.... Habang naghuhugas ako ng kamay ay biglang sumulpot yung mga Malalanding kaklase ko sa room... Nakakatakot sila parang kakainin nila ako ang sasama ng tingin nila... Lord pleasee help.."hoy! Nerdy! Kung umasta ka kanina sa eating area parang ikaw ang may-ari ng school ah"...napayuko ako kasi natatakot talaga ako....."hoy! Sa susunod na uulitin mo yon kami na ang makakaharap mo!!! Huwag mong aawayin ang Bae ko!! You stupid!!!"......sabay alis sa c.r... Grabe kinabahan ako dun...nakakatakot kasi yung mga mata nila tapos naka kunot pa yung noo. Yung feeling na di ka makagalaw kasi onting move mo lang baka suntukin ka or sabunutan. Actually duwag talaga ako pagdating sa ganito... Ang daming nangyari sa araw na to... Lunes na lunes pa naman din...
********
Pag-uwi ko sa bahay ay sinalubong ako ni mama sa may pinto "oh anak kamusta school? Napass mo ba yung homework ko sa Chemistry?" ......."uhmmm hindi po ma, kasi may bago kaming classmate tapos naconsume yung whole period namin kay Ma'am Mendoza kasi nagkwento pa siya ng tungkol doon sa parents ng transferee. Siya kasi yung anak ng may ari ng school ma"....napaubo si mama tapos parang gulat na gulat "ano? Nako anak mag-ingat ka sa kanya baka onting galaw mo lang i-kick-out ka niya sa school"..."opo ma" sagot ko nakakatamad kasing iexplain kay mama... Di ko nga masabi na ang feeling nung tao na yun. Tsk... "Ano nga palang pangalan niya?"...tanong ni mama sa akin habang nagpupunas siya ng vase..."uhmmm ma...uhmmmm....teka po...uhmmmm...."....."uhmmmm ano" sabi ni mama...."uhmmm ma...di ko po alam.. Eh".. Sabi ko ng mahina kay mama nakakahiya kasi nagpakilala na nga nakalimutan ko pa ying pangalan niya....ano ba yan...sabay kamot sa ulo..."hay nako Kateee...sige sa susunod mo nalang sabihin..magbihis ka na at magpahinga tatawagin nalang kita mamaya pagkakain na"......"opo ma" sagot ko...umakyat na ako sa kwarto ko at sabay higa kahit di pa ako nakakabihis... Iniisip ko kasi yung pangalan niya... Nakalimutan ko... Kainis.... Kinuha ko yung homework ko sa Chemistry sabay "nakakainis talaga yung transferee... Dahil sa kanya di ka na check!!! Nakakaasar!! Edi bukas magagawa na ng mga classmates ko yung assignment nila... Hayyyy.. Ang feeling talaga nung lalaki na yun....akala kasi niya gwapo siya... Tsk...
Pagkatapos kong magbihis ay nagbasa ako ng biniling libro ni mama yung The Fault in Our Stars....kawawa naman si Hazel Grace... Haaay... Pero buti pa siya masaya.... Tsk... Makakahanap din kaya ako ng Agustus Waters ko? Hahahahahaha hay nako... Tama na nga Kate ang pag-iisip...
"Tok tok tok...anak kakain na".. Ala naman...7:00 pa lang naman... Ang aga naman naming kumain.."opo ma papunta na po"...dali dali ako lumabas ng kwarto kasi baka magalit si mama ayaw pa naman niya kasing pinaghihintay ang pagkain... Habang kumakain kami ay nagtanong si papa "anak kamusta school?"..."ayos naman po pa" sagot ko..."alam mo bang may bagong kaklase si Katee" sabat ni mama..."oh talaga? Anung pangalan?"...tanong ni papa na abot tenga ang ngiti... Nakakatawa yung ngiti ni papa... Biglang tumahimik...hala baka may dumaan na anghel.."ay pa...ay ano...ano po nakalimutan ko yung pangalan niya..."putol ko sa katahimikan...."hahahahahaha si ate may memory gap na!!!" sabat ng kapatid kong makulit... "Nako anak gusto mo ba ng memory plus? Nakakaawa ka naman kasi ang bata bata mo pa "kabao" ka na"...(makakalimutin sa Ilocano) sabi ni papa...."hahahahahahaha" tinawanan pa naman nila ako... Hay nako.. Ano bang meron ngayon bakit ang malas malas ko? Waaaaaa!!! Enebeyen...
Pagkatapos naming kumain ay naghugas na ako ng pinggan tapos habang kumakanta ako ng thinking out loud ay ginulat ako ng kapatid ko "ay palaka" sabi ko... "Hahahahaha! Ay si ate ang sama! Di ako palaka!"... Sabi ng kapatid kong sobrang kulit na si Clyde... "Ano na naman ba Clyde? Dun kana manood ka nalang... Sa susunod huwag mo na akong gugulatin baka mabasag yung hinuhugasan ko..."....."opo ate..eh ate lalaki ba yung bago mong classmate?"... Tanong ni Clyde sa akin tapos nagbebeautiful eyes pa ang putek... "Oo"... Sagot ko na pagalit... Nakakaasar kasi tong kapatid ko... "Ayiee si ate crush mo no"... "Ano baaaaaaaa!!! Maaaaa si Clyde nanggugulo!!!!!" sigaw ko sa kusina... Para ibahin yung topic namin ng kapatid ko... Kumaripas siya ng takbo papunta sa taas... Hay salamat nawala na din siya... Ang feeling nun crush ko daw... Y-U-C-K!! As if naman na magiging crush ko siya eh ang pangit pangit ng ugali.... Pwe!!!... Saka ang bilis naman kung magiging crush ko agad... And si Agustus Waters lang ang crush ko wala ng iba...
Pagkatapos kong maghugas ay binuksan ko yung facebook ko... Collin Smith add you as his friend Confirm or Ignore" wait pano niya nalaman pangalan ko? Aba? Malupet!... Icoconfirm ko na ba... Ay hindi ayaw ko ngaaa...
What the.... May ipisssssssss!!waaaaa!!! "Collin Smith and you are now friends" ay shit naconfirm ko siya... Bwisit na ipis yan!! Nakakaasar... Kung di ka lang lumilipad ... Teka nga papatayin muna kita...
BINABASA MO ANG
The Geek and her seatmate
Novela JuvenilMaari kayang makahanap ng Agustus Waters si Kate Salveda na mas kilalang "Nerdy"? Isang matalinong estudyante si Kate. Lagi itong nasa top ngunit iba ang tingin sa kanya ng mga kaklase dahil sa pagiging weird nito. May makikilala itong binata na mag...