"Vacant seat"

33 3 2
                                    

"Collin's POV"

Hay excited na akong makita ulit si Sunget!!! :) haaaaay.....

Pagkatapos kong kumain ay hinatid na ako ng driver namin sa school....

Habang nasa sasakyan ako ay todo ayos ako ng sarili ko... Ewan ko ba kung bakit....

"Todo ayos ka ngayon Sir ah.... Sino ho ang dahilan niyan?"...Sabi ng driver namin habang nakangiti...

"Wala manong.... Nagpapapogi lang para mas lalong pumogi ulet! Hahahahahaha"....

Pagdating ko sa school ay dali dali akong tumakbo patungo sa room namin....

Pagkalapag ko ng bag ay bigla akong nalungkot ng nakita kong wala pa si Kate.....

"Siguro late lang yun.... Baka napuyat kakaisip sa akin!"... Sabi ko... Totoo naman eh.... Natamaan na kaya? Hahahahahaha....

Nagsimula na ang klase namin pero wala parin siya.... Anong nangyari dun? ....

"Where's Miss Salveda?" Tanong ng prof namin...

"Ma'am absent ho..." Sabi ng mga classmates ko...

Bigla akong nalungkot.... Ewan ko kung bakit... Pero gusto ko lagi siyang nandito....

"A-ANO?"... Napasigaw ako dahil sa iniisip ko... "Yes Mister Smith?"... Tanong ng Prof namin ngayon...."Nothing Ma'am...."... Sabi ko sabay napayuko ako...

Bakit ba kasi wala siya? Ano bang nangyari sa sunget na yun?.....

Di kaya namimiss ko lang siya?.....

Tinap ko ng tinap yung ulo ko...... Puchaaaa.... Hindi ko siya namimiss... Wala akong namimiss....

Recess na at hindi ako kumain.... Iniisip ko lang siya.... Iniisip ko yung kalagayan niya....

Pumunta ako sa office at tinanong ko sa record nila kung saan nakatira si Kate....

Pupuntahan ko siya sa bahay nila.... Bakit ba di siya pumasok?... Ano bang problema nun?....

Hanggang sa matapos ang klase ay siya at siya parin ang laman ng isip ko... Hindi ako nakinig sa tinuturo ng mga prof namin.....

Nang nakita ko na ang bahay nila ay nagulat ako ng triple pala ang laki ng bahay namin sa bahay nila.... Akala ko naman sobrang yaman ng babaeng to....

Tsk.... Bakit pa yun ang iniisip ko?
Pumunta ako dito para sa kanya hindi para sa bahay...

*****

kumatok ako sa bahay nila at may nagbukas naman....

"Ano ho iyon?"... Tanong ng isang matandang babae

"uhmmm... Dito ho ba nakatira si Kate?".... Tanong ko pabalik

"Ay oo... Anak ko siya.... Pumasok ka muna..." Sabi ng babae.... Nanay pala niya yun...

"Kaano ano mo siya hijo?.... Boyfriend kaba niya?"... Tanong ng nanay niya sa akin.... Nagulat naman ako tapos bigla nalang akong napasagot...

"Ah eh... Malapit na po dun"... Sabi ko

"Ano? Boyfriend ka ng anak ko? Jusko..... Wag muna ngayon balong...."

Napakamot nalang ako ng ulo...

"Hindi ko ho siya girlfriend... Kaklase ko ho siya.... Na saan po ba siya?"... Tinanong ko agad kasi interesado talaga ako....

"Ah ganon ba? Mabuti kung ganon....... Nasa taas siya may sakit..." Sagot ni Mrs. Salveda sa akin....

"Ano ho? Kamusta na po siya?".... Tanong ko na parang biglang nagpapanic

"Oh easy lang hijo... Umakyat ka nalang at tignan mo siya.... Kanina pa siya nilalagnat........ Kung pwede sana paki dala tong soup sa kanya ha.... Di pa kasi kumakain.... Maglalaba muna ako....".... Sabi nito sa akin....
Mabait naman ang mama niya pero bakit iba yung ugali niya? Tsk.... Nerdy nga naman talaga oh...

Pag-akyat ko ay nakita ko siyang balot na balot ng kumot.... Kawawa naman siya.... Tulog parin hanggang ngayon tong babaeng to? Lufeeeeet!!! Hahahahaha...

Pagkababa ko ng soup niya ay may nakita akong planggana at maliit na towel at pinunasan ko yung noo niya....

Habang pinupunasan ko siya ay narealize ko na mas maganda pala siya pagtulog... Sana tulog nalang siya palagi... Syempre loko lang...

Pagkatapos ko siyang punasan ay bigla bigla ko siyang nahalikan sa noo....

Paktay tayo pre.... Bakit ko ginawa yun?....bigla akong kinabahan at tumakbo na ako kaagad papauwi....

Hi... Thank you my dear readers.... Sana dumami pa kayo ng dumami :))... Bitin ba? Sorry ha.... Yan lang muna kaya ko ngayon.... Sumakit yung ulo ko sa math kasi kanina.... Hahahahaha...

Nahuhulog na din kaya si Collin kay Kate?

Abangan....

The Geek and her seatmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon